48 - Baby Shark Dudududu

48.8K 1.2K 114
                                    

Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya na kayang pigilan, parang timang siyang sumuntok sa pader pero agad din napamura sa sakit. Damn! Nakakabakla na siya.

"Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan," pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang labi. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin.

Matutulog na daw ang kaniyang prinsesa at nagpasya rin siyang matulog. Ang isa sa pinroblema ni Azael, baka hindi siya makatulog nito sa sobrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog nang gabing iyon.

Ang nangyari, buong magdamag siyang gising at sabog dahil hindi siya makatulog. Ang ginawa na lang ni Azael, maaga siyang nagluto ng breakfast nila ni Amara sa araw na iyon.

Magkasabay silang kumain dalawa ni Amara at pagkatapos nagpunta sila sa dalampasigan. Doon sila nagpapahangin dalawa. Habang siya ay naliligo, nagpapalakas at nagpapadagdag ng pogi points sa mata nito. Nagpasalamat si Azael kahit papaano dahil sa nangyari, naging kaniya sandali ang babae na kay tagal din niyang pinangarap.

NAHIRAPAN si Azael nung una dahil puro ayaw at reklamo ang kaniyang prinsesa pero kalaunan ay nasanay ito sa kaniyang presinsya. Silang dalawa lang ang taong nandun sa lugar na iyon, na kung saan man lumalop ito ng mundo ay wala siyang pakialam.

Mag-iisang linggo na sila at wala siyang naging problema. Kinalimutan niya sandali ang buhay niya sa Manila at kay Amara siya nag-focus. Sinusulit niya ang panahon kaniya pa ito. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila magkasama kaya bawat araw ay mahalaga sa kaniya. Pagsisilbihan niya ito hanggang sa mahalin siya nito.

"Call me if you need something. Sa kusina lang ako at maghahanda." Nag-excuse siya sa harapan nito.

Iniwan niya itong nagbabasa ng libro habang nakahiga sa malambot na kama. Isa ito sa libangan ng babae maliban sa dalampasigan. Hanggang ngayon natatawa pa rin siya kung babalikan niya sa alaala nung pinaliguan niya ito. Panay sigaw ito na ayaw magpaligo sa kaniya kahit anong mangyari pero nung mabasa ito ng tubig sa shower room wala itong magawa kun'di ang magpaligo sa kaniya. Bakit ba? Nakapikit naman siya habang pinapaliguan ito.

Kumakanta pa siya habang naghahanda ng lulutuin. Marami silang stock ng groceries na pang-isahang taon. Theon amazed him in the other way pero hindi pa rin sila in good terms. Maliban na lang siguro kung mamahalin siya ni Amara, baka ibigay pa niya rito ang isa sa company na pinaghirapan niyang ipatayo. Napapailing na lang siya habang ang lawak ng kaniyang ngiti.

Sandali siyang natigilan nang makarinig siya ng kaluskos. Huminto siya sa ginagawa at pinakinggan ang babae at baka tinawag siya nito. Nagkibit siya ng balikat nang masigurong 'di siya tinawag nito.

Tapos na siyang magluto nang magpasya siyang silipin ang si Amara kung tapos na rin ba itong magbasa ng libro. Napamura siya sa sobrang galit nang walang Amara ang nadatnan niya. Magulo ang higaan nito at nakataob sa sahig ang librong binabasa  habang nakabukas ang bintana. Fuck! May nakasulat sa putting dingding gamit ang dugo.

'You're mine and always mine Azael!'

Mabilis siyang napatakbo sa bintana at napasilip mula ro'n, nagbabakasakali siyang makita ang babae. Hindi siya nagkamali, kitang-kita niya ang papalayong yatch. Tangina! Bakit hindi niya narinig ang pagdating nito kanina?! Fuck! Fuck! Iiisa lang ang pumasok sa isipan niyang tao ang pwedeng gumawa nang ganito; si Penelope! Damn! Damn! Paano nito sila nasundan? Pagkakaalam niya ay nasa kulungan ito.

Mabilis siyang napatalon mula sa bintana at napatakbo sa garahe. Sa buong linggo nila dito sa bahay na ito, nalaman niyang may speedboat at sasakyan na pag-aari ang hinayupak. Full tank ang mga ito kaya dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan at hinila ang speedboat papalabas ng garahe. No time to waste, papatayin niya talaga ang babae kung may masamang nangyari kay Amara. Papatayin niya ito!

Malayo na ang yatch at malabong mahahabol niya ito but fuck! Hindi naman niya papayagan may mangyaring masama sa babaeng mahal niya! Alam niyang sa mga sandaling ito, takot na takot ang kaniyang prinsesa lalo na't hindi ito makagalaw ng maayos.

Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit naging pabaya siya kanina. Dapat naging alerto siya. Masyado siyang kampante na sila lang dalawa ang nando'n. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan pandagat at hinabol ito kahit naka-apron lang siya at boxer short. Kung may makakita sa kaniya, malamang pagtatawanan siya.

Mukha siyang pinalayas na chef sa pag-aaring restaurant. Binilisan pa niya lalo ang pagpapatakbo kahit walang kasiguruhan na mahabol niya ito. Hindi niya alintana ang init ng araw, ang kaniya ay makuha si Amara.

Nahabol niya ang yacht at ilang dipa na lang ang layo ay bigla na siyang tumalon para languyin ang yacht na ngayon ay tumirik sa gitna ng karagatan. Kahit may baby shark, daddy shark or mommy shark dudududu pa 'yan d'yan, wala siyang pakialam!

Lalanguyin niya ang dagat kahit naka-apron s'ya. Agad siyang sumampa at walang ingay na naglakad. Wala siyang tao nakita na naglalakad pero nanatiling alisto ang kaniyang isipan. Wala siyang kabaril-baril na dala at kung titingnan maigi, lugi siya. Baka mabasag ang kaniyang kagwapuhan dahil dito pero kung si Amara lang din naman ang pag-uusapan, wala na s'yang pakialam sa kaniyang kagwapuhan taglay. Aanhin niya ito kung para lang naman ito sa kaniyang prinsesa.

Malaki ang yacht, kaya hindi niya alam kung saan siya mauunang pumunta. Hinayaan na lang niya ang kaniyang instinct na siyang magturo sa kaniya kung saan siya mauunang pumunta. Bumulagta siya nang may biglang tumama na kamao sa kaniyang mukha. Ang hina naman ng suntok! Dumugo lang naman ang kaniyang labi pero ang hina pa rin.

Agad siyang tumayo at nakipagtuos sa lalaking nasa kaniyang harapan na may suot na bonnet. Nakipagsuntukan siya sa lalaki pero tulad niya, kapwa sila magaling. Nakahinga lang siya ng maluwang nung nahulog ito sa tubig sa lakas ng kaniyang sipa.

Too slow! Sampung bigas pa ang kakainin nito para mapabulagta siya. Hindi siya pinangalanan Azael Aadi Legrand kung wala siyang maiibuga pagdating sa bakbakan. Dalawang lalaki pa ang humarang sa kaniyang daanan at tulad kanina, nakipagbugbugan muna siya bago makalampas. Ang sakit ng panga at dibdib niya sa nakuhang suntok at sipa sa mga ito pero dahil magaling at kagwapuhan ang basis dito, parehong sumisid ang mga ito sa dagat. Hindi siya basta-basta papatalo, kaligtasan ng babaeng mahal niya ang nakakasalalay dito.

Napapansin niyang naka-bonnet ang mga ito at wala na siyang panahon para kilalanin at tanungin kung saan tinago ang kaniyang prinsesa. Malamang nasa loob ito ng cabin at makikipagpatayan talaga siya sinusumpa niya! Ang lakas ng tahip ng kaniyang puso at halos lumabas na ito sa kaniyang katawan nung may makita siyang patak ng mga dugo sa sahig.

Sinundan niya kung saan iyon papunta, huminto iyon sa isang silid. Lakas-loob niyang binuksan ito at napatulala sa nakita.

Fuck! His eyes must be kidding him! Nakabulagta sa isang tabi si Amara habang tadtad ng saksak ang buong katawan. Putangina! Putangina! Gusto niya magwala. Nanginginig na napalapit siya dito at hindi malaman ang unang gagawin. Ang umiyak ba o ang buhatin ito o ang magwala. Sandali ng huminto ang kaniyang mundo sa nakitang sitwasyon ni Amara.

Tangina! Tangina talaga! Sinubukan niyang gisingin ang sarili at baka binangungut lang siya pero hindi siya nagwagi, nasa harapan pa rin niya ang dalagang naliligo ng sariling dugo at wala ng buhay habang may kutsilyo pa na nakasaksak sa tiyan. Hinang hina siyang napaupo sa tabi nito at hindi alam ang gagawin. Basta lang siyang nakatitig at sa nanginginig na katawan, nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha niya.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon