Ara's POV :
It was Tuesday Morning at pansin na pansin ko ang pagkatamlay ng kasama ko . Ni hindi sya nakikipag barahan sakin . Nasa byahe kami papunta sa Factory at bibisitahin namin ang Operation simula kahapon .
" Bad Mood ?" Tanong ko sakanya saglit akong nagtapon ng tingin sa kanya pero nakatingin lang sya sa labas " Gusto mo bang mag off muna ?"
" Ha ?" Napatingin sya sakin " Hindi , okay lang ako "
" Sure ka ba ?" Nagdrive lang ako " kahapon ka pa kasing matamlay may LQ ba kayo ng boyfriend mo ?"
" hindi wala " so meron nga ? Hahaha tanga naman ni Ara " Ayos lang ako don't mind me "
Nakarating naman kami sa Factory agad naman syang lumabas ng Kotse at hindj na ako inintay dala nya ang isang notebook at pen . Tahimik lang syang nagmamasid .
" Good Morning Miss Ara , Miss Mika " bati samin ng Guard at bumati din ako sakanya si Mika ay ngumiti lang . Kakapanibago , usually kasi napaka jolly nyang bumati . Pumasok na kami papunta sa production Area at nakita ko si Kim na iniintindi ang bawat station .
" Bru !" Tawag ko sakanya at lumapit kami " kamusta naman dito ?"
" Ayun okay naman kasi nasira yung isang machine papunta pa lamg yung maggawa . " sabi nito tumingin naman sya kay Mika na naglalakad papunta sa ibang station " kamusta sya sa Trabaho ?"
" Okay naman kaso nga lang , ang tamlay nya kahapon pa usually kasi pag inaasar ko sya binabara mya ako kahit pag asa byahe kami papunta dito hindi sya nawawalan ng kwento . Kahit sa office lagi ko silang natirinig ni Majoy nakakagulat lang ang pagbabago sakanya . " paliwanag ko hianwakan naman ni Kim ang balikat lo " Tinanong ko sya kung bakit or kung may problema sabi nya Okay lang naman daw sya "
" Bru , may pinagdadaanan yan icomfort mo na lang din " sabi nya " dahan dahan din Bru baka mamaya hindi na gusto yan ah "
" baliw ka ba ?" Sabi ko " hindi naman siguro .
FLASHBACK
Well Since College kasi nakikita ko na sya with the Twins . Kaso hindi lang talaga kami pjnagtatagpo . Hahaha malas ko diba ? She's like a star that will shine . Crush ko sya to be exact kinukulit ko nga ang kambal kung anong FB Twitter and Ig sabi nila wala daw hindi daw mahilig sa social media . I don't have ways na magkaron ng communication sakanya . I FEEL so sad that time . Bahay at School lang talaga sya hindi naman nagkwkwento ang kambal about her pero para kasi syang nakaka amaze . Minsan naiimagine ki na ang personality nya .
" Huy Bru tulungan mo naman ako " sabi ko kay Kim " Gusto ko talagang makilala yung kaibigan ng kambal eh . Yung si Mika ?"
" Nakoo Bru wag na yon mahihirapan tayo don " sabi nito at may pagkamot sa ulo " ultimo nga kaming mga kaibigan nya ay limit lang sa time pag kasama sya sobrang higpit ng parents nya eh "
Nalungkot ako don . One Time papunta akong training at sa di sinasadya ay nabangga ko sya .
" Hala sorry Miss " sabi ko sakanya inoffer ko ang kamay ko para tulungan syang makatayo tiningnan nya lang naman ito
" It's okay I can Manage " sabi nya " Sorry din nagmamadali ako a"
Saka sya umalis , hindi man lang ako nakapagpakilala sakanya
Hindi ko alam kung anong meron sakin at sobrang attracted ako sa kanya . Bale nakit ko lang sya sa pictures ng kambal and yung smile ? Hays she captured me . Hanggang sa natapos ang uaap season na champion kami tapos nakagraduate . Ang sad lang kasi nung graduation nila nasa Pampanga ako imbes na maco congrats ko sya eh hindi .