CHAPTER 2

6.8K 66 9
                                    

Four years ago...

PATAWID si Zrael patungo sa pinagparadahan niya ng kanyang sasakyan upang kunin ang CD na naiwan niya roon nang biglang sumulpot mula sa kaliwa ang isang humahagibis na puting kotse. Mabilis siyang lumundag paatras upang makaiwas. Malakas na napamura siya. Kung nahuli siya nang ilang segundo, malamang na sa halip na series of mall tours ang gawin niya para sa promotion ng bagong album ng banda niya, series of operations ang kababagsakan niya.

Nagngingitngit na lumapit siya sa driver's side ng sasakyang agad ding tumigil dalawang metro ang layo sa kanya.

"Hoy! Marunong ka bang magmaneho? Makakapatay ka—" Agad nabitin sa lalamunan niya ang galit na mga bulyaw niya nang makita kung sino ang nakaupo sa driver's seat ng kotse. Napuno ang dibdib niya ng panggigigil, pagkapikon, iritasyon, at lahat ng negatibong emosyong maaaring maramdaman ng isang tao. Ngunit lahat ay patungkol sa sarili niya.

Isang mahigpit na batas niya sa sarili ang huwag mang-aabuso ng isang babae—pisikal man o berbal. Matanda, bata, mataba, payat, pangit, o maganda, basta babae, dapat ay ituring niyang reyna sa bawat pakikipagharap niya sa mga ito. Kahit ang babae pa ang may kasalanan sa kanya.

Lalo na kung mukhang hihimatayin sa takot tulad ng babaeng nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa manibela ng kotse nito. Deretso sa labas ng windshield ng kotse ito nakatingin, tila natatakot bumaling sa kanya.

Bahagya siyang yumuko upang masilip ito.

"Hey, darlin', are you okay?" untag niya rito, sadyang ginawang malambing ang boses niya.

Dahan-dahan itong bumaling sa kanya. At nakasalubong niya ang mga matang kakulay ng paborito niyang tsokolate at kakulay din ng buhok niya. They were big, dark brown eyes that looked at him through her slightly skewed wire-rimmed glasses. Those beautiful eyes were set in a plain heart-shaped face framed by long and wavy dark hair. Hindi niya alam kung hanggang saan abot ang mahabang buhok nito. Sa unang tingin ay ordinaryo lang ang hitsura nito; hindi makatawag-pansin kumbaga. Except for her eyes and her hair.

Siguro kung magme-makeup ito at lalagyan ng estilo ang buhok nito, mag-i-improve ang hitsura nito. He still wouldn't exactly call her beautiful but she would certainly be attractive.

Ilang beses itong kumurap-kurap. Animo kagigising lang nito sa isang masamang bangungot.

"I'm so sorry. I'm such an idiot. Are you hurt? Should I take you to the hospital?" natatarantang sambit nito. Tila hindi nito malaman kung bababa o magda-dial sa dinampot nitong cell phone mula sa passenger's seat.

"No, I'm all right. You can run me down anytime. Just as long as you give me your name, address, phone number, and signature of course!" malawak ang ngiting sabi niya upang pakalmahin ito. Mukha kasing ilang sandali na lang ay magiging hysterical na ito. And the last thing he wanted was for her to have a panic attack.

Natigilan naman ito, muling napalingon sa kanya at nagkaroon bigla ng pagdududa sa mga mata. Matamang tinitigan siya nito na parang nag-aalala sa estado ng isip niya. Bahagya rin itong umatras palayo sa bintana, nasa anyo ang pangamba na bigla niya itong atakihin.

Itinukod niya ang isang kamay sa bubong ng kotse nito at ipinaskil ang pamosong ngiting dumagit sa hindi na mabilang na babae sa mundo. Iyon ang pose niya sa cover photo ng huling album ng banda niya at umaasa siyang dahil doon ay mamukhaan siya ng babae at mapapanatag ito na hindi siya isang baliw na nakatakas ng mental hospital.

Kadalasan ay iniiwasan niyang makilala siya ng mga tao kapag wala siya sa entablado at umaawit o tumutugtog. Noong una, marahil ay tuwang-tuwa pa siya kapag nakikilala siya bilang si Zrael En-ey. But that quickly lost its appeal especially after more than a couple of times of being mobbed by enthusiastic fans. Kaya kapag wala siya sa trabaho, nagdi-disguise siya tulad ngayon upang maiwasang makilala ng madla. Bagaman hindi maiiwasang may nakakakilala pa rin sa kanya, pero hindi na dagsa kaya nakakaiwas siya. Subalit may mga pagkakataong tulad ngayon na kailangan niyang gamitin ang pagiging celebrity niya.

ASERON WEDDINGS-SHAPE  OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon