Special Chapter

4 0 0
                                    

A. N. PAALALA: HUWAG NANG UMASA, MASASAKTAN KA LANG!

This special chapter will focus more on Eijirou. Kasi naman, itong story na ito ay nakafocus more kay Sakura at Pleiades. This special chapter was done to introduce the story of Eijirou. Babawi ako kay Eijirou bebs. Gagawan ko din siya ng hiwalay na story. But after po muna nung mga pending. Hihi. Thanks for understanding. Lovelots.

HAHAHA.

(Third Person's POV)

"One, two, three, and go!

~Ilang taon
Ika'y nasa aking tabi
Biglang nawala
Ng isang saglit~"

Pagkanta ng isang binata na nakakunot ang noo habang ini-strum ang aking gitara.

"~Ngayo'y hindi
Ako mapakali
Ikaw ang laging
Nasa isip~"

Galit nitong inihinto ang pagkanta. Napaismid ito sa inis sa mga kabanda niya.

"Tsk! Itigil na nga muna natin to! Puro wala kayo sa focus niyo! Sinabi ko diba na may back-up singers pero ni wala man lang nakikinig sa inyo! Palibhasa, mas inuuna ninyo yang lint*k na mga babae niyo!" sigaw nito sa kanila habang sapo ang kanyang noo. Kanina pa itong nagtitimpi ng kanyang galit.

"Sorry na, Eijirou! Lam mo namang basta si girlfriend, bawal tumanggi eh. Sinagot ko lang naman yung tawag kanina!" pagdepensa ng isa pang binata at napakamot ng kanyang batok.

"Oo nga, dude! Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon?" prankang tanong ng isa pang binata habang nakaupo at nakahalumbaba ang isang kamay at ang isa naman ay pinapaikot ikot ang drumstick sa kanyang daliri. Napaismid muli ang binata.

"Tsk! Remember my rule! Green, Blue! Sa susunod na dalhin niyo pa dito ang mga babae niyo, ako na mismo ang magpapalayas sa inyo rito! Tatanggalin ko kayo!" pananakot ng binata at padabog na inilapag ang kanyang gitara sa lamesa. Nagngingitngit sa galit na umalis ang binata at padabog na isinarado ang pintuan. Habang ang tatlo naman nitong kabanda ay napakibit balikat na lang sa isa't isa.

Galit na galit ang binata. Napakuyom ang kanyang kamao. Inis na inis siya sa kanyang mga kabanda lalo na kapag maaalala ang paghaharutan ng mga ito kasama ng kanilang mga girlfriend sa kanyang harapan.

Sinuntok niya ng malakas ang pader. Madaling nag-iinit ang ulo niya kapag nakakakita ng mga magkakasintahan. Dahil palagi niyang naaalala ang mga pinagsamahan nila ng nag-iisang babaeng minahal niya. Ngunit lumisan na ito at hindi na babalik pa.

Mainit ang ulo nitong pumunta sa island counter sa kanilang bahay na tinutuluyan. Ito ang naipundar ng banda sa mga concert nila.

Kumuha ito ng isang bote ng alak at wala pasa-pasabing ininom ito.

Paulit ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga ala ala ng babaeng yon. Kaya't sa sobrang inis ay naibato nito sa kung saan ang hawak na bote. Narinig niya ang pagbasag ng bote pero wala siyang pakialam. Mainit pa rin ang ulo niya. Sa mga ganitong panahon, walang nakakapagpahupa kaagad ng galit niya. Padabog itong lumabas ng bahay at naglakad lakad.

"EIJIROU!!! Ahhh!!! Ang gwapo mo!!!"

"Myghad!!! Baby Eijirou, akin ka na lang!"

"You can take me to bed if you want to!! I will be glad!!!"

"Kakalaglag panty ang kagwapuhan mo!!!"

Samo't saring ingay ang narinig niya sa paligid niya mula sa mga fans niya at mas lalo niya lang iyong ikinainis. Tiningnan niya ng masama ang mga fans niya. Wala siyang pakialam kahit ibash pa siya ng mga ito o ayawan. Hindi niya lang gusto ang ingay. Nagpapahupa nga siya ng galit niya pero parang walang epekto ang ginagawa niya. Hindi pa rin lumalamig ang ulo niya. Ini-snob nito ang fans niya at ni hindi man lang humingi ng sorry sa ginawa.

Aliens are True Maybe [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon