6 months later ..." Sure ka na ba talaga sa desisyon mo ?" Tanong sakin ni Kuya " nakausap ko na si Mama at Papa tungkol dito ang sabi walang problema but sayang kasi yung naipundar mo "
" Kuya , gusto ko lang talaga na magsimula na lang ulit sa maliit . Hindi ko na din mahahandle kasi nga you know I have priorities muna in my life ." Sabi ko sakanila " 3 months ago kinausap ko na lahat ng employees ko at okay lang sila kaya mo naman yun kuya ikaw pa "
" oo nga baka lang kasi hindi na pumatok gaya ng sayo "
" maniwala ka kuya it will be the best even if nagbago na ng Boss I just want to enjoy first at saka gusto kong magbukas ng restaurant as my dream diba ? "
" fine but promise me sa sunod nating pagkikita ay okay ka na at may ipapakilala ka na samin nila Mama "
Hahaha ! How I wish ? Ni hindi ko nga alam kung asan yon eh . Hindi ko man lang nakikita 😢
" I'll go ahead may lakad pa ako bukas kuya " sabi ko sakanya
Well itinurn over ko na sakanya ang Shoe Company ng Family ko hindi ko na kaya kasi may mga bago akong plano sa buhay . Gusto ko na din mag settled kung tutuusin . Kaso nga lang walang jowa . Hahaha !
Nakarating ako sa bahay ko sa Manila na Gabi na , nakita ko naman si Manang na naghahanda na ng Pagkain .
" GOOD EVENING ARA " bati ni Manang sakin at nag nod na ako " Nakahain na ako kumain ka na tatapusin ko lang yung gawain ko don sa likod "
" Sige po "
Umupo naman ako at napatingin sa palingid ko
May masarap na pagkain
May malaking at magandang bahay
Pero wala naman kasama sa buhay .Nakakalungkot kasi wala man lang akong makasama , ultimo siguro sa Pasko wala akong kasama . 😕 Uuwe din naman ako sa Pampanga this Weekend at dun na lang siguro ako mag papasko . Ilang araw na din eh .
" Manang ?" Tawag ko sakanya " uuwe po ba kayo ?"
" Oo sana Ara yun sana ang ipapaalam ko sayo " sabi nito kinuha ko naman ang white envelope mula sa bag ko at saka iniabot ito
" sige po Manang bukas po ng umaga umuwe na po kayo muna sa Probinsya wala na din po akong trabaho " sabi ko " yan po yung Bonus at sahod niyo Manang i enjoy niyo po ang bakasyon til Next Year asa Pampanga naman po ako "
Humiga na ako para magpahinga alas Otso na ng gabi masyado pang maaga para sakin . Ayoko naman pumunta kina Kim at manggulo don at saka maiinggit lang ako wala din naman si Camille busy yon sa Lovelife niya . Hehehe so I have no choice talaga. Magstay na lang sa bahay
Kinabukasan ay maaga akong gumising at ihahatid ko si Manang sa Terminal .
" mag iingat kayo manang "
" ikaw din Ara Oo nga pala may dumating na sulat kahapon para sayo hindi ko naulit iniwan ko lang sa Table mo sa office sa bahay . "Sabi ni Manang sakin at saka siya bumaba ng Kotse nandun yung anak niya na nagtratrabaho sa factory at kumaway lang ako sakanila . Umalis din anamn ako agad
9 am na at hindi pa din ako kumakain kaya naman nag decide ako na magbreakfast na lang sa Jollibee .
Habang kumakain ako ay madami na ding tao kaya hindi na ako nagulat ng may umupo sa Tapat ko hindi ko na lang Pinansin . Nakayuko lang siya at nakahood patapos na din naman ako kaya wapakels .