Chapter 24

10 0 0
                                    

**

This is it. Goodbye Philippines. Hello US. Hello new life.

2am. Nandito na kami sa airport ni mommy kasi 5am ang flight namin. Napagdesisyunan naming mag breakfast muna kasi mejo napaaga kami at may katagalan ang byahe.

Hindi ko maimagine na maraming tao at memories ang maiiwan ko dito. Hindi ko alam kung kelan ako babalik. Siguro kapag tuluyan na akong maging maayos yung 100% na okay na talaga ako. Yung wala na akong mararamdaman kapag nakita ko sila. Yung hindi na ako masasaktan at iiyak.

"Czarelle, tara na?" Sabi sakin ni mommy

Ngumiti naman ako bilang sagot. Bago ako tuluyang pumasok sa eroplano ay sinulyapan ko ang paligid at sinabi sa sarili na babalik ako bilang bagong Czarelle.

Namangha ako pagkapasok ng eroplano. First time ko ito. Ang ganda. Ang gaganda ng mga stewardess ang tatangkad pa. Tapos may mga pagkain at drinks silang inaalok. Mejo nasa gitna kami nakaupo at nasa tabi ako ng bintana. Ang ganda talaga. Kitang kita mo yung malaki at kulay asul na dagat. Makikita mo din yung mga ulap.

"Would you like some drinks ma'am?" Nakangiting alok sakin ng stewardess. Napanganga naman ako at napatingala sa ganda at tangkad nya.

"Uhmm.."

"Would you like some drinks? Ma'am?" Ulit nito. Shocks! Nakakahiya.

"Uhhm. Eh. Hot chocolate nalang po." Sabi ko. Tutal kanina pa ako nilalamig. Nilibang ko lang yung sarili ko.

"Here. Hot chocolate for a young beautiful lady." Ay bolera! Hahaha. Sabi nya sabay abot ng hot chocolate drink.

"Thankyou." Sabi ko ng nakangiti.

Wala akong magawa. Nangangalay na ako kakaupo. Magikot ikot kaya ako dito sa eroplano? Tinignan ko si mommy pero tulog sya. Binuksan ko yung ipad ko at sinaksak ang earphones sa tenga ko. Now playing, leaving on a jet plane. Aww. Ang lungkot nanaman. Naaalala ko nanaman yung mga nangyari. Iba pala talaga kasakit ang maloko ng taong mahal mo no? Lalo na kung pati bestfriend mo? Masama ba ako? Ganito ba talaga kalupit ang kapalaran? Haays. Gagawin ko talaga ang lahat para makalimot. Hindi ko sasayangin ang opportunity na ito. Aja! Aja!

After ng mahaba habang byahe ay nakarating din kami sa US. Masasabi kong ang ganda talaga dito! Sobra! Btw. San nga pala kami titira dito? Wala namang nabanggit sakin si mommy.

"Mom? San nga pala tayo titira dito?" Tanong ko kay mommy.

"Sa bahay ng tita mo. Bestfriend ko sya since 1st year highschool hanggang ngayon. Pero simula ng nagkapamilya sya ay naisipan nilang mag migrate na din dito." Owww? Bestfriend.

"Okay lang po ba sakanya na makitira tayo sakanila? Okay lang po ba sa asawa at mga anak nya?"

"Oo naman! Ang totoo nga nyan, 5 years palang silang kasal namatay na asawa nya dahil sa lung cancer. Panay kasi ang paglalasing at paninigarilyo. Meron syang anak, isa lang. Lalaki. Kasing edad mo lang. Pero nasa Pilipinas. Bumisita sa lola."

"Ganun po ba? Di ba nakakahiya?"

"Actually, nakwento ko sakanya yung pinagdadaanan mo." Nagulat naman ako sa sinabi ni mommy. Grabe!

"Dont worry. Sya nga nag suggest na dumito muna tayo sakanila."

Habang nagkekwentuhan kami ni mommy ay pumara na sya ng taxi. At sumakay na kami.

"Pano yung school ko?"

"Okay na lahat. Nakaenroll ka na sa school na pinapasukan ng anak ni tita Alyanna mo. Next week na start ng pasukan nyo kaya baka bukas bumalik ma dito yung anak nya." So, Alyanna is the name.

Mejo madami dami din kaming napagusapan ni mommy. Di ko nga namalayan na nandito na pala kami e. Pagbaba namin ng taxi ay mejo napanganga ako sa bahay. Ang laki. Ang ganda. 3rd floor sya tas may terrace. Halos lahat glass. Nagdoorbell naman si mommy. May lumabas na maid at pinapasok kami at pinaupo sa sofa nila. Kung maganda sa labas mas maganda sa loob. Ang daming chandelier ang lalaki pa. Grabe. Mansion!

---

A/N: Hihi. Sorry kung mejo matagal ako mag UD. Sorry na. Mejo bibilisan ko na matapos to kasi meron akong gagawing bagomg story. Soon =)) Di ko kayang pagsabayin kasi baka hindi ko nanaman to matapos. Anws. Thankyou sa mga readers. Comment naman oh! Hihihi. Paread na rin ng story ko na "3 days of being inlove" Thankyou so much guyths! :* =))

Dear Cupid, next time hit bothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon