LT 25🍉

720 22 5
                                    




" Bukas naman pala kuya "



Dali dali akong itinulak ni Mika at nag ayos sya ng damit tumayo at sinalubong si Kuya Perry at Miko

" Bakit kuya ?"


" kakain na daw kasi tulog na pala agad kayo " sabi naman ni Kuya Perry " hindi ko naman alam na madaling makatulog si Ara"

" Ahh Oo kuya pagod kasi pero gigisingin ko na lang si Vic susunod na kami " sabi ni Mika " Love ?"


Nagtulog tulugan ako kunware . Nakakabitin naman kasi talaga ! Andun na eh tapos hay

" Love " yugyog nya sakin " wag ka ng magtampo mamaya na lang ako babawi "


Sinabi na din nya yon kaso di naman nya natutupad kasi laging nakakatulog na lang sya or ako


" Promise After natin sa Baba maglilinis tayo ng sabay " she knows me hahaha ! Munulat ako at nginitian sya

" Tara na " sabi ko at hinila sya patayo

" ang bilis ah ? Hahaha !" Pangangantyaw nya sakin hindi ko na lang pinansin ayoko muna magsungit ngayon kasi Miss na miss ko na din sya . Hahaha ! Bakit pa ako mag iinarte diba ?




" oh ayan na pala ang dalawa " sabi ni Kuya Perry ngumiti naman sya samin at napalingon si Tito at Tita samin nag bless ako sakanila at si Mika naman ay yumakap .


" Kamusta naman kayong dalawa ?" Tanong ni Governor sakin

" Ayos naman po , medyo busy lang sa Company at maglalabas po ng bagong sapatos " sabi ko anman sakanila

" wow ate Ara sana mabigyan din ako ng sapatos mo " sabi ni Miko

" Ako din ate Ara !" Excited naman na sabi ni Mikole

" oo naman walang problema "




Natapos ang dinner namin at nagaya si Kuya Perry na uminom kahit beer wala naman nagawa si Mika at ako na din kasi hindi talaga kami pwedeng tumanggi kay kuya Perry kasi isa  siya talaga ang tumulong sakin para makapagpaalam ako ng ayos sa Daddy at Mommy nila maging nung naging kami ni Mika sya ang una kong sinabihan sakanya din ako humingi ng pahintulot na ligawan ko si Mika .



" Love Akyat lang ako tapos mag shower na din " sabi ni Mika sakin at iniwan ako dito sa garden nila at saktong dating ni Kuya Perry may dalang whiskey


" Yow Ara " sabi ni Kuya " Hindi makikijoin si Mika ?"

" Hindi po ata hindi na sya nag stay eh " sabi ko at tumango naman sya " Kuya Perry Thank you talaga sa lahat simula nung una "

" Ano ka ba wala yun at saka alam ko naman na mahal mo ang kapatid ko diba ? Napatunayan mo yun sakin samin nila mama " sabi nya " basta Ara hanggat maaari mahalin mo si Mika kasi ikaw ang una nyang boyfriend or girlfriend let's just say partner . Ayoko din ikaw ang unang wawasak ng puso nya "

I was threatened but I am confident enough that I will never do that










Nakakailang baso na kami at nag iinit. A ang pakiramdam ko hindi naman na bumalik si Mika baka nasa kwarto lang ito ng mga kapatid nya .



"Sige na Ara matulog ka na hahaha salamat sa oras mo " sabi ni Kuya Perry ng maihatid ko sya sa kwarto nya naglakad naman ako sa kabilang dulo ng bahay at andun ang kwarto ni Mika


Nang makapasok ako ay wala naman si Mika don sa kama kaya nilock ko na lang ang pinto ng kwarto namin double lock hahaha ! Just making sure . 😂✌🏼




Lifetime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon