KAMBAL - X

1.3K 57 0
                                    

"12:30 na Amara. Bakit--- (Pause) Bakit parang wala pa ring pagbabago?!" Kunot-noong tanong ni Isadora.

Takang-taka talaga sya.

11:45 kasi ng gabi nung pagtulung-tulungan nilang itali si Amara habang nakaupo ito sa isang upuan.

Magmula nung oras na iyon ay binantayan ay minatyagan na nila ito.

Saktong alas dose ito sinasapian. Pero 12:30 na ay hindi pa rin ito nagpapalit ng katauhan.

"Ewan. (Pause) Hindi ko alam." Sagot ni Amara sabay iling ng ilang beses.

Maging si Andrei ay nagtataka rin.

Kanina pa kasi ito nakahanda sa muling paghaharap nila ni Stacey.

Pati ang sasabihin nya dito ay inaral na rin nya.

Nasa ganun silang pag-iisip nang biglang magsalita si Esmeralda.

"Wala na syang planong gamitin ang katawan mo."

Sabi nito.

Labis nila iyong ikinagulat.

At nung lingunin nila si Esmeralda, napansin nilang parang wala ito sa sarili.

Naka-stuck up lang kasi ito at ang mga mata nito'y hindi man lang kumukurap.

Ang tingin naman nito'y parang tagus-tagusan.

"Ahhh--- Anong ibig mong sabihin Esmeralda?" Tanong ni Amara.

"Andito sya." Sagot nito.

Sa iisang direksyon pa rin ito nakatingin.

At parang robot kung ito'y kausapin.

Wala talaga itong ka-emo-emosyon kung magsalita.

"Huh! S-sino? Si Akira?!" Tanong ni Amara.

"Andyan sya sa tabi mo." Sabi ni Esmeralda.

Agad namang lumingon si Amara.

Pati sila Isadora at Andrei ay napatingin na rin sa direksyong sinabi ni Esmeralda.

Laking gulat nila nung masaksihan mismo ng mga mata nila ang korteng usok na animo ulap na lumulutang sa tabi ni Amara.

At lalong nanlaki ang mga mata nila nung unti-unting magkaron ng imahe ng isang babae ang puting aparisyon na iyon.

"Akira?!" Sambit ni Amara nung muling masilayan ang kakambal.

Ngumiti naman ito sa kanya.

"Akiraaa... Huhuhuu..." Sambit nya.

Pagkatapos ay tumulo na ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

Bigla namang lumamlam ang mga mata ni Akira.

Bumalatay ang lungkot sa mukha nito.

Patawarin mo sana ako Amara...

Tandaan mo...

Mahal na mahal kita kapatid ko...

Sabi nito.

Umaalon ang boses nito at animo nanggagaling sa isang kweba..

"Pinapatawad na kita Akira. At mahal na mahal din kita. Huhuhuu..." Sabi ni Amara.

Salamat kapatid ko...

Paalam...

Sabi nito pagkatapos ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.

"Stacey sandaleeee..."

ESMERALDA Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon