Chapter 25

8 1 0
                                    

Two days na kaming nandito sa US at kasalukuyang nags-stay sa bahay nila tita Alyanna, hindi pa dumadating yung anak nya kasi may importante pa daw na inaayos pero mamayang gabi raw nandito na sya. May pasok na rin kasi bukas. Kinakabahan ako kasi bago itong nature na mararanasan ko.

Dahil sa wala akong magawa sa ngayon ay binuksan ko ang Macbook ko at nag-log in sa facebook. Habang nagbobrowse sa newsfeed ko ay may hindi kanais nais na nahagip ang nga mata ko.

"Day well spent with her. I love you ♥"

Picture nina Krystal at Seige. Pinost ito ni Seige 30minutes ago. Makikita ko ngang napakasaya nila dahil sa picture ay nakayakap si Seige kay Krystal from the back. Siguro nga ako talaga yung kontrabida sa buhay nila? Siguro masaya na sila kasi wala nang mangugulo sa buhay na,na malayo na ako sakanila.

"Czarelle?" Mayamaya ay kumatok si mommy sa pinto na ikinagulat ko at mabilis kong isinara yung macbook.

"Mom?"

"Aalis kami ni tita Alyanna mo. Would you like to come with us?" Tanong ni mommy.

Siguro nga mas magandang maglibang libang nalang ako dito para tuluyang makalimot.

"Czarelle?"

"Yes ma. Wait po magbibihis lang ako."

"Okay. Hintayin ka nalang namin sa garahe."

Hindi ko na sinagot si mommy dahil agad naman siyang bumaba ng hagdan. Mabilis naman akong nagbihis. Simpleng sweatshirt, jeans at combat na boots lang ang suot ko. Naglagay din ako ng scarf sa leeg. Lumabas na din ako agad at sumakay sa kotse. Si tita Alyanna ang nagda-drive, si mommy ay nakasakay sa harapan at ako naman sa likod. Wala pang isang saglit ay nasa mall na kami agad. Humanap ng park si tita at bumaba na kami. Ang lamig sa labas kasi start na ng winter.

Namili lang ako ng iilang damit or should I say, marami nga talaga akong binili na mga damit at sapatos. Namili na din ako ng mga gamit ko bukas. 7pm na nang makauwi kami sa bahay. Tumawag na din yung anak ni Tita Alyanna at sabing nasa byahe na sya pauwi dito.

Pagkatapos kong maligo ay nag-log in ako uli sa facebook at pinost ang picture ng magandang tanawin sa dito na nadaanan namin kanina. Di ko lang alam yung tawag. Nilagyan ko ito ng caption na "the beginning :)" pagkatapos ay naglog-out din ako at agad na bumaba dahil sa ingay na narinig ko.

"Mom, Im here." Nandito na ata yung anak ni Tita Alyanna.

"My Son! I missed you." Nakita ko namang agad niyakap ni tita yung lalaki. Tss. Mukang Masungit

Di ko nalang pinansin kasi nagmomoment sila. Pupunta nalang ako sa kusina para kumuha ng gatas. Pero napatingin ako sa lalaki, parang pamilyar yung muka nya, parang nagkita na kami e. Hmm.. Let me think? Tama! Nagkita na nga kami!

Next day. Maaga akong nagising para magasikaso. Pinasabay na ako ni tita Alyanna sa anak nya dahil may dala naman itong kotse. Ang awkward. Ang tahimik.

"Ehem. Ehem" panimula ko upang mabasag ang nakakabinging katahimikan.

Hindi naman sya kumibo. Suplado nga. Haay

"Nagkita na tayo diba? Natatandaan mo ba?" Tanong ko.

Tumingin lang sya sakin at agad binalik yung tingin sa daanan. Grabe ang creepy naman neto! Mommmmyy! Waahh.

"Pipi ka ba?" Sabi ko uli na mejo naiinis na.

"Hoooy!" Ulit ko.

"Will you shut your mouth!" Sigaw nya.

"Oyy! Pwede wag moko sigawan? Di naman ako malayo or bingi e! Suplado!" Nagsimula na ding tumaas yung boses ko.

Hindi naman na sya nagsalita. Nasa school na kami ng ihinto nya ang sasakyan at pababain ako. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dahil sa nakakatakot na tingin nya sakin. Saan kaya room ko dito? Bahala na nga si Batman.

---

A/N: Pasensya na sa matagal UD. Happy New year!

Dear Cupid, next time hit bothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon