HEADPHONE - II

2.5K 84 0
                                    

Ang mga sumunod na pagpaparamdam kay Teresa ay mas lalong tumindi.

Maski nakatago na sya sa kumot ay nagpapakita pa rin sa kanya ang kaluluwa ni Lexi.

Kaya naman lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman nya.

Hanggat maaari ay ayaw na nyang matulog pa.

At kung pupuwede ay ayaw na nyang mapag-isa pa sa kwarto, sa kusina, sa banyo, o kahit saan.

Pero bakit naman kase kung kelan mas pinili nya ang solong kwarto ay saka pa ito nangyari sa kanya?

Ayan wala tuloy syang mahingian ng tulong.

...

Kaya naman nagdesisyon sya.

Kinaumagahan ay inalok nya ang kanyang kaklase na maging ka-share nya sa kwartong inuupahan.

Nagdahilan na lamang sya na hindi na nya kaya ang renta kaya kailangan nya ng makakasama.

Hindi nya rito sinabi ang totoong dahilan dahil baka matakot din ito.

Pumayag naman ang kaklase nyang si Jodi. Hindi pa man daw nagsasabi si Teresa ay may plano na raw talaga itong mag-rent ng room kasi nga malayo ang bahay nito mula sa eskwelahan. Nakakapagod daw magbyahe ng malayo.

.....

Subalit hindi lang ang kaluluwa ni Lexi at ng batang babae ang nagpapakita at nagpaparamdam sa kanya.

Meron ding isang matandang babae.

Ito naman yung nagtitinda ng sigarilyo at candy sa kanto ng eskwelahan nila.

Di nya ito kilala. Hindi rin nya ito kabatian o kangitian man lang. Never pa kasi syang bumili dito.

Madalas nya lang itong makita kapag napapadaan sya sa kanto. Duon kasi ang sakayan ng jeep at tricycle pauwi sa kanila.

Kaya naman laking pagtataka nya kung bakit pati ito ay nagpapakita sa kanya.

Ni hindi nya alam na namatay na pala ito. Basta ang alam nya ay hindi na ito nagtitinda sa kanto.

Naisip na lang nya nuon na baka pinagbawalan ang matanda kaya lumipat na lang ito ng pwesto na pagtitindahan.

...

Bukod sa matanda ay may isa pang labis na kinakatakutan si Teresa, ang school mate nya na hindi nya alam ang pangalan.

Basta ang alam nya ay iisa ang eskwelahang pinapasukan nila dahil pareho ang skirt na suot nito sa uniform skirt na gamit nya.

Sa tantya nya ay mas bata ito sa kanya ng dalawang taon. At mukha itong probinsyana base sa pormahan nito.

...

Katulad ni Lexi, ng batang babae, ng lola at ng school mate nya, hindi nya alam kung bakit nagpapakita ang mga ito sa kanya.

Ano nga ba ang pakay nila?

...

Ang dating masayahin na Teresa ay ibang-iba na ngayon. Nawala na ang ngiti sa labi nya.

ESMERALDA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon