CHAPTER 12-SECOND CHANCE

4 0 0
                                    

JUDE'S POV.

Nilingon ko ito kahit nanginginig ang tuhod ko kasabay ng pagtagas ng aking pawis sa buong katawan.

Isang babaeng nakaputi ang papalapit sa akin. Biglang nawala ang takot ko dahil sa amo at anyong kagandahan nito.

"Saan ba nagpunta ang mga tao dito?" Sinubukan ko syang tanungin ngunit hindi sya kumikibo. Umupo sya sa damo at nilaru-laro ang mga buhangin.

"You are so stubborn. I told you to save her right? But you didn't do anything" Sambit ng kanyang maamong boses. Napaisip ako, tanging ang matanda lamang ang pumasok sa isip kong nagsabi ng ganoon sa akin.

"The destiny of people depends on how you move, kill her and your future will change, love her and your future will change, everythings happen for a reason. And I am here because of a certain reason" Naguguluhan na ako ano ba sya?

"Just who the hell are you?" I asked her cause she seems strange.

"Don't play dumb. Im her angel who wants to give her another chance and I need you to help her" Tinaasan ko sya ng kilay dahil ang weird na ng ina act nya pero hindi ibig sabihin na hindi ko naiintindihan ang pinagsasasabi nya.

Bigla nya namang pinaikot ikot sa taas ng daliri nya ang buhangin na kanyang pinaglalaruan. It's a real angel!

"Hell are you an angel?" I shouted in surprise.

"It's not hell it's heaven" Tapos pinaikot nya ulit ito. Napaka light ng skin nya. Maniniwala ba ako sa nakikita ko? Im not weird as fuck .

"My time's up Jude, remeber when she saved you? Now's your turn to save her, I give you the chance to change her future. Remember to move wiser and act more mature" At pagkatapos non ay naglaho na sya. Parang isang panaginip na bumalik sa realidad.

Nasa loob ako ng library at walang tao dito.

Paglabas ko sa campus ay may mga decorations sa palibot ng school. Red ribbons and white roses. Ang pagkakatanda ko last two months ago pa ito ginanap? Ang paghahanda ng mga decorations para isurprise ng birthday party ang President ng school?

Naaalala kong tumambay pa ako noon sa likod ng Gym dahil gusto kong matulog sa punong doon. Kung saan nakita ko si Briana na natutulog sa dapat ay pwesto ko, binulabog ko sya at pinalayas saka sya kumaripas ng takbo.

"Ayy sorry po Jude! Sorry po talaga!"

"Shit!" Nabuhusan ako ng red paint sa pants ng isang freshman. Nagpalit ako ng damit sa locker. Things are repeating on it's own! Ganito din ang nangyari sa akin last month.

"Brad anong month na ba ngayon?" I asked the guy na nasa tapat ng locker ko.

"Ayy September po ngayon" Sagot nito sa akin. Ngayon ko lamang napagtanto na totoo ang lahat ng ito. Pero para masigurado ay tumakbo ako papunta sa Gym at sa lahat ng natunghayan ko eto ang di ko mapaniwalaan sa lahat. Nakita ko si Briana na nakahiga sa ilalim ng preskong puno at hinahangin ang kanyang suot na hanging blouse kaya medyo ibinababa ko ito.

May paparating na grupo ng kabataan sa gawi ni Briana at nang makita nila ako ay umatras sila at umalis na. Bigla namang nagflashback sa isipan ko nung mga time na papunta ako dito ay nakasalubong ko silang may dalang sapatos at nagsisitawanan, marahil na kay Briana ito dahil galing sila sa direksyon nito ngunit hindi ko nakitang nawala ang sapatos ni Briana nung mga araw na yon dahil wala akong pakielam kundi ang makatulog.

Kung tutuusin pala ay mas naaga ang pagpunta ko dito na naging resulta na naunahan ko ang mga grupo ng kabataan kanina? At kung nasa tamang oras lamang ang dating ko ay nakuha nila ang sapatos ni Briana. I really can't believe what's happening to me but I have to believe dahil totoo ang lahat, sinasampal sa akin ang katotohanang totoo at hindi ito biro.

Kung babaguhin ko din kaya ang pakikitungo kay Briana ay mababago rin kaya ang mangyayari sa kanya?

Tinitigan ko ang mukha ni Briana, maganda naman sya ah kaso walang may gusto sa kanya dahil sa status nya, posible kayang mabago ito kung babaguhin ko din ang status nya? Ano kaya ang pwede kong gawin? Ano ba ang gustong sabihin ng anghel na yon?

"What are you doing gangster?" Pagtataray nya ng imulat ang kanyang mata.

"Matutulog ako dyan kaya't paraan!" Galit kong sabi, nabigla naman ako dahik nasabi ko din kung ano at paano ang pagsigaw ko sa kanya noon.

Dinampot nya naman ang kanyang bag at isinukbit ito sa balikat nya. Aalis na sana sya pero naabot ko ang binti nya sa pagkakahiga ko.

"Hey ano na!" Curious nyang tanong.

"Hindi ko sinabing umalis ka, ang sabi ko lang paraan, humiga ka dito sa tabi ko" Utos ko sa kanya.

"Ayoko" Matipid nyang tanong at nakapoker face pa. Ang kulit naman ng babaeng to! Sya na nga lang ang sinusubukang iligtas eh!

"I'll call my friends kapag hindi ka pa humiga, first is Gabby" Padabog naman syang humiga sa tabi ko pero malayo ang distansya sa akin at may takot pa din sya.

"Bakit gusto mo ng kasama? Gusto mo ba ko?" Walang hiya nyang tanong sa akin. Napakakapal pala ng mukha ng babaeng ito at halos mapangiwi ako at tinignan ko sya sa pagkabigla ko.

"Like you? Never in your wildest dreams pathetic" Sabi ko sa kanya kaya't tumingin na lamang sya sa langit.

"Tingnan mo yung langit ang ganda" Pagtuturo nya dito. Sya lang ang nakita kong laging nakapoker face na babae kahit na nagagandahan sa kung ano pa.

Umupo naman sya at inilabas ang tickler nya. Naalala kong diary nya nga pala ito kaya't sinilip ko kung ano ang sinusulat nya.

I never thought na duwag pala ang isa sa gangsters ng school? Nagpasama pa sa akin sa likod ng gym. Takot siguro sa mumu.

Nang mabasa ko ito ay pinagalitan ko sya. Ako duwag? Hindi ah. Actually nakakita nako ng anghel! Wala nga lang pakpak saka no one will believe me kung sabihin ko man ito sa kanya or sa iba.

"Alam mo tinitiis lang kita yah ikaw na nga itong tinutulungan! Itago mo nga yang tickler na yan!" Sigaw ko sa kanya dahil nauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito.

VOTE AND COMMENT ⇩

THE UNHAPPY SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon