Chapter 7: Throwback

89 5 0
                                    

GAB'S POV

Di ko maintindihan kung ano ba'ng ginagawa ni James ngayon.

Di ko alam kung ano ba'ng plano niya.

Di ko rin alam kung para saan ba 'to.

Wala akong maisip na dahilan.

Sobra-sobra ang galit na nararamdaman ko ngayon. Sa sobrang pagbulusok ng galit ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Diretso lang akong naglakad papasok sa main door ng bahay ni James.

Mula sa posisyon ko ay tanaw ko ang seryosong pag-uusap ni James at Luke sa garden.

"Bat kailangan mong sabihin yun sa kanya?!." sigaw ko kay James matapos kong hilahin ang kwelyo ng damit niya.

inalis niya ang kamay ko sa damit niya atsaka nagsalita.

"Ano bang sinasabi mo?."

"Bakit sinabi mo kay Jane na ikaw ang boyfriend niya?!.. Bakit kailangan mo siyang lokohin?!." sigaw ko.

Lumapit sa akin si Luke at khinawakan ang magkabilang braso ko para pigilan ako.

"She became mine first!.. Second year pa lang tayo, nauna na ako sayo!. Matagal ko na siyang diniskartehan!."

"But she's mine now!.."

Pumiglas ako kay Luke at hinila ang kwelyo ng damit ni James.

"Sabihin mo ang totoo sa kanya!."

Itinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig.

"Just shut up and deal with it!."

***

"Anong plano mo?." tanong sa akin ni Luke.

Nandito kami ngayon sa isang café.

"Kailangan ko siyang mabawi... ipapaalala ko sakanya lahat."

"Kailangan mo ng tulong?." tanong niya.

"Siguro, pero hindi pa sa ngayon." sagot ko.

Umuwi ako at tinawagan ang telepono sa bahay ni Jane.

Sinabihan ko siya na magkita kami bukas dahil may mahalaga akong sasabihin.

Tsaka ako nagsimulang planuhin ang lahat ng balak kong gawin bukas.

Pero wala akong maisip!. Kaya tinawagan ko nalang si Luke

[Hello?. Pre?. Ano yun?.]

"Wala akong maisip na gagawin ko bukas."

[Diba ang plano mo, ipapaalala mo sa kanya lahat ng moments niyo?.]

"Oo, pero pa'no?."

[Just be true to her. Gawin mo lahat ng 'yan na parang isang simpleng kwentuhan lang. Pero 'wag mong bigyan ng pabor ang sarili mo. Sabihin mo rin sa kanya yung tungkol sa pustahan.]

"Sige, salamat."

[Bye.]

"Bye."

Tama siya. Just be true to her. Yun lang.

Inilapag ko ang cellphone ko sa side table ng higaan ko at nagsimula na'ng magpahinga. Sigurado akong mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari bukas.

***

Pagkagising ko ay nag-ayos ako ng sarili ko at sinundo na si Jane para sa plano ko sa araw na to.

Andito kami ngayon sa isang park na may malawak na damuhan. Iku kwento ko lahat mula sa simula.

"Para san ba to?." tanong niya.

"Okay, ganto... may ikukwento ako sayo. Makinig ka lang."

"Transferee si bru sa St. John Academy nung 1st year highschool siya. Niligawan ko siya nung fourth year tayo. Siguro kalagitnaan yun ng schoolyear. Hatid-sundo, date, masaya lang. Bago niya ako sagutin ay nagbigay pa muna siya saakin ng mga kaunting request. Ayusin ang pagaaral ko, maging gentleman at magkaroon ng respeto sa mga babae, tigilan na ang paninigarilyo at pag-inom ko ng alak, itigil na ang pakikipag-away, maging tapat sakanya at maging legal kami sa parents niya."

"Demanding pala yung girl.." reaksyon niya.
"May mga natulong naman sakin yung mga yun. Kaya ayos lang... Pinakilala niya na 'ko sa parents niya."

"Then, sinagot niya ako. Mga ilang araw bago mag-prom."

"At nung prom, naging date ko siya. Naging prom queen pa nga siya eh. Pero hindi ako yung king niya."

"Awww... ang sad naman... Eh ano namang reaksyon mo dun?." tanong niya.

"Medyo nalungkot ako, syempre. Kaya habang pinipicturan sila nung king niya, umakyat ako ng stage at tumakbo kasama siya palabas ng event area."

"Sino nga pala yung naging prom king?." tanong niya.

"Yung kaibigan ko, si James."

"Yung James na boyfriend ko?." tanong niya.

Tinignan ko siya atsaka ngumiti.

Maaalala mo rin ako.. Maaalala mo rin kung sino ako sayo.

"Sobrang gwapo niya siguro nung gabing yun." nakangiti niyang sabi.

"Pagkaalis namin sa event area, pumunta kami sa rooftop ng school.. At dun bigla na lang dumating yung isa sa mga nakaaway namin ng mga kaibigan ko. Sinubukan nila akong bawian. At dahil isa sa mga hiniling sa akin ni Bru na wag akong makikipag away, hindi ako lumaban."

"Grabe, pinanindigan mo talaga yung hiniling ni Bru.."

"Then after graduation, nagkaroon kami ng bakasyon sa Batangas. Graduation gift yun kay Luke ng parents niya.." tuloy ko sa kwento.

"At dun nya nalaman na pinagpustahan lang namin siya."

"Anong klaseng pustahan?."

"Pag naligawan ko siya, naging kami at nahalikan ko siya, bibigyan ako ng pera ng mga kaibigan ko. Nagalit siya at naaksidente.. Medyo napalakas yung tulak ko sa kanya habang pinipigilan ko siyang suntok suntokin ako. Kaya, natumba siya at tumama ang ulo niya sa isang bato, na naging dahilan para makalimutan niya ang mga ala-ala niya."

"Parang ako pala yun...may amnesia. Ano nang sunod na nangyare?." tanong niya.

"Nung nagising si Bru, nagpanggap yung kaibigan ko na siya yung boyfriend ni Bru. Kaya sinugod ko siya sa bahay niya. Dun niya inamin na matagal na siyang may gusto kay bru." sabi ko.

"Anong next?." usisa niya.

"Tapos na.. Actually, hanggang dun palang kasi yung mga nangyayari." paliwanag ko.

"Really?." natatawa niyang sabi.

Tumango tango lang ako.

"Bakit nga pala bru yung tawag mo sa kanya?." tanong niya.

"Bru yung tawagan namin, dahil february niya ko sinago––––––"

"Sandali lang, I'll just take this call.." paalam niya atsaka tumayo at naglakad palayo.

"Hello?.. Ahh... opo, ma. Papunta na po ako... ok, bye." rinig kong sabi niya.

Matapos nun ay naglakad siya pabalik sa akin.

"Gab, sorry. May inutos sakin si mama. Alis na'ko ha?... okay lang ba?."

"Okay lang... hatid na kita." alok ko.

"Di na...Magta taxi na lang ako."

Tumango lang ako at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Gusto ko pa sana siyang makasama, pero lahat natatapos.

Lahat may ending.

"Bru!... ingat ka." sigaw ko bago pa man siya makaalis.

A Bet with Miss NaiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon