Chapter 8: Bye

99 4 0
                                    

JANE'S POV

"Bru yung tawagan namin, dahil february niya ko sinago––––––"

"Wait!, I'll just take this call.." paalam ko atsaka lumayo.

"Hello?."

[Anak, nasan ka na ba?. Diba may appointment tayo ngayon kay Dr. Reyes?... Magkita na lang tayo sa ospital.]

"Ahh... opo, ma. Papunta na po ako... ok, bye."

Naglakad ako pabalik kay Gab at nagsalita.

"Gab, sorry. May inutos sakin si mama. Alis na'ko ha?... okay lang ba?

"Okay lang... hatid na kita." alok niya.

"Di na... Magtataxi na lang ako." sagot ko atsaka naglakad paalis.

"Bru!... ingat ka." rinig kong sigaw niya.

Buti na lang at nakatalikod ako nang dire-diretsong bumagsak ang mga luha ko kasabay ng unti-unting pagsakit ng dibdib ko.

Sinubukan kong pigilan ang pagluha ko, pero kahit na anong pagpipigil ang gawin ko, wala paring naitulong.

Wala akong nagawa kun'di ang umiyak at tumakbo palayo.

"Sa St. Matthew Medical Hospitap po, manong." sabi ko mang makasakay ako ng taxi.

Patuloy parin ang pagluha ko habang hinahabol ang bawat hangin na pumapalibot saakin.

Gusto kong bumalik at yakapin siya, pero alam kong hindi pwede. 'Di niya pwedeng mapansin na apektado ako sa mga sinabi niya.

***

Pagkadating ko sa ospital ay patuloy pa rin ang pagsakit ng dibdib ko Hanggang sa 'di ko na nakayanan at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nang magising ako, ay bigla na lang tumayo si mommy at daddy sa kinauupuan nila at walang tigil nila akong tinatanong kung ano na ba'ng nararamdaman ko.

*knock

"Come in.." sabi ni Mom.

"Hi, good afternoon." bati ni Dr. Reyes.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.." sabi ni Dr. Reyes habang nakatingin kay dad.

"Your daughter's health is getting worse... May irerecommend akong ospital sa America. Higit na mahusay ang mga doktor doon para sa sakit ni Jane." diretsong sabi ng doktor.

"Okay, we'll book our flight... Kung pwede, bukas na natin gawin." masayang sabi ni dad.

GAB'S POV

Panibagong araw nanaman ang nagsimula at ang plano ko sa araw na to, ay dalhin si Jane sa mga lugar na importante at memorable para saamin.

Habang naglalakad kami sa hallway ng school ay patuloy lang ang katahimikan sa paligid. Kanina pa niya ko hindi pinapansin. Sana naman naintindihan niya yung sense nung sinabi ko kahapon bago siya umalis.

"Naintindihan ko na yung sinabi mo kahapon. Ako si bru, ako yung babaeng mahal mo, ako yung babaeng sinusubukan mong makilala ka ulit." biglang sabi niya.

Binalewala ko iyon at nagsimula nang ipaalala kay Jane lahat.

Nandito kami ngayon sa event area ng school. Pinaayos ko to gaya ng design nung prom, para kahit kaunti ay maging pamilyar sa paningin niya iyon.

"Bakit may mga design?. May event ba dito?." tanong niya habang naglalakad sa paligid.

"Wala... pinaayos ko lahat ng to, gaya ng design nung prom."

"Wow ang effort." sabi naman niya.

"Ahhm... yung stage... tara... dito." sabi ko atsaka siya dinala sa stage.

"Dito ka nakatayo nun ta's bigla kitang hinila palabas ng lugar na 'to.." kwento ko.

"Dun naman tayo sa gitna nag-slow dance nung prom. Nakwento mo rin sakin na first dance mo yun." turo ko sa gitna ng kwarto.

"Saan mo naman ako susunod na dadalhin?." tanong ko.

"Sa Batangas naman.." sagot ko.

"Ha?!... Teka, batangas?!." gulat niyang tanong.

"Oo... Nakausap ko na si Luke, may mga magagandang moments din kasi tayo dun. Sabi ko nga ayusin kagaya ng dati yung kwartong ginamit mo."

"Lahat?, ba't kailangan mo pa silang abalahin?." tanong niya.

"Lahat!, walang palalampasin kahit mga bedshee––––––"

"Di ka ba napapagod?." biglang tanong niya.

"Napapagod saan?." kunot noo kong tanong.

"Dito... sa ginagawa mo... sobra-sobra yung effort mo para ikwento sakin lahat ng alaala natin." sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya gamit at dalawa kong kamay.

Tinignan ko siya sa mata.

"Walang lugar sa'kin ang pagod. Hindi ako pwedeng mapagod hangga't hindi bumabalik ang alaala mo. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako naaalala. Hindi ako pwedeng manghina hangga't di ko naibabalik ang mga ngiti mo." diretso kong sabi.

Inalis niya ang kamay ko sa mukha niya at lumayo sa akin.

"Gab, ako napapagod na... napapagod na 'kong alalahanin ang lahat. Iniisip ko kung nangyari ba talaga yung mga kinukwento mo sa'kin o niloloko mo lang din ako 'gaya ni James."

"Sorry kung napapagod ka nang makinig. Sorry kung napapagod ka nang alalahanin ang lahat. Sorry, dahil saakin napagpustahan ka, naaksidente ka at nakalimutan mo lahat ng mahahalagang tao sa buhay mo. Sorry dahil nangyari lahat ng yun sayo." sabi ko.

"We should end this, wala na rin namang sense to eh.. Paano ko mamahalin ang isang taong hindi ko na kilala?!. Araw-araw mo ipapaalala saakin yan hanggang sa mapagod ka?!." tanong niya sa akin.

"Hindi ko na kayang ipagpatuloy yung pagmamahal ko sayo.. Hindi ko na matandaan kung paano kita minahal noon." sabi niya pa.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo natatandaan kung gaano mo ako kamahal.. Hindi mo alam kung gaano ako kahalaga sayo." sabi ko habang hawak ang kamay niya.

"Maalala ko man o hindi, gusto ko parin na tapusin to dahil ayoko nang maalala ang lahat ng masasakit na nangyari sa nakaraan.."

".. Sayo na rin naggaling, pinagpustahan niyo 'ko, sa tingin mo kung wala akong amnesia at naaalala ko lahat ng nangyari, makikipagbalikan ba 'ko ulit sa'yo?!." galit niyang sabi atsaka bumitaw sa kamay ko.

Umalis siya at iniwan akong mag-isa.

Pakiramdam ko natalo ako.

Iniwan ako ni Jane?. 'Di siya ganun.

Para akong naghahabol ng hininga. Sobra akong nasasaktan. Yung sa sobrang sakit, naging manhid ako at wala nang mailabas na luha.

A Bet with Miss NaiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon