Chapter 23

6 1 0
                                    

A/N: Sorry kung super tagal ng UD. Mejo busy e.

--
Czarelle's POV

After nung pangyayaring yun, three days akong hindi nakapasok sa school kasi hindi ko talaga kayang makita sila. Oo alam kong wala akong karapatan magdrama. Pero ang masakit, mas nauna pa pala silang nagkakilala kesa saakin. Fresh padin sa utak ko yung mga nangyari. Akala ko hindi sakin magagawa ni Krystal yun. Akala ko lang pala.

Nagaalala na din sakin si Mommy kasi nga 3 days na akong nakakulong sa kwarto. May times pa na kinakatok ako ni mom sa room ko kasi bumibisita daw si Krystal pero sa minsan na yun, hindi ko sya nilabas. Hindi ko alam e. Namimiss ko na sya pero mas higit parin yung galit at sakit na nararamdaman ko.

Napagdesisyunan ni Mommy na ilayo ako sakanila kaya.. mag mimigrate na kami sa states. Para naman daw maiwan dito yung mga ba memories at magstart ng new life. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Dun ko nalang itutuloy yung pagaaral ko. Siguro nga mas makakapag focus ako dun ng studies ko kesa dito.

Nag ayos na ako kasi pupunta kami ni mommy sa school ko... Oo. Sinasama kasi ako ni mommy. Para ayusin yung mga papers ko.

Pagpunta namin sa school uwian na. Kinakabahan ako bigla. Kusang hinahanap ng mga mata ko sina Krystal at Seige na hindi naman dapat na makita ko. Habang naglalakad kami ni mommy, sa di kalayuan ay nakita ko si Seige na dala yung bag ni Krystal at pinapayungan nya ito dahil sa mainit. Nasaktan ako bigla kasi never naging ganyan si Seige, hindi nya dinadala yung gamit ko. Hindi nya ako pinapayungan. Hindi sya ganyan kasaya kapag kasama ko sya. Naiiyak nanaman ako. Buti nalang naka shades ako kasi hanggang ngayon namumugto parin yung mga mata ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kasi bigla silang napatingin sa direksyon ko.

Krystal's Calling..

Ano nanaman? Kailangan ko muna ng space sa ngayon. Ano bang mahirap intindihin dun?

Maya maya nakareceive ako ng message. Aakmang tatakbo na si Krystal papunta sakin nang bigla syang pigilan ni Seige.

Mabilis lang kmi ni mommy sa school. Nauna na si mom umuwi kasi napagdesisyunan kong dumiretso sa mall para magpalamig. Inaya ko nga sya kaso may mga aasikasuhin pa daw sya.

Nandito ako ngayon sa starbucks habang kumakain at binobrowse ang neewsfeed ko. Dala ko kasi yung ipad ko.

Maya maya ay biglang nagring ang phone ko.

Krystal's Calling..

Dinecline ko lang yung call nya. After several missed calls ay nagtext sya sakin.

From: Krystal

Hi? Can we talk? Please.

Is this the right time para magusap? Di ko alam pero um-oo ako.

To: Krystal

Ok. Meet me @Starbucks. Am already here.

Nagreply naman sya agad.

From: Krystal

Yay. Thanks. :)

Wala pang 20minutes ay dumating agad sya. Buti nalang hindi nya kasama si Seige. Haays. Yayakapin nya sana ako pero pinigilan ko sya. Kaya naupo nalang sya sa harapan ko.

"H-hi." Panimula nya.

"Uhm. Tungkol san ba?"

"Gusto ko lang magsorry Czarelle, sorry sa lahat lahat."

"Wait. San ba mapupunta tong usapan na to?"

"Ah. Di na ako magpapatumpik tumpik pa. Uhm. Tutal ako naman mali, ako nalang iiwas. Lilipat nalang ako ng school. Ipapaubaya ko nalang sayo si Seige. Wag ka magalala di nya alam."

"Tss. No thanks. Ang totoo nyan pupunta na kami sa States."

"Ano?? Bakit? I mean, dahil dun ba? Please wag. Ayoko namang humantong sa ganito yung pinagsamahan natin Czarelle. Hanggang kelan ka dun?" Pagmamakaawa nya. Naiiyak na ako. Ayokong iwan ang besttfriend ko pero.. its a must. For a better me.

"Will be there for good." At tuluyan na ngang umiyak si Krystal. Hm. Please. Di ko kayang nakikita syang umiiyak. Naiiyak din ako.

"Sorry na Czarelle. Sorry. Sorry. Wag ka nang umalis." Pagmamakaawa pa nya.

"Hindi ko pa kayang magpatawad sa ngayon. Hindi nyo kasi alam yung nararamdaman ko."

"Please. Czarelle. Wag mo naman akong iwan. Ikaw lang bestfriend ko dito. Ikaw lang yung kinikilala kong kapatid na. Please.

"Sorry but I have to go." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Nagsimula nang bumagsak ang mga luha ko kaya lumabas na ako ng starbucks at dumiretso sa comfort room para magretouch. Nakayuko akong naglalakad papunta ng restroom kasi patuloy paring tumutulo yung luha ko.

"Aray!" Ang sakit. May bigla kasing nakabunggo sakin.

"Sorry miss. Di kita napansin nagmamadali kasi ako e." Sabi nung lalaki.

"De. Okay lang." Tipid na sagot ko.

"Teka? Umiiyak ka ba? San masakit? Sorry talaga. Napaiyak pa kita." Nagaalalang sabi ni kuya.

"Hindi. Hindi. Hindi naman ikaw e. Nevermind me. Sige bye." At pumasok na nga ako sa cr. Nang mahimasmasan ako ay lumabas na ako.

"Miss." Teka sino yun? Ako ba yung tinatawag? Lumingon ako sa likuran pero ako lang naman naglalakad sa hallway.

"Ako?"

"Yea. Ang tagal mo lumabas ah." Sabi nya. Teka sino ba to?

"Wait? Kilala ba kita?" Tanong ko.

"Ha ha. Ako yung nakabunggo sayo kanina. Sorry pala."

"Ay! Oo. Okay lang." Fc much? Okay na nga e.

"Ganito nalang. Libre nalang kita para makabawi ako." Hala pano kung sindikato to? Bigla akong kidnapin? Alam ko yung mga gantong galawan e.

"A-ah. Hhindi na. Nagmamadali na din kasi ako umuwi."

"Haha. Kung iniisip mong sindikato ako. Nagkakamali ka. Sa gwapo kong to?"

Ay mali. Bagyo pala. Lakas ng dalang hangin e. -.-

"Ughm. Ano kasi. Kailangan ko na talagang umalis. Oo sige. Byee!" Sabi ko sabay takbo.

Atlast! Nakauwi na din ako. Nakakapagod na araw.

Dear Cupid, next time hit bothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon