Chapter 4: His Love

150 4 0
                                    

JANE'S POV

Palabas na sana ako ng school nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at binasa ang text mula kay Sofi.

[Uy 'bes, akyat ka sa rooftop may ipapakita ako sayo. Dalian mo ha!]

"Sige paakyat na po."

Paghakbang ko sa hagdan ay may nakita akong 3rd year student na may hawak na pulang Rosas.

Inabot nya iyon sakin.

Takang-taka ko itong kinuha at tinignan ang tag nito.

Letter "W"?!. Ano?!.

Sumunod ay si Annie Garcia na 3rd year student din at letter "I" naman ang binigay nya.

Sumunod ang letter L-L-Y-O-U-B-E-M-Y-P-R-O-M-D-A-T.

At ang sumunod na nagbigay ng pulang Rosas ay si ay si Sofi. Inabot nya sa akin ang isang Pulang Rosas na may tag na letter "E".

Will you be my prom date.. walang Question Mark?.

Sinabayan nya akong umakyat ng hagdan paderetso ng rooftop.

Pagdating ko doon ay nakita ko sila Gab sa ibabaw ng stage kung saan nakapwesto ang nga drums. At mukhang alam ko na ang mangyayari.

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na...

Alam ko dapat nagagalit ako dahil hindi nya ako sinunod, nanigarilyo na sya nakipagbugbugan pa sya!.

Pero di ko na talaga sya kayang tiisin. Unti-unti akong napangiti at namula.

Napaluha din ako nang di ko namalayan. Sobra-sobra ang kilig at sayang nararamdaman ko kumpara nung kumanta sya sa ktv bar nung birthday ni Luke.

Mahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala
Sorry na...

Pagkatapos niyang kumanta ay bumaba siya ng stage at kinuha ang kulay pink na Teddy bear. Ngayon ko lang napansin ang question mark sa t-shirt nya. Nasa kanya pala yung question mark.

Iniabot nya sa'kin ang teddy bear.

"Sorry na.." sabi niya.

"Okay na yun.. Ang OA. naman ng surprise mo."

Nabigla ako nang lumuhod siya.

Kailangan ba yun sa mga surprise?.

A Bet with Miss NaiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon