5

0 0 0
                                    

Ave

Nung nag kwentuhan kame ni helvetica kanina tungkol kay wayne ay akala ko talaga ay okay na ako. Pero hindi pa rin pala talaga masakit pa rin saakin hindi ko maintindihan kung bakit sumisiksik sa utak ko yung mga bagay-bagay tungkol sakanya.

"Anong oras tayo uuwi ?" Tanong ni nick saakin habang naka hawak sa beywang ni helvetica na naka upo sa tabi nya at kausap sila annie and barbie.

"Its up to you"

"Uwi na tayo maya-maya mag a alas singko na din naman, mag papakabit pala ako ng brace sayo ate kasama ko yung kaibigan ko" sagot nya saakin.

"Dalawa kayong kakabitan ko?"

"Oo"

"Tatawagan ko muna si ate maria mo para matulungan ako"

"Sige ikaw bahala ate"

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sabay pumunta sa contact at hinanap ang pangalan ng kaibigan kong si maria. Well kambal yung tawagan namin dahil mag kahawig daw kami sabi ng iba kaya pinanindigan na namin.

"Hello"

(Hello! Bakit kambaaaaaal?)

"Punta ka sa bahay ngayon antayin kita dun papatulong ako mag papakabit daw ng DIY braces tong si nick at yung kaibigan nya. Alam mo naman mga kabataan"

(Osige basta hatid nyoko pag katapos)

"Sige para namang hindi hinahatid e pag napupunta dito"

(Naninigurado lang, osige na seeyou later)

"Seeyou"

Bumalik nako sa upuan ko at saktong nag ayaan na silang mag si uwian dahil oras naman na din daw.

Lumabas na kami ng sabay-sabay sa CnF tsaka nag abang ng jeep na sasakyan nila helvetica.

"Ate ave thankyou sa araw na to napagaan mo loob namin" sabi ni barbie saakin na ikinangiti ko.

"Walang anuman yun basta kayo, andito lang ako palagi ha" niyakap ko na silang tatlo at namaalam na si nick kay helvetica ng sumakay na sila ng jeep.

"Tara na" aya ko sakanya ng maka layo na ang jeep na sinasakyan nila helvetica. Tumawid kame dahil sa kabila kame sasakay pero maling pag kakataon ata ang pag tawid namin dahil isang lalake ang biglang nahagip ng mga mata ko.

"Ate okay ka lang?" Tanong ni nick na ikina buhos ng luha ko. Wala akong pake kung ano man ang sabihin ng ibang taong makaka kita saakin pero masakit lang talaga sa loob ko dahil angkas nya sa motor yung babaeng wala na daw sa mundo nya.

" i saw them" hinagilap ko ang daan kung san sila patungo at dun lang narealize ni nick ang sinabi ko kaya agad nyakong hinagkan at hinaplos ang ulo ko.

"Tahan na wag mong iyakan ang isang taong sinayang ang taong dapat nyang pinahalagahan" hindi ko na pinahaba ang iyak ko at tumahan na din.

"Alam ko, masakit lang dahil akala ko sya na talaga pero hindi pala ako ang gusto nyang maka sama sa dulo"

"Mag-sisisi din yan lalo na mabilis lang ang karma ate"

"Tama ka pero kahit na ganun pinag dadasal ko na wag syang bawian nang sobrang lake nang karma" Mag sasalita pa sana sya ng may dumating ng jeep kaya sumakay na kaming pareho.

**

Pag ka rating namin sa bahay nadatnan na namin si maria na nasa kusina ng bahay namin at ayun kumakain na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Little lies Where stories live. Discover now