Face-off # 3

3.6K 80 10
                                    

Andrea Claudette Ybanez Uy

Bakit ganun? Pakiramdam ko nasalanta kami ng bagyo o delubyo?

Parang may papila kasi ng libreng relief goods dito sa dati naming bahay ni Nanang sa haba ng pila ng mga naniningil sa akin. Naalala ko dati noong nasalanta kami ng bagyo, binigyan kami noong mga relief goods eh. Nakipagsiksikan pa nga ako sa mga ka-barrio ko.

Ngayon ko lang din tuloy napagtanto, buong barrio pala namin, nautangan ko. Halos lahat kasi sila nakapila dito sa harap namin ni Sir Wade.

Kanina lang kami dumating ni Sir Wade at inutusan niya akong papuntahin dito sa dati naming bahay ni nanang ang lahat ng pinagkakautangan ko dahil babayaran na niya daw lahat.

Nakayuko akong humarap kay Sir Wade nang pumila silang lahat sa harapan niya. Nakakahiya kaya sa kanya. Mamaya isipin pa ni Sir Wade na mangungutang ako. Kung hindi lang naman kasi nagkasakit si nanang, hindi naman kami mababaon sa utang.

"Sir," alanganin akong napatingin sa kanya. Tinignan niya ang haba ng pila sa harap niya saka bumuntong hininga. "I did the right decision of bringing lots of cash today."

"Ano po?" Hindi ko kasi naintindihan yung huli niyang sinabi.

"Wala. Simulan na nating bayaran lahat ng utang mo." Isa-isang lumapit kay Sir Wade lahat ng napagkautangan ko. Sila na rin mismo ang nagsabi kung magkano ang mga naging utang ko sa kanila. Hinahayaan ko na lang na mag-abot si Sir Wade ng pera basta tama yung binabanggit nilang inutang ko sa kanila. Nakakahiya naman kay Sir Wade kung gugulangan pa siya ng mga kabarrio ko.

"Limang libo ang utang ng batang yan sa akin." Maangas na sabi ni Aling Chuchay nang siya na ang babayaran.

"Oy aling chuchay! Hanggang limang daan lang ang hinihiram ko sa inyo ha! Sobra naman kayo." Hanggang limang daan lang naman ang naihiram ko. Wala naman silang limang libo para maipahiram sa akin eh! Saan naman sila kukuha ng limang libo eh nakikihati na nga lang kami sa manok ng palay dito sa barrio.

"Aba, may interes ang utang! Ilang buwan na ang nakakalipas noong nangutang ka. Dapat nga sampung libo ang sisingilin ko sayo. Naawa lang ako at abuloy na lang yung limang libo." Mataray na sagot sa akin ni Aling Chuchay.

Aba't grabe naman tong si Aling Chuchay!

Nakita kong nagbibilang na ng pera si Sir Wade. Pagkatapos niyang magbilang, inabot niya kay aling Chuchay yung limang isang libo. Nakangisi na si Aling Chuchay at handa nang tanggapin ang pera nang agawin ko yun muna sa kamay ni Sir Wade at pinasok sa loob ng bra na bigay ni Ma'am Aaliyah para walang makakuha noon!

"Andrea!" Sita ni Sir Wade sa akin.

"Aba't talaga naman—"

"Abusado ka naman masyado aling chuchay! Pare-parehas lang tayong mahirap dito sa barrio kaya imposibleng makapagpa-utang ka ng limang libo sa akin! Isang libo matatanggap ko pa pero yung limang libo, sumusobra ka na!"

Kahit kailan talaga hindi nagbago ang baboy na 'to. Maski noong nabubuhay pa ang tatang, sobra itong manggulang sa kita ni tatang sa mga pananim niya. Siya halos ang kumukuha ng kita ng mga pananim ni tatang.

Naramdaman kong hinawakan ni Sir Wade ang balikat ko. "Andrea, huwag ka ng makipagtalo diyan. For pete's sake, five thousand lang yan! I can even pay a thousand times of what they're asking me. So, would you please just shut up and be silent and place yourself somewhere away from here so that we could go to my resthouse before the night comes?"

Napalingon ako kay Sir Wade. "Ano sir? Hindi ko po kayo naintindihan."

"Tangina,"

Karmic MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon