Every once in a while, nagkakaroon ng get together yung group na kung saan kasali kami ni Raven. Ilang beses na nila ko niyaya pero lagi akong hindi pwede. Una, never akong hindi umuwi sa bahay. Kesyo ala-una na ng madaling araw, uuwi at uuwi ako hindi pwedeng hindi.. Natatakot din naman ako magpaalam, paano naman kasi, may baby na ko, at napakastrikto ni Mommy pagdating sa pag-alis-alis ko ng bahay. Kalkulado lahat. Kesyo pag ganitong oras ka umalis, dapat ganyang oras nasa bahay ka na, mga ganun. Ang hirap magkaroon ng nanay na accountant.
Nakakita ako ng pagkakataong sumama sa Project BiEks. Bahala na kung anong idadahilan ko basta pupunta ako. Lagi na lang akong nagpa-pass sa mga get together eh. Nakakahiya na. At saka isa pa gusto ko na rin silang makita, makasama, makalasingan. Gusto ko malaman kung ano ba sa personal yung mga taong nakakasalamuha ko sa group na yun. Totoong tao ba sila? Kung ano ba yung ipinapakita nila sakin sa FB ganun din kaya sa personal?
Dumating ang araw na hinihintay ko. Masyado ako maaga umalis sa bahay, paano eh alam nila papasok ako sa unibersidad nun. Yun pala pupunta lang ako sa magdamagang alakan (Oy ikaw na nagbabasa wag na wag mo kong gagayahin. Pagsisisihan mo sinasabi ko sa iyo. Basta Wag.) Ang layo ng Sta. Mesa sa Parañaque. Naghihintay pa ko ng mga makakasabay ko papunta dun. Eh yung buong Team Cubao eh petiks pa, yung iba kagigising lang samantalang ako eh lanta na yung ganda ko kakabyahe (Charaught!!!!). Nagpunta ako sa pinakamurang computer shop na malapit sa unibersidad. Pag-online ko eh trending yung nagtatanungan kung asan na daw ba. May notification sa 'kin na minention ako. Si Lorraine pala yun, nagpapasundo sa Fairview. Juice colored! Ako naman, si ayaw din magpunta mag-isa (kahit kaya ko naman..) eh sinundo ko si Lorraine. Mahirap ng ma-OP diba? Kahit paano man lang may kausap na ko.
Pagdating sa Fairview, at pagkakita ko kay Lorraine ay kumain muna kami ng tanghalian. Tapos byahe na kami papuntang Parañaque. Lapit diba? Walking distance. Balak dapat naming sumabay sa Team Cubao, kaso nung nagtext kami sa kanila eh hinihintay pa raw nila si Raven. Napaka talaga nun! VIP ang lolo mo. Nagdecide na kami ni Lorraine na dumeretso na sa bahay ni Tapz. Baka mamaya kung anong oras na kami makarating kakahintay sa kanila.
Pagdating namin sa Taft, impyerno yung paghihintay ng jeep papunta kina Tapz. Konti na lang magyayaya na ko pabalik samin. Uuwi na lang dapat kami ni Lorraine. Mga isa't kalahating oras pa ang lumipas bago kami nakasakay (kung hindi pa kami nakipag-agawan eh hindi kami makakasakay..). Di pa nakuntento sa ganun, sobrang traffic pa. Nakatulog kami sa tagal ng traffic. Malapit lang naman kung tutuusin.
FAST FORWARD ..
So nakarating na kami sa bahay nila Tapz. Sinalubong kami ni Lester (na kasama ko rin sa kabilang grupo). Nandun na yung Team Cavite. At ang team Cubao nganga pa din. Mabuti nang nauna kami. Nakakapagod kaya! Yung Team Rizal parating pa lang daw. Nagkakagutuman na kaya nagpauna na ng pabili ng pagkain si Tapz.
Masaya kaming nagkukwentuhan dun sa kwarto ni Tapz. Malamang aircon ba naman kasi tapos nandun pa yung PC nya. Wantusawa kami sa YouJizz este YouTube pala hahaha! (See media as reference). Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang Team Cubao at meron pang iba. Busy pa rin kami sa pagkukwentuhan. Bumukas yung pinto. Si Raven. Nag-hi ako sa kanya at kumaway. Suplado ang lolo mo. Well, di ko ineexpect na papansinin nya ko agad-agad, first time namin magkasama sa party nun. Maya-maya tinawag na kami nila Tapz. Paglabas namin ay nakahain na yung pagkain. Parang dinaanan ng bagyo yung nakahain. Take note mainit yun, maanghang pa.
Paglaon ng gabi ay nagsidatingan pa ang ibang Team mula sa ibang lugar. Sinimulan na rin ang pag-ikot ng baso. Nung gabing yun ay nagkaayos din kami ni Rhein, yung bestfriend turned enemy ko. Ilang buwan din kaming hindi nagpansinan nun. Hindi ko maalalang nakapag-usap kami ni Raven nun. Pero may mga pictures kami na magkasama. Masyado lang siguro kaming busy sa pakikipagkwentuhan sa iba. Nagkaroon ng beer pong challenge. Haha. Panalo kami ng partner ko nun.
BINABASA MO ANG
Pinaasa , Umasa , Iniwan ...
Literatura FaktuThrowback Hurtsday! Naisip ko lang isulat (itype, I mean..) yung mga nangyari, bilang paulit-ulit sa utak ko. Dedicated sa pinakamamahal kong ex. No hard feelings. But I was really, really hurt. Pinaasa , Umasa , Iniwan ... │ © Nov 04 2014 │ by Arec...