CHAPTER 15-Getting to Know Each Other

4 0 0
                                    

After 3 hours of doing my homework nagrequest sya ng cookies dahil pagod na daw sya. Maninibago ang teacher ko nito dahil first time kong magpapasa ng homework. Napakasipag naman ng babaeng ito hindi ba sya nagsasawa sa school?

"Wow angsarap ng cookies mo akalain mo yun marunong ka pala gumawa, actually mas marunong kapang gumawa kaysa sa mga gumagawa ng tinapay sa bakery" Masaya nyang compliment dito. Bigla namang nagflashback sakin ang sinabi ni Joseph na nagtatrabaho ito tuwing gabi sa Bakery kaya't tinignan ko ang oras 7:03pm na dapat headed to work na sya.

"Wala ka bang pupuntahan? Alas sais na ah" Pasagi kong tanong at titignan kung totoo nga.

"Ah yun ba? Wala yon mas gusto kitang kasama kaysa sa mga tinapay" Sagot nya sakin.

"Anong tinapay pinagsasasabi mo?" Painosente kong tanong.

"Nevermind, bakit ba ang dami mong tanong? May gusto ka ba sakin?" Makapal na mukha nya nanamang tanong sakin.

"Honestly wala and actually napansin kong ikaw itong may pagnanasa sa akin at sa katawan ko" Pambabara ko sa kanya.

"Woaah nagtatanong lang naman kase ako Im 97% sure that you don't like me but trust me Im 100% sure I don't care" Mataray nyang sagot. Ginamitan pa ako ng Math ng babaeng ito hindi ko tuloy naintindihan. Inirapan ko nalamang sya dahil di ko alam isasagot ko.

"Napansin ko kaninang may rooftop ang bahay nyo, since maganda naman ang araw kanina alam kong madaming stars ngayon at gusto ko din makakita ng shooting stars" Nakapout nyang pagsasalita na parang bata.

"So? Edi pumunta ka ng rooftop" Utos ko dito at nabigla na lamang ako ng hilahin nya ang kamay ko at tumakbo papunta sa taas, paano nya nakabisado kaagad ang bahay ko? Malamang naglilibot na ito sa paikot ikot kong bahay kanina pa habang nagluluto ako ng cookies.

Hinayaan ko lamang syang makapunta kami sa taas nang hindi ko inaalis ang kamay nya sakin. Nasa 2nd floor na kami at mahigpit pa din ang hawak nya sa akin at imbis na bitawan ay lalo pa nyang pinasok ang mga daliri sa pagitan ng daliri ko. Tinignan ko naman sya ng nagtataka at lumingon sya sa akin.

"Takot ako sa heights eh sorry ah pahawak lang, don't worry hindi kita nilalandi kaya wag kang mag inarte" Galit pa nitong sabi. Hindi ko naman iniisip na nilalandi nya ako ah. Saka anong klaseng babae ba ito takot sa heights pero sya naman itong nag aya dito at gusto makakita ng stars. Ibang klase talaga!

Umupo sya kaya't napaupo din ako dahil hinila nya pababa ang kamay ko, hindi ko sya kinakausap dahil nakikita ko ang kasayahan nya sa kumikislap nyang mga mata, dala ng repleksyon ng kalangitan na puro stars.

Napagtanto ko nalang na kanina pa pala ko nakatitig sa kalangitan at katulad nya ay gumaan ang pakiramdam ko sa pagtitig lamang dito.

Maya maya pa ay may dumaang falling star at tinigan ko sya kung nakita nya din ito, nakapikit sya at nakasmile.

"Hey, di mo nakita yung fall--"

"I saw it nagwish nanga ako eh, ikaw din pumikit ka at magwish hindi pa naman ata huli eh" Sinunod ko naman sya, ang wish ko ay sana mag iba ang future ni Briana at walang mangyaring masama sa kanya.

"Ano ang wish mo?" Tanong nya.

"Ikaw muna" Utos ko sa kanya. Hinigpitan ko na din ang hawak sa kamay nya, bakit ganito ang feeling ko? I think we are meant together. Paano kung ang ibig sabihin nung angel ay kami ang para sa isa't isa? Ewan bahala na I shouldn't let little things bother me.

"Sana mawala na ang sakit ko sa puso" Bigla namang kumabog ang puso ko nang marinig ang sinabi nya. Then bakit ang saya saya pa din nya? How. Bigla akong nagsisi sa mga pinaggagagawa ko sa kanya.

THE UNHAPPY SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon