Pumunta si Chanyeol sa grocery na posibleng puntahan ni Baek. 9 pa lang ng umaga at walang masyadong store na nagbubukas ng maaga.
Nakita niya si Baek na may kausap na babae. Papasok sana si Baek sa kotse ng babae pero hinila na siya agad ni Yeol.
“Yeol?” gulat na saad ni Baek. “Ako nga. I’m here.” Sabi ni Yeol at inilayo si Baek sa babae.
Hindi na sila nagsalita pareho. Dinala ni Yeol si Baek sa grocery at namili sila. Inabot kasi ng 1 oras ang paghahanap ni Yeol kay Baek kaya nagbukas na ang mga grocery.
“Ito lang ba?” Tanong ni Yeol habang nakapila sila sa cashier. Tumango si Baek, “Nakakahiya naman na.”
Umiling si Yeol, “Baek, if there’s anything you want, just tell me. I’ll buy it for you.”
“Kahit itong grocery store?” Pagbibiro ni Baek. “Oo.” Sagot ni Yeol. “Anything for my love.” Dagdag pa niya.
“345.75 po sir.” Sabi ng babae kay Yeol. Iniabot naman ni Yeol ang isang blue bill niya. “Pero sir wala pa po kaming panukli.”
Umiling si Yeol, “Don’t worry. Keep the change.”
Sabay na umalis ang dalawa sa grocery. Napapaisip naman si Baek kung deserve niya ang isang taong gaya ni Yeol.
BINABASA MO ANG
24/7 [Completed]
Short Story"You'll always be the one for me." "Promise?" "I promise." "24/7?" "24/7" Date started: November 13, 2019 Date ended: December 11, 2019