Kinuha niya ang puting unan sa uluhan nito at nakasingising pinagmasdan ito sandali. Tsk-tsk, mamaalam na ito sa mundo at wala ng haliparot na sisira sa pagmamahalan nila ng lalaki. Ito lang naman ang problema, eh. Bakit kasi hindi ito namatay agad nung binangga niya?
Sinigurado naman niyang malakas ang kaniyang pagkakabangga rito kahapon. Napaingisi siya at napatingin sa oras, kailangan niyang madaliin ang pagpatay nito at uuwi pa siya para handaan ng hapunan ang pinakamamahal niyang asawang si Azael. Sayang, kung hindi lang sana nalaglag 'yong batang nasa sinapupunan niya na sana'y maging anak nila ni Azael kahit hindi ito ang ama.
"So bitch, see you in hell? I'll follow later," pabulong na usal niya.
Una niyang tinanggal ang oxygen sa ilong ni Amara na nakasabit, "Ganiyan, dapat ganiyan ka." Napangisi siya. Sinunod niyang tanggalin ang nasa bibig nito. "Siguro naman mamamatay ka na niyan."
What's next? Ah, makakalimutan pa ba niya? Mahigpit na napahawak siya sa unan at isang sulyap pa ang kaniyang binigay kay Amara bago siya namaalam ng tuluyan. Bye, slut! Saka niya diniin ang unan sa mukha nito.
"Penelope! Anong ginagawa mo?!"
Biglang bumagsak sa isang tabi si Penelope nang haklitin ni Azael ang babae sa braso. Agad niyang tinanggal ang unan na nilagay ng babae. Fuck! Fuck! Natataranta siya sa kung anong gagawin.
"I will kill that bitch!"
Tumayo ito at pinagsisira ang mga aparatung sumusuporta sa katawan ni Amara.
"Stop it!" Isang malakas na sampal ang binigay niya rito nang hilain niya ang dalaga para tumigil. Sa sobrang lakas, napasubsub ito sa sahig.
"I hate you! I hate you!"
Wala siyang panahon sa galit nito, ang importante sa kaniya ay ang kaligtasan ni Amara. Damn! Fuck! Malakas siyang napasigaw ng doctor at nurse. Minuto lang ay sunod-sunod na pumasok ang mga ito.
For holy sake! Bakit hindi man lang niya natimbrehan na babalikan ito ni Penelope?! Nang maalala niya ang babae, galit na hinarap niya ito at tinulak pasalampa sa pader. Sa lakas ng kaniyang sampal kanina, dumugo ang labi nito at namaga ang mukha.
"Bakit? Bakit mo ginawa iyon? Bakit?!""
"Dahil mahal kita?!"
"Fuck Penny! Nakakamatay ang pagmamahal mo! Dinamay mo 'yong walang malay na tao dito, at oras na may masamang mangyari sa kaniya, fuck, alam mo na ang mangyayari sa'yo."
Tumalim ang mata nito na kanina lang ay umiiyak at nagpapamakaawa. "Dinamay? Huh, she deserves to die! Rotten in hell!"
Isang malakas na suntok ang tumama sa pader at galit na tiningnan ito. "Baliw ka nga." pinipigil niyang 'wag masaktan ito. Baka saan ito pulutin kapag nasuntok niya!
"Dapat sa kaniya namatay, eh! Bakit kasi hindi na lang 'yan pinatay ng magulang ko ang pesteng Amara na 'yan nung sanggol pa siya! Bakit kasi nagkrus ulit ang landas namin dalawa at ang lalaking mahal ko pa ang inagaw niya! Dapat pinatay na lang siya ng magulang ko nung dinukot nila si Amara. Papatayin ko siya Azael, papatayin ko ang babaeng kinababaliwan mo!"
Napamulagat siya sa narinig at hindi makapaniwala. Napaatras siya at biglang nalito sa sinabi ng babae. May hindi pa ba siya alam? May dapat pa ba siyang malaman sa pagkatao nito? Yeah, dahil sa walang pakialam niya rito, hindi niya inalam kung ano ang tunay na pagkatao ng dalaga. Masyado siyang fucos kay Amara.
"What did you say?" nag-abot ang kaniyang kilay at ilang sandali lang ay mananakit na siya ng tao. Wala na siyang pakialam kung babae ito.
"Oo, Azael! Kaya papatayin ko siya para bumalik ka sa'kin! Hindi ang Amara na iyan ang maghihiwalay sa'tin dal'wa! Akin ka lang at akin."
Baliw na nga ito. Mabilis niya itong tinalikuran. Saka na sila magtutuos dalawa, gusto niya munang masiguradong okay na ang kalagayan ng babaeng mahal niya saka niya papa-imbistegahan ang pamilya nito at ipapakulong kasama ito. He felt sorry for her pero kung ganito na lang din naman, mainam nga na magkita sila sa korte!
Mabilis na napasugod si Berkham sa Pilipinas nang malaman niya ang nangyari. Tumawag siya sa phone ng kapatid niyang si Amara pero si Azael ang nakasagot. Ilang segundo rin ang nagdaan bago sinabi ni Azael ang totoong nangyari. Nagmamadaling nagtungo siya sa hospital kung saan naka-confine ang kaniyang kapatid kahit kararating lang niya at may hangover pa.
"Hey watch out!" Inis na pakli niya nang muntik na bumangga sa kaniya ang papasalubong na babae.
"Pasensya na ho," at nagbaba ito ng tingin.
Napakunot siya ng noo at nang tingnan niya ito, si Celestine ang bumungad sa kaniya. He knows her. Ayon kay Amara, si Celestine ang tunay na Legrand. Nawala ang kaniyang inis at ngumiti sa dalaga.
"How's my sister?" deritsahang tanong niya.
"Nagising na si Ma'm Amara pero hindi pa siya nagsasalita. Sige po." Walang salitang umalis ito at nagmamadaling makalayo.
Napakunot na lang siya ng noo sa inasta ng dalaga saka siya napailing-iling. She's pretty and he admit it.
"Amara!"
Nagliwanag ang mukha ni Amara nang makita siya. Pansin niyang andun sa loob ng silid na iyon si Theon ang asawa nito, si Azael at ang pamilya Legrand. Nagulat ang mga ito pero nanatiling walang emosyon si Azael na nasa couch at simpleng nakaupo. Bumati siya sa mga ito at ngumiti. Mabait na sumagot ang mga ito at iyon ang hudyat para lapitan niya si Amara.
"Hey baby sis," aniya.
Ngumiti ito. "H-hey..."
Buti at hindi malala ang kalagayan nito. Nakabenda ang ulo at may plaster sa leeg. It's been 5 days simula nung sa aksidente ayon kay Azael.
"Maaari ba namin malaman ang pangalan mo hijo?" hindi makatiis na singit ng ama ni Amara.
Kung sabagay, baka nakalimutan ng mga ito ang kaniyang mukha. Ilang taon na rin nung huli niyang tungtung sa mansiyon ng Legrand. Kung natatandaan niya, kasal iyon.
"I'm Berkham Farragher, ang tunay na kapatid po ni Amara."
Walang nakasagot sa kaniyang sinabi. Lahat napatitig sa kaniya maliban kay Azael na ngayon naglalaro ng mansanas sa palad. Saka lang nag-sink in sa kaniyang utak na baka hindi pa nasabi ni Amara ang tunay na pagkatao nito. Mabilis siyang napatingin dito at napangiwi... Kulang na lang ay kutusan siya nito. Kung wala siguro ito sa kamang kinahihigaan, baka piniktusan na siya. Hindi siya dapat ang pwedeng magsabi sa katauhan nito pero nung nakiusap ang matandang Legrand na kausapin siya ng pribado ay wala siyang magawa kundi ang mapasunod sa mga ito.
Napasunod ang tingin ni Azael sa kaniyang magulang na lumabas kasunod ang lalaking nagpakilalang kapatid ni Amara. Hinintay niyang lumabas si Theon at hindi nga siya nagkamali, sumunod ito. Saka siya napatayo at lumapit sa kinaroroonan ni Amara.
Nailipat na ito sa isang private room at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi nagtagumpay ang plano ni Penelope na patayin ito. Fuck! Everytime na maalala niya ang ginawa nito ay nandidilim ang kaniyang paningin. For now, ay nakasampa na ang kaso para rito at isa sa mga araw na darating ay sa kulungan ang bagsak ng babae kasama ang magulang, na ngayon ay pinapaimbistegahan niya at pinakunan ng background check kay Hudson.
Hindi siya bibiguin ng kaibigan. Tiwala siya sa kakayahan nito pagdating sa cyber world."Amara..." Ginanap niya ang kamay nito.
Napatingin ito sa kaniya at marahan bumuka ang labi. "A-azael..."
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRAND
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Highest Rank 1 - Possessive Highest Rank 1 - Forbidden Love Highest Rank 2 - Comedy Romance "No matter how hard you tried to hide, I still...