Simula"Athalia" tawag sakin ni meggan
Naglalakad ako ngayon papunta sa paborito kong lugar sa likod ng building, hindi ko alam kung bakit dito ako dinadala ng mga paa ko kapag naiinis ako. Bukod sa magandang paligid mga huni lang ng ibon ang tanging maririnig mo.
"Ano bang nangyayare sayo, bakit mo ba ginawa yon?" Patuloy ni meggan. Guess what? Tinapunan ko lang naman ng juice ang haliparot na dati kong kaibigan. Tama lang sa kanya yon, sirain ba naman ang umaga ko.
"It's been a long time, don't tell me hindi ka pa nakaka move on, athalia naman wala namang ginagawang masama yung tao sayo" hindi ko parin siya pinapansin habang patuloy siyang nagsasalita, umupo nalang ako habang hinihintay ang susunod kong klase.
"Ewan ko sayo malelate na ako. Sabay tayo uuwi mamaya ha, hintayin mo ako" tumango nalang ako at tumayo narin.
Hindi na ako tuluyang pumasok kaya napagdesisyonan kong maglibot nalang dito sa campus.
Ihahakbang ko na sana ang aking paa ngunit nasulyapan ko na bukas ang pintuan ng music room, it was my favorite place before, hinakbang ko ang aking mga paa at inilibot ang aking mga mata.
Unti unti kong naalala ang mga nangyari sa lugar na ito . My tears started to fall, pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso.
Tinignan ko ang mga bagay na saksi sa lahat ng mga alaala, maalikabok, walang pinagbago na parang matagal ng hindi ginagamit. I miss this place.
The memories are coming back to me like a haunting ghost and a fleeting kiss of the past that I'd rather to forget.
Hindi na ako nagtagal pa umalis nalang ako at tumakbo hanggang sa
"Aray miss, ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo"
Sasagutin ko na sana siya ngunit nahagip ng mata ko na papalapit na si meggan.
"Nandyan kalang pala ali, kanina pa kita hinahanap" sabi ni meggan at tumakbo na siya palayo habang hinihila ako.
Parehas kaming hinihingal ng tumigil kami. Hindi ko namamalayan ang oras, madilim na ang paligid. Wala ka ng makikitang mga estudyanteng naglalakaran.
"Saan ka ba galing?" Tanong ni meggan
Eto nanaman siya magsisimula nanaman yang bunganga niyang walang katapusan.
"Konti nalang malilintikan kana talaga saakin" patuloy niya
"Pumunta lang ako sa court" sagot ko. Nilingon niya lang ako, alam ko naman hindi rin maniniwala tong babaeng to. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan namin.
Lumipas ang dalawang hectic na buwan. I am again in our province. Kasama ko ngayon ang pinsan ko pinapakiramdaman ko ang bawat kilos niya, tahimik at seryoso na nakaupo sa kama ko habang ginagalaw ang kaharap niyang laptop,
Aalis nanaman sila sa susunod na araw para mamahala sa kompanya na ipinamana sakanila ni lolo sa canada.
Nagbakasyon lang sila dito ng isang linggo.
"Hey, ang tahimik mo jan" sabi ni ate maecy
"Eh paano naman kita kakausapin ate sobrang busy mo" saad ko sabay irap ko sa kanya
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sakanya o magseselos, it was my dream to study abroad, actually ako sana ang idadala ni lolo sa canada bago siya pumanaw pero nagkagulo gulo ang buhay ko kaya hindi natuloy.
" Alam mo na graduating" sagot ko nalang
Hindi na siya tuluyang sumagot kaya tumahimik nalang ako
It's almost 2 years simula nung mangyari yon.
Pinagpapasalamat ko nalang dahil sa nga nagdaang araw hindi na muling sumagi sa isipan ko ang mga malulungkot na alaala. Konting tiis nalang gragraduate na ako. Makaka alis na ako sa lugar na yon
Kung saan saksi ang lahat kung paano kami nagsimula.

BINABASA MO ANG
Darkness of Truth
Genel KurguHow would you find your way getting yourself on the track when your heart aches and missing it's pieces. How would you fix yourself? running is tempting but you can't stop the darkness, you only have to face the fact of reality. Is your love for him...