CHAPTER 11-EVERYONE THOUGHT SHE WAS HAPPY

11 0 0
                                    

JUDE'S POV.

Papunta na ako sa parking kung nasaan ang kotse ko, may mga nagtatakbuhan papasok ng campus na akala mo naman may artista.

"Si Briana? Yung babaeng kawawa ba kamo? Tara tingnan natin!" Masaya nilang wika at nagsisitakbuhan . Ano kayang meron?

Hinatak na ako ng katawan ko sa di malamang dahilan at sinundanang mga nagtitipon tipong mga tao papasok sa Library.

Nakiraan naman ako sa mga taong naroroon at saka ko nakita ang masalimuot na nangyari kay Briana. Nagbigti sya at kitang kita ang kanyang mapupulang leeg na dulot ng mga lubid. Dumating na din ang ambulansya at mga pulis.

Kawawang Briana, lagi syang masaya at hindi ni minsan nagpakita ng malungkot sya kundi galit kapag nakikita kami.

Nakita ko si Gabby sa likod ko. Mumultuhin daw sya ni Briana, imbis na ang isipin ay ang nagawa nyang karumaldumal na panggagahasa kay Briana ay mas naisip pa nyang nunultuhin sya nito.

"Di ba kapatid mo iyan?" Banggit ng isang lalaki sa likod ko.

"Yeah, she deserves that wala naman syang kwenta" Sa narinig ko ay hinarap ko itong nagsalita. Isa syang freshmen student dito sa College at kung hindi ako nagkakamali ay isa sya sa nakita kong nang bu bully kay Briana the other day. Sa inis ko ay binigyan ko ito ng malakas na suntok. Susuntukin ko pa sana ulit kaso humarang ang isang babae na gf siguro nya.

"What the hell?" Nakangiwing pagsasalita nito habang tumutulo ang dugo sa ilong

"Kapatid mo sya but you just fucking don't care?!" Nanggigigil kong sabi sa kanya.

"As if naman na angel ka nya? Or boyfriend ka ba nya? Nagpapatawa ka yata eh ikaw nga itong pasimuno sa pang bu bully sa kanya, be fair man hindi lang ikaw ang pwedeng bumastos sa kanya. Actually may mas karapatan akong gaguhin sya dahil kapatid ko sya sa labas! Hahaha" Nakakabwisit ang mga walang kwentang katulad nya. Inirapan pa ako ng girlfriend nya bago pa sila tuluyang lumabas ng door.

What if I made a different decision noong una palang? Magbabago kaya ang lahat? Pero it's too late na para isipin ang mga pagkakamali.

Dumating na din ang parents nya.

"Naku asawa wala na nga tayong pera gagastusan pa natin iyang anak mo sa labas sa pampalibing, pampalamay at ano pa ba" Reklamo ng asawa nito bitbit ang kanilang anak na nasa mga 5 years old na siguro ang edad. Ngayon lamang pumasok sa isip ko kung bakit ang mga taong katulad ng babaeng ito ay nag e exist, katulad ng anak nya, ng mga barkada ko at ako. Masyado naming naabuso ang kasamaan sa sarili.

Paglabas ko ng pinto ay ibang lugar na ang nilabasan ko. No, eto pa din yung school namin but walang katao tao. Bumalik ako sa loob ng library ngunit wala ding katao tao rito. Saan napunta ang magulang ni Briana? Ang madaming estudyante? What's wrong with me nawawala na ba ako sa sarili ko?

Tumakbo ko paikot sa school at naikot ko na ang lahat subalit wala pa ding tao.

"Jude" Isang tinig ng babae ang narinig ko. Fuck hindi ako naniniwala sa multo pero kinabahan akong bigla sa narinig ko. Si Briana ba ito? Minumulto ba nya ko? Hinarap ko ito kahit nanginginig pa ang tuhod ko .

COMMENT AND VOTE ⇩

THE UNHAPPY SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon