28 - Second War

42.1K 1.1K 29
                                    

Confirmed. May temporary memory loss si Azael at sandaling kumalma sa bagay na iyon si Amara. Ang ipinagtaka lang niya ay kung paano nito naalala na may bahay ito sa Fobres Park.

Ilang beses nagkakatagpo ang landas nila ni Azael sa labas. Pero sa kalagayan at kondisyon nito, para lang itong estranghero. Titingin lang ito sa kaniya at tatango. Minsan babati, minsan hindi. Minsan siya ang umiiwas. Minsan kakausapin siya pero mas madalas kausapin nito si Theon pero hindi nagtatagal umaalis din ito sa tuwing sumasakit ulo nito. Not fair.

Dapat pareho silang may amnesia para naman hindi unfair sa kalagayan niya. Madalang na lang din siyang umuuwi ng mansiyon ng kanilang magulang. Sa isang linggo, isang beses lang and after that ay balik agad. Nasasaktan siya sa tuwing bumabalik siya sa bahay na iyon. Marami siyang naaalala. Pero ang ayaw talaga niyang makita sa mansiyon ay ang family portrait nila sa sala. Ang saya niya roon at walang kahit na problema. Iyon 'yun panahon na kapatid pa ang turing niya sa lalaki at hindi estranghero na lang.

NATIGIL siya sandali nang makita si Azael na papalabas ng gate. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na bigay sa kaniya ni Theon nung nakaraan buwan.

Papalabas na siya ng gate pero naudlot iyon. Nakatali ang hanggang balikat nitong buhok at rugged ang suot. Gusto niyang bawiin ang paningin at ibaling sa minamanehong sasakyan pero nakapako ang tingin niya rito. Nakita niyang sumulyap ito sa kaniyang gawi pero agad din nagbawi ng tingin at namulsa. Ibang iba ito sa Azael na kilala niya. Nagmukha itong ibang tao.

Napakunot siya ng noo nang may huminto na taxi sa harapan nito. Naghintay siya kung sino ang bumaba o kung sino ang bisita nito. Pero ang hindi niya inaasahan, ang sumunod na bumaba ay ang babaeng higad!

Agad kumulo ang dugo ni Amara at nangangati yata siyang puntahan ito at lampasuhin ang pagmumukha! Nakita niya ang mabilis na pagyakap ng babae kay Azael. Humalik ito sa labi ng kuya niya at malambing na naglambitin. Ano ito, unggoy?

Tiningnan niya ang reaksyon ni Azael. Nakita niya ang masayang mukha nito na hindi niya nakita dati. Ang lapad ng ngiti at parang nakakita ng anghel. Mahigpit nitong niyakap ang babae at para siyang nanonood ng koreanovela sa nakita  pero 'yon nga lang, hindi siya kinilig. Nakakasuka kasi ang pagmumukha ng bumida at hindi bagay sa hindut na gumanap ng teleserye. Pwe!

Pinagpatuloy niya ang paglabas ng gate at hindi pinansin ang nakita. Dito siya ngayon susubukan ng babae dahil nag-aral na siya ng martial arts, walang iyakan talaga! Sinadya niyang pindutin ang busina ng sasakyan. Natawa siya ng umigtad ang babae sa gulat at galit na galit na bumitaw sa lalaki. Mabilis  itong nagtungo sa gawi niya. Napangisi siya, ano nga ulit iyon sinabi niya kanina?

"Hey! Get the hella out of you!" galit na lumapit ito sa tinted niyang bintana. Nakapameywang at umuusok ang ilong.

Nya-nya hella bitch!

"Ano, bingi ka ba?! Ang sabi ko, bumaba ka sa sasakyan mo——"

Hindi niya pinatapos ito sa pagsasalita. Mabilis niya pinaatras ang sasakyan at agad na pinaharurot papalayo sa ibang direksyon. Ang lakas ng tawa niya nang paliguan niya ito ng usok. Ito 'yong tamang salitang, 'Eat My Dust'.

Ayan, nababagay iyon dito tutal ginawa nitong peste ang buhay niya sa abroad, gagawin din niyang peste ang buhay nito sa Pinas! Pasalamat ito at may amnesia ang kapatid niya. It's one of her welcome appreciation. Ang sweet niya kaya! Not to mention na maagang pinakulo ng babae ang dugo niya nang araw na iyon.

NASANAY siyang mag-jogging every morning sa loob ng Fobres Park bago papasok sa sikat na University kung saan siya nag-aaral. Minsan kasabay niya mag-jogging ang asawa, minsan naman hindi.

Napaikot siya ng mata nang makita si Azael na nag-jogging din. Naka-jogging pants at simpleng sando lang ito habang naka-man bun ang buhok. Naka-headset ito at seryuso. Nag-iwas siya ng tingin nang tumingin ito sa kaniya at nag-iba ng daan.

Sunod-sunod na nilagok niya ang bottled water nung pauwi na siya. Akmang papasok siya ng gate ng kanilang bahay nang tawagin siya nang bwesitang kapitbahay niya. Hindi siya nag-abalang lumingon nang makita niya mula sa kaniyang peripheral vision na si higad pala.

Ano ba kailangan nito? As far as she remember, wala siyang atraso sa pagmumukha nito at mas lalong wala siyang oras. Baka sa mga sandaling ito, tapos na si Theon at nakapagluto na rin. Ito lagi ang naghahanda ng pagkain sa kanila tuwing umaga. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok ng gate.

"Bitch!"

Ningisihan niya lang ito nang makapasok na siya nang tuluyan sa gate. "You mean yourself?"

Tumalim ang mga mata nito at handa yata siyang sakalin. "There will be a second war for us. Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo kahapon and I know it's you who did it!"!"

Nagkibit siya ng balikat at ningitian ito ng ubod tamis. "Yep. And I loveee to do it again! Let's try it now?" Binuksan niya ulit ang gate. Dito sila magsukatan ng tapang ng babaeng ito! Pero agad siyang natigilan nang makita si Azael na pabalik at basang basa ng pawis.

Kung dati hindi niya kayang tingnan ang pagmumukha nito, ngayon napatitig siya sandali sa lalaki. Naliligo ito ng pawis pero imbes na maruming tingnan dahil sa balbas at mahabang buhok, mas lalong nag-umigting ang kagwapuhan nito. Hindi pinangalanan ang kapatid niya ng Azael Aadi kung wala itong mabubuga.

Sandaling sumulyap ito sa kaniya pero saglit lang dahil mabilis natuon ang atensyon nito sa babaeng akala mo nasa bar nagtrabaho dahil sa ikli ng dress na suot. Wala ba itong planong mag-apply as pole dancer? Kakasa ito dahil mukha naman itong malandi sa tingin niya.

"Honey," Si Azael.

"Hey hon, lets go inside? I'm so done here with your neighbour. Akala mo maganda."

Pinigilan niya ang sarili. Masyado pa naman maaga para makipagpatayan kaya kinalma niya muna ang sarili. Alam niyang maganda talaga siya kahit ikompara pa sila ngayon. 19 years old siya pero may panglaban ang kagandahan. Nasa tamang proposyon na ang kaniyang katawan at samantalang ang babae, puting balat lang ang pinaglalaban nito. Kung hindi pa siguro ito maputi, ano na lang kaya ang hitsura nito kung ganun? Pagong? Natawa siya sa naisip at nagderitso na sa loob ng kabahayan. Alam niyang naghihintay na si Theon sa kaniya.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon