She, who lives with the Seven Princes of Hell
Written by: Paninie"Maligayang pagbabalik Binibini!"
Sa aking paglalakad sa pasilyo papunta sa aming silid-aralan, ang mga mata ng mga estudyante na pulos paghanga ang sumusunod sa akin.
Hindi ko naman sila masisisi.
Ako ang binibini na laging laman ng mga usapan kahit pa noong nag-aaral pa ako sa kanluran.
Maputi at maputla ang aking balat na bumabagay kulay niyebe kong buhok ngunit hindi ang mga ito ang pumupukaw sa atensyon ng mga tao, kundi ang aking mga matang may magkaibang kulay.
Sa kanang mata ay ginto sa kaliwa nama'y lila.
Sabi nga ng mga kaibigan ko sa kanluran tuwing tinititigan nila ang aking mga mata, kung hindi gumagaan ang pakiramdam nila nakakaramdam naman sila ng matinding kalungkutan.
It's like we're in heaven and hell at the same time, ika nila.
Pagpasok ko sa silid-aralan, tilian agad ng tatlong magkakapatid ang sumalubong sa akin.
"Napakaganda mo talaga Yzeaia! We missed you!"
Papuri ni Alkene habang niyapos pa ang aking braso.
"Saang bayan ka ba namimili ng mga sinusuot mo Yzeaia? Mukhang napakahirap hanapin ng materyales na ginamit. Ubod siguro iyan ng mahal."
Nakangusong saad naman ni Alkane.
Silang tatlo ay matalik ko nang kaibigan simula palang pagkabata.
Sampung taon na ang nakakalipas simula noong huli naming pagkikita, nagpapalitan naman kami ng mga sulat ngunit hindi parin nun napawi ang lungkot ko dahil sa pananabik na makabalik dito sa aking bayan na kinalakihan.
Tinignan ko ang suot kong tela, simple lang ito ngunit maganda paring tignan. Kulay puti ang pang-itaas at pula ang saya. Malinis at maayos ding nakatirintas ang aking buhok.
Taglagas ngayon kaya't manipis lang ang telang suot ko na pinili sa akin ng aking tagapaglingkod. Sabi pa nga niya dapat lang naman daw ipangalandakan ko kahit minsan ang magandang hugis ng aking katawan.
"Pinapasadya ni Ina ang mga sinusuot ko sa isang magaling na sastre sa kapital."
Marahan kong ipinadulas ang daliri ko sa mga bulaklak na nakaburda sa manggas ng aking blusa.
"Totoo ba?! Sa kapital?! Kung saan nakatayo ang emperyo at kung saan naninirahan ang mga prinsipe?" Manghang tanong ni Alkyne
Nagkibit balikat na lamang ako sapagkat wala rin naman akong masyadong alam sa bayan na iyon. Matagal na rin naman simula noong sinara nila ang tarangkahan papunta sa bayan na iyon.
Labing-walong taon na ang nakakalipas mula nang ipasara nila ang kapital ng bansa.
Ang taon kung kailan ipinanganak ang tagapagmana ng trono.
Ang kwento din sa akin ni Ina, dating masigla at puno ng buhay ang bayang iyon. Tinatawag ito dating Central City of Villeurles Empire o mas kilala ngayon bilang kapital.
Noong pumutok ang balita sa panganganak ng reyna labis daw ang pagdiriwang sa kapital ngunit isang malaking pagsabog daw ang naganap na nakapatay ng libo-libong mamamayan.
Ang sabi ng mga tao dito sa bayan, ang prinsipe daw ang may kagagawan nun.
Dahil sa pangyayari madami ang umalis sa bayan, at paglipas din ng ilang araw tuluyan din itong sinara.
YOU ARE READING
She, who lives with the Seven Princes of Hell
FantasíaSi Yzeaia Marquis Germar ang nag-iisang babaeng anak ng isang prominenteng pamilya mula sa Levan. Siya ay kilala sa kanyang bukod tanging kagandahan na pinipilahan ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng karamihan. Ngunit lingid sa kaalaman ng lah...