Face-off # 2

4.1K 90 32
                                    

Andrea Claudette Ybañez Uy

"Ayanakngputangama!" Napasigaw ako ng malakas nang may humawak sa binti ko.

Hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng sinigaw kong yun pero dahil tinuro sa akin yan ni Sir Heinz, isa sa mga pinakamabait kong amo dito, maganda siguro ang ibig sabihin nun lalo na at nag-aaral sa isang magandang paaralan si Sir Heinz.




"Kapag sisigaw ka, imbes na ayy, dapat anakngputangama ang isigaw mo." Nakangiting sabi sa akin ni Sir Heinz.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. "Ano po ulit sir? Anak ng ano po?"

"Anak ng putang ama, Andrea." Ulit niya sa sinabi niya.

"Anak ng putang ama? Ano pong ibig sabihin nun Sir Heinz?"

"Ang ibig sabihin noon, nagulat ka. Dito kasi sa Maynila, kapag nagugulat ka, ganun ang sinisigaw. Masama kasi kapag ayy ang sinisigaw mo. Mura yan dito sa Maynila." Matiyagang paliwanag ni Sir Heinz.

"Anak ng putang ama. Tama po ba sir?"

Nakangiting tinaas ni Sir Heinz ang hinalalaki niya. "Tama yan Andrea. Mabilis ka naman palang matuto. Tuturuan pa kita ng iba pang mga bagay kapag nagkaroon ako ng libreng oras."

"Thank you po sir,"




Napalingon ako sa likuran ko nang biglang may humawak sa binti ko. Paglingon ko, nasa paanan ko na naman si Rafa. Yung isa sa mga anak ni Sir Blake at Ma'am Shanelle.

"Ikaw talaga Rafa! Isusumbong kita sa mommy mo!" Sita ko sa kanya pero binelatan lang ako nung batang yun. Nagmana talaga siya sa ama niyang saksakan ng sama ng ugali.

Tumakbo naman palayo si Rafa pagkatapos akong paglaruan. Nilukot ko ng maigi yung pamunas sa kamay ko. Ilang linggo na akong nagtatrabaho dito sa bahay ng anghel pero hindi naman ako nasabihan na nakatira na pala sa iisang bubong ang mga anghel at mga demonyo. Hindi naman siguro to purgatoryo kasi kung umasta naman sila para silang anghel at demonyo at hindi parang tao.

Yung mga anghel kasi dito ay si Sir Wade, Ma'am Aaliyah, Sir Wyeth, Sir Andrew at Ma'am Athena. Ibibilang ko din sila Ma'am Amber at Sir Niccolo kahit pa madalang ko lang silang makita dito sa lugar na to.

Yung mga demonyo naman, sila Sir Napoleon dahil ginahasa niya pala si Ma'am Aaliyah kaya nabuo si Sir Ashton. Si Sir Blake demonyo rin kasi babaero siya sabi ni Ma'am Shanelle. Si Sir Kyron din kasi ang sama ng itsura niya. Ni minsan hindi ko nakitang ngumiti yun. Si Ma'am Avery naman sobrang masungit. Ang sabi ni Ma'am Athena, buntis daw kasi kaya ganun. At syempre, ang pinakahuli at pinakademonyo sa kanilang lahat, si Ma'am Ariesa. Ibang klase ang ugali ng batang yun. Kahit siguro sino hindi makakatagal sa batang yun.

Ang nag-iisang tao sa lugar na to ay si Ma'am Shanelle. Minsan kasi mabait siya minsan masungit din. Isang bagay na medyo normal para sa isang tao.

At isa pa pala! Dito lang ako nakakilala ng anghel na nagdadamit ng itim at demonyo na mahilig sa puti.

Si Ma'am Athena kasi madalas kong makita na naka-itim. Anghel siya pero nakaitim siya? Di ba nakakapagtaka?

Noon ko napagtanto na ang pagiging anghel o demonyo ng isang nilalang, hindi nakadepende sa suot niya. Madalas nakadepende talaga yun sa pag-uugali.

Karmic MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon