Let the Seduction Game Begin!

8.9K 106 6
                                    

Napangisi si Wade ng makita ang dami ng mga taong nasa Araneta Coliseum. For him, it only meant one thing.

He's still famous although he's been in this industry for almost ten years. He started being an artist when he was still 13 years old. He was discovered when he appeared on a reality show where his older sister joined.

"You're the man bro! Ten years in the business! Congrats!" Kurt pulled him for a hug.

"Thanks man!" Tinapik-tapik niya ang balikat ng kaibigan habang magkayakap sila.

Kurt is his bestfriend and one of the members of XMishi. The group he joined when he was still in college. Kalaban ng grupo ng kuya niya which is ExO.

"Pero pare ah, pansin ko lang, yung buong coliseum puro babae ang audience. Bilang lang sa daliri ang lalake. Dalawa lang ata? Apat?" Natatawang komento ni Kurt sa kanya.

Ngumiti lang siya sa komento ng kaibigan. Hindi naman niya masisisi ang mga babae na maghabol sa kanya. He has everything. Literally has everything.

Face, money, fame, power? Meron siya ng lahat ng iyon.

Kaya hindi na kataka-kata na hinahabol siya ng mga babae.

"Nandito ka na pala Kurt. Akala ko ba mamaya ka pa? Sabi ni Kiev mamaya ka pa daw." Tanong ng lalakeng kapapasok lang sa dressing room ni Wade.

The youngest mayor in town, Kier Montealegre. The son of the late senator Jestoni Montealegre and former vice president Hope Montealegre. Isa pa sa limang miyembro ng XMishi.

"Aba himala yorme at nagpakita ka dito. Hindi ba makakasira sa imahe mo ang pagpunta dito?" Tanong ni Kurt sa kaibigan.

"They don't care if I want to show support to our friend." Iiling-iling na sagot ni Kier sa kaibigan. "Would you please tell me why this punk is a member of our group?" Nakangising baling niya kay Wade saka nilapitan ito at nakipagman-to-man hug.

"I don't know either yorme. Good to see you here. Who would have thought that the youngest mayor will be attending an idol concert? Papanget ang imahe mo yorme." Pang-aasar ni Wade kay Kier.

"Bro, kung masira man ang imahe ko, asahan mong papasok ako sa showbiz para tapatan yang kasikatan mo." Nakangising sagot ni Kier.

"Asa pre! Libreng mangarap! Pamigay mo na lang pondo niyo. Baka sumikat ka pa." Sagot ni Kurt.

"Ewan ko sayo Kurt." Natatawang ganti ni Kier.

Saglit pa siyang nakipagkwentuhan sa mga kaibigan bago siya pinatawag para maghanda dahil magsisimula na ang concert niya.

"Break a leg bro." Nakasaludong sabi ni Kurt.

Binatukan ni Kier si Kurt. "Bobo! Ang break a leg, ginagamit lang sa teatro. Hindi sa concert."

"Good luck sa diksyunaryo ko yun. Wag ka ngang ano." Nang-iirap na sagot ni Kurt kay Kier.

Napailing na lang si Wade sa kalokohan ng mga kaibigan niya. Hindi pa sila kumpleto pero ang gulo na. Paano pa kaya kapag nakumpleto na silang lima?





********





Kadarating lang ni Andrea sa Maynila at hindi niya alam kung paano siya pupunta sa bahay ng mga bago niyang amo.

Mula sa probinsya, napagdesisyunan niyang mamasukang maid sa isang prominenteng pamilya sa dito sa Maynila dahil isa na siyang ulila at hindi niya alam kung paano bubuhayin ang sarili niya.

Karmic MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon