Tok tok tok
There's someone knocking on Mhielle's room. Medyo nagulat pa siya dahil kakatapos pa lanh niyang maligo. Matutulog na muna siya dahil wala siyanh tulog buong magdamag.
*tok tok tok*
Muling katok ng kung sino sa pintuan ng kaniyang kwarto "Mhielle? Nasa baba sila Mam Zandra. Gusto kang kamustahin"
Ang tita pala niya ang kumakatok sa pinto. Kinabahan siya at di niya alam kung anong gagawin dahil di pa niya tapos ayusin ang kasinungalingan na sasabihin niya sa mga ito. Nagulumihanan tuloy siya kung bababa ba siya o hindi.
"Mhielle? Ano na? Bababa ka ba?"
Muling tanong ng tita niya sa kanya mula sa labas. Hindi niya ito sinagot
Ano ba to si tita di maka-feel ng momentum. Diba dapat intiendez na niya na kapag ganto eh syempre at shock tas nag momoment. Tsk si tita talaga. Basta! Ipu-push ko na to drama na kung drama basta aarte lang ako.
Napagdesisyunan na ni Jess, Mhielle o Jhessiemhielle o kung ano pa mang pangalan ng ating bida–na papanindigan niya ang promise niya sa magandang babaeng nag ligtas sa kanya. Walang ibang dapat makaalam na na-kidnap siya ng gabing iyon.
Utang na loob niya kay Mina ang lahat. Kahit wala itong sabihin sa kanya ay alam niya na mahal na mahal nito ang kapatid nito.
Agad na humiga si Mhielle sa kama at pumikit kahit na nakatakip ng unan na yakap-yakap niya ang mukha niya. Naramdaman kasi niya na bumukas ang doorknob at may pumasok. Pero agad ding lumabas ang pumasok.
--------
"Mam Zandra, tulog po sya"
"Ah... Ganun ba? Sige hayaan na lang natin muna siya"
"Pasensya na ho. Sayang naman at nagpunta pa kayo dito"
"Ayus lang. Gusto lang namin syang kamustahin"
Ito ang usapan sa sala. Dumating kasi ang mga Colins para kamustahin si Mhielle. Yup... Tama kayo ng basa... Pumunta ang MGA Colins kala Mhielle. Included si fafa Liam. Halata rin sa gwapong mukha nito ang pag-aalala kay Mhielle kahit kakakilala pa lang nila ng gabing iyon.
"Can we see her?" Tanong ni Mrs. Colins kay Lyzst na tita nila Mhielle
"Uhm... Okay mam"
------
Samantala si Mhielle naman ay walang ka muwang muwang na paakyat na ang mag-inang Colins except kay Mr. Colins dahil may emergency sa opisina nito.
Grabe inaantok na ko pero di naman ako makatulog! Buti na lang aircon na tong kwarto kaya di mainit
Busy pa rin siya sa pagkausap sa sarili niya ng makarinig siya ng pagbubukas ng doorknob 'hala bumalik si tita? Bakit kaya? Nakaalis na kaya si tiya Zandra?'
Muling tinakpan ni Mhielle ang mukha niya gamit ang unan na yakap yakap niya. Pero, hindi na naiangat ni Mhielle ang kumot niya na nakatalukbong sa kalahati ng kanyang katawan.
Ang shunga lang Mhielle! Ang bagal lang kumilos!? Yan sige naka sleeveless ka pa hah. Manigas ka sa lamig.
Pinapagalitan ni Mhielle ang kanyang sarili dahil sa ka kuparan niyang kumilos ay di na niya nagawang ikumot sa buonh katawan niya ang kumot. Kahit gustuhin man niyang ikumot yun ngayon ay di na pwede dahil may tao na ngayon sa kwarto niya. At, di niya gugustuhin na makausap ang sinu man ngayon kaya nagpanggap na lamang siyang tulog.
"Hmn... Mukhang mahimbing nga ang tulog niya" nahimigan ni Mhielle ang nagsalita. Medyo lumaki ang mata niya dahil alam niya na si Mrs. Colins yun
"Oho"
"Mukhang pagod talaga siya... Buti na lang at walang masamang nanhyati sa kaniya" halata sa boses nito ang sobrang pag-aalala sa kaniya
"O sige hayaan na muna natin siyang mag pahinga"
Narinig niyang lumakad na ang mga ito paalis.
"Wait" nagulat siya sa nagsalita. Hindi boses ng pinsan o ng tita lyszt nya ang nagsalita. Lalaki ang nagsalita at parang kilala nya ang boses na iyon
"Why Liam?" Tanong ng Mrs. Colins
L-liam!? What!? Nandito si Liam sa kwarto ko!? O my shemay bakit pinapasok din niya si Liam
Kung kanina lang ay nanlaki ang mga mata niya ng malaman na naririto si Mrs. Colins, ngayon ay mas lalong malaki na ang pagkakamulagat ng mata niya dahil sa nalaman niya na pati si Liam ay nasa kwarto niya at nakikita siyang naka-malinaw na sando lang
"She look cold" pagkasabi ni Liam niyon ay naramdamdaman niya ang biglang pag-angat ng kumot at pagtalukbong sa nilalamig niyang katawan.
*******
A/M:
Thank you talaga! Malapit na mag 300 reads nakakatuwa naman. Sana supportahan niyo ko until the end of this story
BINABASA MO ANG
Gap between us (On-going)
RomanceWhat if you fell in love? You know, everything that falls may will broken.... will you take the risk of being hurt? If your answer is yes.... Then, what if the play of love is indeed much harder as what you think? I mean, what if you falls...