Chapter 13

453 33 7
                                    

ILANG linggo nang hindi nagkikita sina Borj at Roni. Naging abala si Borj sa kanyang career. Naka-set na ang lahat ng mga kailangan para sa kauna-unahang major concert ng kanilang banda.

Nang araw na iyon nakatakda ang press conference nila. Nakahanda na siya sa mga tanong na maaaring ibato sa kanya.

"Are you guys ready? tanong ni Nelia sa kanila nang pumasok ito sa waiting room nila.

"Sabay-sabay silang tumango.

"Well then, let's go." Nagpatiuna na itong lumabas ng kuwarto at tahimik naman silang apat na sumunod dito.

Bago umakyat sa stage ay nilapitan siya ni Nelia at may sinabi sa kanya. "Borj, I trust in you. Don't disappoint me," sabi nito.

Tumango lang siya.

Nagkislapan ang mga camera ng mga reporter at photographer nang lumabas na sila mula sa backstage. Marahan siyang bumuntong-hininga bago ngumiti sa mga taong naghihintay sa kanila.


"THIS question is for Borj. Totoo ba na may girlfriend ka na and you are actually living with each other, contrary to what you said na kayong mga miyembro ng The Krion ay walang mga girlfriend?" tanong ng isang reporter kay Borj.

Tumuon sa kanya ang pansin ng lahat ng mga taong naroroon. Tahimik ang mga ito habang hinihintay ang sagot niya.

Tumingin siya sa kinaroroonan ni Nelia. Tinanguan siya nito, hudyat para ibalik niya ang pansin sa reporter na nagtanong sa kanya. Tumikhim muna siya, saka bumuntong-hininga bago sumagot. "It's not true."

Napasinghap ang mga taong naroroon sa naging sagot niya, kapagkuwan ay umugong ang mga bulungan.

"It's not true. Hindi kami nagli-live in. And yes, ang babae na nakita n'yo na kasama ko sa magazine ay girlfriend ko," nakangiting sagot niya.

Muling umugong ang bulong-bulungan sa paligid.

"She's a very private person and I hope everyone would respect her privacy. Ayoko pong pagpiyestahan siya ng madla nang dahil sa akin. I love her so much and I want to protect her. So please respect her and leave her alone."

"Pero ang sabi n'yo dati, lahat kayong mga miyembro ng banda ay single? So hindi pala totoo iyon? Sinabi n'yo lang ba iyon para lalong makuha ang atensiyon ng mga fans, lalo na ng kababaihan?" dagdag na tanong ng reporter.

Muli siyang tumingin kay Nelia. Seryoso na ang ekspresyon ng mukha nito. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa reporter. "We have been officially together for a short time. Kaya noong time na ipinahayag ko na wala akong girlfriend ay wala pa talaga akong girlfriend noon.

"So, hindi totoong live-in kayo? How about the pictures?

"I was just visiting her that time and I think it's, it's pretty normal to visit at her house because she's my girlfriend," buong tapang na sagot niya.

"She's a very lucky girl. And I can see that you really love her. Pero hindi ka ba natatakot na baka makaapekto ito sa career mo? tanong ng isang babaeng reporter.

"I've been thinking about that, actually, but I don't want to deny her and hurt her so I've decided to let the people know that I am actually very proud to have her as my girl."

Muling umugong ang bulungan.

"It's very brave of you to admit that, Borj. And I know everyone here understands you. We can see that you're very much in love."

"Mayroon ka bang mensahe sa mga fans mo na siguradong nagulat sa naging rebelasyon mo?" tanong naman ng isang bading na reporter.

"Well, to my fans and supporters, I hope you will still continue to support me and my band. Be happy for me because I'm definitely happy and I want to share this happiness with all of you."

Love you, Like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon