Napalingon si Amara sa kinaroroonan ni Celestine. Nasa kaniyang tabi ito at tahimik na nakatingin sa unahan. Kasama niya itong bibisita sa araw na iyon sa Beauty and Spa Clinic ng kaniyang ina. Sinadya niya itong isama at wala naman naging problema sa dalaga dahil lahat naman yata ng sinasabi niya ay sinusunod nito.
Tapos na ang kaniyang klase sa araw na ito kaya nakuha niyang dalawin ang ina. Gusto niyang i-open up dito ang tungkol sa nabasa niyang article sa isang site at yayain itong gumawa ng test kay Celestine. Well, suggestion lang niya ito at nasa kaniyang ina pa rin ang desisyon.
"Okay lang ba sa'yo na isinama kita?" mabait na tanong niya at sumulyap dito.
Ngumiti lang ito nang tipid, "Wala naman po problema. Okay lang sa'kin."
Tumango siya. Ayon sa article na kaniyang nabasa, maraming cases na magkakahawig ang mukha ng tao. May iba na parang kambal pero kapag nag-run ng test ng DNA, negative. Hindi niya ini-insist na kadugo nila ang babae. Pero sa loob nang buong linggo, naiisip niya ang pagkakahawig ni Celestine at nang kaniyang ina.
Nung nagsama silang tatlo sa pag-shopping, hindi siya ang napagkamalan anak, kundi si Celestine. Ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon pero dahil curious siyang tao at maraming tanong sa buhay, gusto niyang subukan. Walang mawawala kung sakaling gagawin niya iyon.
Shit! Mabilis niyang naapakan ang preno nang magkaroon ng rambulan ng sasakyan sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at agad niyang nakabig ang manibela pakanan, kung hindi masasali sila sa salpukan ng mga sasakyan. That was close! Ang lakas ng tahip ng puso niya. Bakit ba kasi may mga reckless driver sa daan at basta na lang maneho nang maneho at mandamay pa!
"Celesti okay ka lang?" tumingin siya rito para lang magulat nang makitang napatulala ito at nang lumingon sa kaniya, bigla na lang itong nawalan ng malay.
Nataranta siya sa reaksyon ng babae. Anong nangyari?! May sakit ba ito sa puso at bawal itong magulat o gulatin? Whatever! Mabilis niyang pinaatras ang sasakyan at dinala sa malapit na hospital ang babae. Wala sa plano niyang patayin ito, jusko! Si Penelope, pwede pa.
Ang sabi ng doctor na tumingin dito, nagulat lang ito sa nangyari. Mukhang may phobia at matinding trauma ito kaya ganun ang naging reaksyon pero okay na ito. Akala pa naman niya kung ano na! Kinabahan tuloy siya pero sa kabilang part ay naawa rin. Ini-imagine niya kung anong klaseng buhay ang pinagdaanan nito sa probinsya.
Nalaman din niyang Type AB+ ang dugo nito, same ng kaniyang ina. She's Type B pagkakatanda niya. Wait, what does it mean? Hindi kaya... No, imposible nga pero pwede rin posible.
Tulog ang dalaga habang may nakakabit na IV fluid sa kamay nito. Kumuha siya ng lakas ng loob na kunan ito ng limang hibla ng buhok at nilagay iyon sa malinis na lalagyan. She'll do some short investigation at hindi na siya magpapaalam sa ina. Patago niyang gagawin ang test.
Kailangan niyang makakuha rin ng hibla ng buhok ng kaniyang ina at magpasagawa ng test without her consent. Kahit alam niyang negative ang result pero bakit iba nag pakiramdam niya talaga?
She succeed on getting her mom's hair. Sa kwarto ng ginang, nakakuha siya ng buhok. Nilagay niya ito sa ibang lalagyan at nang araw din na iyon, ay pina-test niya ang nakuhang buhok ng mga ito. Tumawag din siya sa ginang na hindi siya makakatuloy sa pagbisita dahil may biglaan siyang lakad. Hindi na rin niya binanggit na muntikan na silang bumangga at na hospital ang babae, makukurot siya nito nang wala sa oras. Sa ngayon, okay na si Celestine at inuwi niya na ito sa mansyon ng Legrand.
NAPATAYO siya bigla nang matanggap ang tawag ng doctor na siyang pina DNA test niya. Isang linggo na ang nagdaan at ito ang 'yong pinakakahintay niya sa sa lahat. Halu-halo ang kaniyang nararamdaman at hindi niya alam ang unang gagawin nang sinabi nitong pumunta siya sa office nito at do'n sila mag-usap. Wala si Theon, nasa Cebu pa rin ito kaya dali-dali niyang tinungo ang sasakyan at mabilis na pinasibad papalayo.
Nang makita siya ni Dr. Alferez, ngumiti ito sa kaniya at agad na binigay ang puting sobre nang makaupo siya paharap dito. Kinalma niya muna ang sarili at sa nanginginig na kamay ay sinimulan niyang buksan ang sobre at tiningnan ang resulta. Napatuptop siya ng bibig. Napaluha siya sa nabasa at agad na tumingin sa doctor.
"Doc, hindi ko maintindihan binabasa ko."
Ang kaninang seryusong mukha ng matandang lalaki ay napalitan ng ngiti. "The result is 99.9998%!"
Napatanga si Amara at 'yong luha na kanina pa niya pinipigalan ay tuluyang nagsibagsakan. Wait, binibiro yata siya ng doctor na ito, eh.
"Ibig niyong sabihin anak siya ng mommy ko?"
"Malamang hija, mahirap naman kung anak mo siya. Ano 'yun, 1 month old ka pa lang lumandi ka na? Malabo 'yon kung nagkataon kaya anak siya ng mommy mo."
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa sagot nito or maiinis dahil baka mali-mali ang ginawa nitong test.
"Doc, sure ba talaga kayo na tama ito?"
"Pakiramdam mo ba isa kang pagkakamali ng magulang mo?"
Napailing siya, "Hindi naman po."
Ngumiti ito at inayos ang eyeglass na suot. "Hindi naman pala, malamang tama 'yan! Maliban na lang kung may tama ang utak mo hija."
Biglang naglinya ang kaniya kilay. Gigil mo ako Doc! Imbes maglulupasay na siya ng iyak sa nalaman, mukhang makakapatay yata siya ng matanda ngayon araw.
"Doc ang cute mo. Kurutin kita diyan ng nailcutter! Nanggigigil ako sa inyo, eh."
Napakamot ito ng batok at natawa. "Joke lang hija, ikaw naman hindi mabiro. Hampasin kita ng oxygen tank diyan, eh."
"Ano Doc?"
"Wala. Ang sabi ko, kapatid mo siya."
Doon siya natigilan. Magkapatid nga ba sila? Siya ba, totoo ba siyang anak? Anak nga ba talaga siya ng Legrand? Since baby may picture siya kaya malabo ang kaniyang iniisip.
Biglang sumakit ang kaniyang ulo. Paano nangyari iyon na magkapatid sila ni Celestine?! May anak ba ang mommy niya sa labas... Wait, same lang sila ng edad dalawa nito. Kambal sila? Fraternal twins? Ha? Malabo! Bitbit ang resulta ay mabilis siyang nawala sa opisinang iyon.
Nasagot na ang gumulo sa kaniyang utak pero hindi pa rin siya makapaniwala. Pakiramdam niya ay nananagip lang siya sa mga rebelesasyon nalaman. Bullshit! Tanging ang kanilang ina lang ang makakasagot sa lahat ng mga tanong niya sa utak. Pero wala siyang planong biglain ito, sa ngayon itatago muna niya ang kanjyang nalaman. Kunwari, wala pa siyang alam.
Para masagot ang mga libong tanong niya, nagpa-DNA test din siya. Nung dumalaw siya sa clinic ng Mommy niya, kumuha siya ng sample sa pamamagitan ng buhok.
Kinakabahan siya sa magiging resulta pero malaki ang tiwala niyang anak siya ng mga Legrand. Siya na ang maghahanap ng kasagutan sa lahat ng mga tanong niya.
Nagmamadali siyang lumabas sa opisina ni Doc. Alferez matapos niyang maibigay ang sample. Sa pagmamadali niya, nabangga pa siya sa isang bulto ng katawan.
"Pwede ba tumingin ka sa dinaraanan mo!" Siya pa ang may ganang magalit. Hindi na siya nag-abalang tingnan kung sino ito at hinintay na mag-sorry, basta na lang siyang umalis.
May hinahabol siyang klase. Sadyang inuna lang talaga niya itong pagpapa-DNA test para mawala ang maraming mga katanungan sa kaniyang utak. Imagine, si Celestine na galing probinsya at lumuwas ng Manila, na muntikan ng mabangga ng daddy niya at kinupkop ay isa pala talagang Legrand at anak ng mommy niya!
Jusko mababaliw na yata siya. Kailangan na naman yata niya ang tulong ng gwapong si Doc. Hudson para sa kaniyang utak. Pero kaso, snob ito at hindi marunong ngumiti kaya ipagpaliban na lang muna niya ang pagpapa-mental.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRAND
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Highest Rank 1 - Possessive Highest Rank 1 - Forbidden Love Highest Rank 2 - Comedy Romance "No matter how hard you tried to hide, I still...