Face-off # 1

3.8K 63 6
                                    

Andrea Claudette Ybanez Uy

Hindi ko mapigilang mapa-krus sa mga nakita ko kanina. Ang laswa ng mga itsura at kilos nila. Tapos yung mga suot akala mo kinulang sa tela ang pabrika! Halos wala ng suot yung babae tapos yung lalake naman walang pang-itaas.

Dyusko po ulit! Hindi ko na tuloy mabilang kung nakailang dyusko po na ako ngayong gabi! Kinikilabutan pa rin ako sa tuwing pumapasok sa isipan ko yung mga nasaksihan ko.

Kahabagan mo po sila Panginoon. Hindi po nila alam ang ginagawa nila. Amen.

Sandali, nasaan na ba yung pinapahanap ng amo ko? Wade daw eh. Sino ba yun?

Lumapit ako sa isang taong nakaitim malapit sa akin. "Ah miss, kilala mo ba yung Wade? May pinautos po kasi sa akin yung amo ko. Pinapabigay po." Iniangat ko ang bag na hawak ko para makita niya.

"Ah. Nandun sa backstage si Wade. Puntahan mo na lang." Tinuro niya yung maliit na madilim na eskinitang dadaanan ko daw papunta dun sa backstage ba yun?

"Sige po. Salamat."

Tinungo ko yung sinabing daan nung babae. Dyusko po! Alin dito ang dapat kong pasukan?! Ang daming pinto dito tapos ang daming taong labas pasok sa bawat pinto.

Nalilito na ako!

"Hi miss. Mukhang naliligaw ka ata?" Napalingon ako sa lalakeng biglang nagsalita sa likuran ko.

Pero ng masilayan niya ang mukha ko, nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pag-uwang ng kanyang bibig.

Baliw ba ang mga tao dito? Ngayon lang ba sila nakakita ng engkantada?

"Ay, sir." Kumaway-kaway na ako sa harap niya kasi natulala na siya. Mamaya kasi nasapian ng masamang espiritu to o nakakakita ng maligno. May dala akong dahon ng bayabas sa bayong ko para maipanghampas na sa kanya at layasan ng masamang espiritu ang katawan niya.

"You're alive..." Sabi niya habang nakatulala.

Dyusko day! Ano ba 'tong napasukan ko! Kasalanan 'to ng mga usok na yun kanina tsaka yung pasabog eh! Hindi lang siguro ako yung nagulat kaya eto si kuya, nagkaganito na rin.

Tinapik-tapik ko yung balikat ni Kuya. "Kuya, ayos lang yan. Mawawala din ang gulat sa sistema mo." Paniniguro ko sa kanya. "Pero kung hindi man agad mawala..." Binuksan ko ang bayong na hawak-hawak ko at kinuha ang mga dahon ng bayabas saka inilagay sa palad niya. "... Ilaga mo ito tsaka ipanligo. Siguradong mawawala ang gulat diyan sa katawan mo."

Hindi pa rin nagsasalita si Kuya kaya minabuti ko ng magpaalam na lang. Mamaya masiraan pa ng bait ko, ako pa ang mapagkamalang nagkulam sa kanya.

"Manong, kuya o kung sino mang masamang espiritu na pumasok kay kuya. Layasan mo na ang katawang lupang iyan dahil sayang naman ang gandang lalake niya kung gagawan mo lang ng masama." Kinuha ko ang holy water sa bag ko na bigay ng tita ko bago ako lumuwas dito saka sinabuyan siya.

"FVCK!" Malakas at galit na galit na sigaw niya. Nagalit ang masamang espiritu!

Sinabuyan ko pa siya ulit ng ilang ulit. "Masamang espiritu! Umalis ka sa katawan ng lalakeng ito!" Itinaas ko pa ang rosaryo ko kasabay ng panalangin na lumayas ang masamang espiritu sa katawan ng lalakeng nasa harap ko.

"PUNYETA!" Galit na galit na sigaw ng lalake. Malamang ang masamang espiritu pa rin ay nasa katawan niya. "ANO BANG GINAGAWA MO?!"

Karmic MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon