1

16 1 0
                                    

Ave

Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko na agaran kong sinagot habang naka pikit pa yung mga mata ko dahil sa antok.

"Hello? Nasan kana?" Napa tingin ako sa orasan ng cellphone ko dahil sa boses na narinig ko. Pasado alasyete na shit late nako sa school.

"Eto na babangon na tol"

"Late na tayo tol bilisan mo hihintayin kita sa harap ng school sabay tayong pumasok"

"Oo sige eto na" i end call the call tsaka nako bumangon sa higaan.

Napatingin ako sa kabilang kama kung saan natutulog si lolo. Yes iisang kwarto lang kame pero mag kaibang kama dapat talaga kasi dalawang kwarto itong taas namin pero hindi na napa ayos kaya hindi na binigyan pansin.

"Lo gising na oras na" minulat nya yung mga mata nya tsaka tinignan yung orasan sa relo nya.

"Mag ayus kana" bumaba na ako tsaka dumeretso sa banyo. Hinubad lahat ng damit ko tsaka binuksan ang shower.

Hinayaan kong tumulo ang tubig na nag mumula sa ulo ko pababa sa buong katawan ko kasabay ng pag tulo ng mga luha ko. Kagabi pako ganito hindi pa rin tumitigil kung hindi ako makakatulog. Totoo pala yun yung nararamdaman mo talaga yung kirot sa puso mo dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman mo.

"Ave apo ang tagal mo!" Nahimasmasan ako dahil sa tawag ni lolo. Tumagal na pala ako dito pero hindi ko man napansin.

"Eto na po patapos na" Tinapos ko na ang ligo ko tsaka nag suot ng uniform ko. Pag labas ko ng banyo ay bumungad si lolo na kumukuha ng damit nya para sa pag ligo.

"Kumain kana dun sa kusina"

Hindi nako kumibo sa sinabi nya tsaka lumabas nako at  kinuha ang mga gamit ko pang eskwelahan tsaka pumunta ng kusina para kumain.


Habang kumakain iniisip ko na naman sya. Fuck it bakit palagi ka na lang sumisiksik bigla sa isip ko! I still cant accept the reality na ganun kadali sakanyang sayangin lahat ng pag sasama namin. Kung sabagay ano nga bang laban ko sa tatlong taon nyang niligawan kesa sa akin na mabilis nya lang nakuha. Ang tanga mo ave.

*kriiiing*

Napa tingin ako sa cellphone ko kung san lumitaw ang pangalan ni anjo sa caller. Sya yung nakaka sama ko simula nung nag umpisa na yung klase kumbaga bestfriend ko sa school tong hinayupak na tibong to. Yes! Tibo as in tombooooy kaya wag na mag tanong ha.

"Hello nasan ka na ba??"

"Eto na nag aalmusal lang bawal ba kumain?"

"Late na tayo ave papunta nako sa school" napa tingin ako sa likuran ko kung san andun si lolo na ayus na ayus na kaya tinapos ko na ang pagkain ko tsaka sinuot ang sapatos para umalis na.

"Eto na. Kita na lang tayo sa school" end call ko na yung tawag tsaka nilagay sa bulsa ko yung cellphone sabay sarado ng mga pinto at deretso na sa motor kung san si lolo ang nag drive.

Ganito na yung routine namin araw-araw. Pag uwi ko pa nyan ay mag lilinis ako ng bahay, mag sasaing at papakainin ang isa nya pang apo na si georgi yung manok nya. Mas mahal nya pa yun kesa saming totoong mga apo.

Hindi nako naka tira sa mga magulang ko dahil tinupad ko lang ang sinasabi ko noon sa lola ko na patay na ngayon. Hindi ko iiwan ang bahay mo kahit anong mangyari kaya naman kahit nag hiwalay na't lahat-lahat ang magulang ko at pinapili ako ay wala akong sinamahan sakanilang dalawa dahil alam kong hindi ako masaya sa pagitan ng sino man sakanila.



Nakarating na kame ng school at binaba nako sa pinaka gate ni lolo nasulyapan ko si anjo sa gilid kaya sinenyasan ko syang sandali lang.


"Umuwi ka ng maaga" ana ni lolo.

"Umuuwi na naman ako ng maaga, para namang may iba pa akong pupuntahan" sagot ko sakanya para makampante ito.

"Wag mokong lokohin. Yung ex mong tukmol inuuwi ka na lang nun ay oras na minsan ay aalis ka pa ng gabi para sakanya." Naisnab ako sa sinabi nya tsaka na lang nag lakad palayo sakanya.


Ay nako hindi sila maka move on ha parang sila talaga nag jowa dun. Sabagay ako nga hindi din maka move on e

"Alam mo paniguradong bubungangaan na naman tayo ni mam nito" Yan ang bungad ni anjo saakin pag lapit ko sakanya.

"Hindi ka pa ba sanay tol? Ilang taon na tayong nag aaral tas parang bago pa rin sayo yan" sagot ko sakanya.

"Ay ewan bahala ka nga."

"Dalawa naman tayong bubungangaan kaya okay lang yan"

Inisnaban nya lang ako tsaka na kame pumasok ng gate. Natural na lakad lang ang ginagawa namin na para bang walang na l-late saamin pero sa looban namin kabado na kame.

Habang nag lalakad kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko tsaka nag basa ng messages.

Helvetica:
She did it again ate :)

Fuck it! I know that emoji verywell. I swear to god they doesn't understand my cousin so much saakin nag lalabas ng hinanakit ang mga ito dahil alam nilang maiintindihan ko sila.

Me:
What did she do?

Helvetica:
She slap me this time but its okay haha.

Me:
Wag moko lokohin dyan sa its okay mo. Kilala ko na yan hindi na bago sakin yan.

Helvetica:
Ang hirap maging perfect daughter..

Me:
You don't need to be perfect, you have ur own flaws na dapat nilang tanggapin. Kung ano man yung nagawa mo kaya ka nya nasaktan hayaan mo lang i know it's hurt pero wala pa tayong magagawa, we cant fight them so easily mahihirapan lang tayo lalo.

Helvetica:
I know po but atleast im telling you my pain. Mas masakit pag wala akong masabihan

Me:
U know ate love u so much. Ganun din kila beauty at lyanna.

Helvetica:
We love you more ate pa hug ako later pupunta kame sainyo.

Me:
No worries :*

Hindi na sya nag reply pa na saktong kadating namin sa room at laking pasasalamat namin dahil wala yung adviser namin. Naupo na lang kame ni anjo sa pwesto namin tsaka na lang nanahimik.

Well sa classroom namin imbis na ma feel mo yung happiness mas na feel mo yung sadness dahil alam mong ni isa sakanila walang may pake. That's how the life will go on.

You can only save yourself.

Little lies Where stories live. Discover now