M I K A 's POV" Mika Let's talk " aba ang kapal naman pala talaga ng mukha neto !
"Wow ? Kapal ng mukha mo . Look Ara wala kang karapatan humingi ng sorry at patawad . iniwan mo ako sa ere , nagpapakapagod ako dito sa kompanya mo at ikaw anong ginagawa mo ? Nagpapakasasa ka da babae mo ! " nag cross arm ako pipilitin kong hindi umiyak sa harapan ng gagong toh ! Bwiset sya ! " sige mag usap tayo , "
Umupo ako sa chair na nasa gilid ng table nya at sya naman ay umupo sa harapan ko , tang ina ang sakit talaga ! Bakit parang wala lang sakanya ! Bakit parang okay lang ang nangyare ?!
Sinubukan nyang hawakan ang kamay ko pero nagpumiglas ako kailangan kong maging matapang para sa sarili ko .
" Anong paguusapan natin Ara ? " at nagtaas ako ng kilay sakanya " Kung pano mo ako niloko ? Kung paano mo ako ginago ?!"
Sinampal ko sya , hindi ko na mapigilan ang sarili ko sobrang sakit na ! Hindi ko kayang hayaan na lang ang lahat ng ito . Mas gugustuhin ko na lang mawala ako kesa sa ganito
"tang ina Ara ! Hindi ko maisip kung pano mo toh ginawa sakin ! Anong ginawa ko !? Saan ako nagkulang sayo ! Sabihin mo nga !!!" Sigae ko sa kanya umiiyak lang ako sa harapan nya at nakatingin lang sya sakin " Napakagago mo kung alam mo lang napakatanga mo !"
Tama na itigil na toh ! Pagod na ako .
Tumayo na ako para makaalis na dito napatigil ako ng magsalita sya" patawadin mo ako Mika "
Sana ganun kadali Ara sana ganun lang kadali ang patawadin yung nagawa mo .
Humarap ako sakanya at nagtanong
" MAHAL MO PA DIN BA AKO ? AKO PA DIN BA ARA?!"
Hindi sya sumagot tuluyan na akong lumabas ng Office nya at nakita ko naman si Majoy yumakap ako sakanya
" joy ikaw na lang ang bahala " at saka ako nagpaalam sakanya lumabas na ako ng Office ng department namin at bitbit ang gamit ko .
Hindi man lang nya ako hinabol .
Tama nga ako ,HINDI NA AKO ANG MAHAL NYA
SANA NARAMDAMAN KO NA YUN
SANA INUNAHAN KO NA LANG SYA .
Nakasakay na ako sa kotse ko at iyak pa din ako ng iyak . Tang ina ang sakit sakit!!!
Sinampal sampal ko ang sarili ko ! Napakatanga ko para hindi ko maramdaman na hindi na ako ang mahal nya ! Na hindi na ako ang gusto nyang kasama . Sya ba ang VIP ? Sya ba yung laging kasama nya.
Nagdrive na ako kung saan ako abutin hindi ko na alam kung anong gagawin ko wala naman talaga akong maapplayan
" BF"
Next thing I know andito ako sa harap ng Building nila Jessy at umiiyak pa din .
" anong nangyare sayo ? Bakit ganyan ang itsur mo ?" Sunod sunod nyang tanong sakin wala akong ginawa kundi ang lumabas ng kotse ko at yakapin sya
" BF she cheated " at lalo akong umiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ...
Nag undertime na si Jessy sa work para lang masamahan ako . Nagpunta kami sa isang Bar along España para daw malapit ang uuwian namin hindi na ako tumanggi don .