"Ali mag empake kana, uuwi na tayo bukas" sigaw ni mama
Hindi ko nalang pinansin si mama at pinagpatuloy ang paglilibot ng aking mga mata sa paligid
Narito ako ngayon sa limang palapag ng building na tinitirahan namin nakatanaw sa mga naglalakihang building sa piligid,
Paano kaya kapag dito na kami tuluyang tumira, paano kaya ang pamumuhay dito sa lungsod?
Sa probinsya tahimik, payapa, walang masyadong sasakyan, dito magulo,
Narito kami ngayon sa unit ni lolo sa manila, binili nila to para may matutuluyan sila kapag nagbabakasyon sila. Isang linggo na kami dito, sinaman ko lang si mama para mamili ng mga damit na gagamitin namin sa graduation ko.
Ang bilis ng araw, college na ako sa susunod na pasukan
Bumaba na ako para kumain, naabutan ko rin si mama na naghahanda na sa mesa
"O andyan kana pala ali akala ko tulog kananaman, mabuti at naisipan mo nang bumaba, tamang tama halika rito at tulungan mo na ako maghanda para makakain na tayo" sabi ni mama
Habang kumakain tinatanong ako ni mama
"Nga pala saan mo balak mag college ali?" Tanong ni mama
"Gusto ko po sana sa abroad ma, dun kila lolo, sabi kasi ni lolo kukunin niya ako" nahihiyang sambit ko.
Tumango lang si mama.
"Ayaw mo bang dito ka nalang muna sa manila ali, balak din kasi ni meggan dito mag-aral dito narin kayo tumira, tyaka may university jan sa kanto lang" sagot ni mama
Hindi na ako umangal pa kasi kahit anong pilit ko, sila rin ang masusunod at ayaw ko narin namang mahirapan pa sila.
Kanina pa ako hindi mapakali habang nakaupo dito sa harapan habang hinihintay ang pangalan kong tawagin.
Graduation na, pagkatapos dito may kaonting handaan sa bahay mamaya.
Tanaw ko sa kalayuan ang pamilya ko, tinignan ko sila isa isa, si papa tahimik lang na nakikinig habang nagsasalita si mama, si alther naman nakaupo lang na parang walang pakealam sa paligid at si mama naman na talak ng talak kay papa.
Alam ko proud sakin ang pamilya ko ngayon, pero nakakalungkot lang na hindi ko close si papa.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa sasakyan namin
"Uyy si atalia" rinig ko sa pangalan ko.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang mga dati kong kaklase na nagkukumpulan sa ilalim ng malaking puno,
"Mama sunod nalang ako sa sasakyan, batiin ko lang mga dati kong kaklase" sabi ko kay mama
"O sige, wag ka magtatagal ha. Mga pinsan mo naghihintay na sa bahay" sagot ni mama
Ngumiti kalang ako tyaka tumalikod, kinawayan ko ang mga dati kong kaklase tyaka lumapit,
"Congratssss!" Hiyaw ko tyaka ngumiti "college na tayo, mamimiss ko kayo" patuloy ko
"Mamimiss ka daw ni athalia, edward o" sigaw ni niko nagtawanan naman silang lahat, hinayaan ko nalang yung sinabi ni niko, naka ugalian niya nayan, hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi nang aasar
nagpatuloy pa ang panunukso nila saakin hanggang sa
Nagtanong si jena"Saan ka mag-aaral ali?"
"Sa neil daw e dalawa kami ng pinsan ko, kayo saan?" sabi ko.
Bigla kong naalala na hinihintay pala ako nila mama sa sasakyan,
"Dito parin e, nakakainis! Si kuya kasi ayaw umalis dito, ayaw niya iwan yung girlfriend niya" sagot ni jena
BINABASA MO ANG
Darkness of Truth
Narrativa generaleHow would you find your way getting yourself on the track when your heart aches and missing it's pieces. How would you fix yourself? running is tempting but you can't stop the darkness, you only have to face the fact of reality. Is your love for him...