She, who lives with the Seven Princes of Hell
Written by: PaninieMaraming tagapaglingkod ang nasa loob ng silid ko ngayon upang ayusan ako para sa pagdiriwang.
Puting ang kulay ng aking kasuotan na may maliliit na bulaklak. Maganda din ang pagkakaayos ng aking buhok at maraming palamuti na bumagay sa akin.
Napatingin ako sa malaking salamin.
Gusto ni Ina na maging kapansin-pansin ako ngayong gabi. Talaga nga namang matindi niyang pinaghandaan ang lahat para sa gabing ito.
Pinatawag pa nga nya ang sastre mula sa Kaharian upang personal akong sukatan, dati kasi ang kanang kamay nya lang ang nagsusukat sa akin.
Unang beses ko palang siyang nakita sa personal nang sukatan nya ako. Hindi maikakaila ang gandang taglay nya kahit nasa edad cincuenta na sya.
Matatalim ang mga titig nito at makikita mo talaga sa kanya ang pagiging metikulosa.
Ngayon lang din pala kami magkikita ulit si Isaah. Simula kasi nung dumating ako dito lagi syang abala sa kampo na nasa kapital pa.
"Matagal pa ba? Nangangalay na ako" Bagot na tanong ko.
"Patapos narin po, itatali nalang po ito sa bewang nyo."
Tinali nila ang tela ng mahigpit sa aking baywang tsaka inabot sa akin ang palawit na may simbolo ng pamilyang aking kinabibilangan.
Hyacinth.
Pagkatapos kong mag-ayos agad din kaming lumabas. Nasa likod ko ang mga tagapaglingkod ko habang nasa gilid ko si therese.
Nang makarating kami sa tanggapan, sinalubong ako ni Isaah ng isang mahigpit na yakap.
Pinagmasdan ko syang mabuti. Mas lalo syang tumangkad at gumwapo. Lumaki rin ang katawan nya dahil siguro sa ilang taong matinding pagsasanay.
Natutuwa akong makita syang nasa maayos na kalagayan.
"I missed you my dear little sister." Marahan nyang dinampi ang kanyang labi sa aking ulo.
Pabiro ko syang pinalo sa braso.
"Magugulo ang buhok ko." Sabi ko sabay ayos dito.
Sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan, nang makarating kami sa tapat nito agad nya akong pinagbuksan ng pinto.
Magkasama kami ni Isaah sa iisang sasakyan samantalang si Ina at ama ay nakasakay sa sasakyan na nasa unahan namin, kasama nila si therese don.
May tatlong sasakyan pa ang nakasunod sa amin. Ang isa ay nasa unahan at dalawa sa likod namin.
Nakakabinging katahimikan lamang ang nananaig sa loob ng sasakyan. Tinignan ko si Isaah at kumapit sa kanyang braso.
"Kinakabahan ako Denviur." Pag-amin ko.
Bahagya syang nanigas sa kinauupuan nya pero ngumiti din kalaunan at inakbayan ako.
"Normal lang naman na kabahan ka Marquis dahil nandon ang mga prinsipe at alam ko na nagigipit ka dahil sa mataas na ekspektasyon sayo ng mga tao lalo na ni Ina. Loosen up a bit Yzeaia. I'll always have your back."
Dahil sa sinabi nya ay napanatag ako kahit paano.
Tumingin ako sa dinadaanan namin, malayo pa kami sa kapital. Nabuburyo ako. Pinaglaruan ko na lamang ang mga kuko ko na may kolorete. Maya-maya kinalabit ko si Isaah.
"Hindi ba pwedeng tanggalin ko itong nasa kuko ko?" Tanong ko.
Tinignan ako ni Isaah ng nakakaloko tsaka tumawa ng malakas, napatingin naman ako sa lalaking nagmamaneho bago yumuko ng bahagya. Nakakahiya.
YOU ARE READING
She, who lives with the Seven Princes of Hell
FantasiaSi Yzeaia Marquis Germar ang nag-iisang babaeng anak ng isang prominenteng pamilya mula sa Levan. Siya ay kilala sa kanyang bukod tanging kagandahan na pinipilahan ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng karamihan. Ngunit lingid sa kaalaman ng lah...