27 || Narration

39 0 0
                                    

Baekhyun’s POV

“So ikaw pala si Jaehyun.” Salubong ko pagkapasok ni Jaehyun sa kotse ni Yeol. Nandito ako sa shot gun seat kasi gusto daw ni Yeol na magkatabi kami.

“Opo.” Sagot naman siya. Inilahad ko ang kamay ko nang may ngiti, “Nice to meet you Jaehyun.”

Tinanggap niya naman ‘yon, “Nice too meet you din po.”

Sakto namang sumakay na si Taeyong pagkabitaw naming dalawa ni Jaehyun. Medyo awkward lang kasi parang nag-away silang mag-asawa.

"Tara na?" Tanong ni Yeol at tumingin sa likod. Tumango naman 'yung dalawa.

Pinaandar na ni Yeol ang kotse niya at itinuturo naman sa kanya ng Waze ang daan. Ayaw naman naming istorbohin ang dalawa sa likod.

"Nandito na tayo." Sabi ni Yeol nang maipark na niya ang kotse. Napatingin naman ako sa likod kasi bigla na lang bumukas ang pinto at bigla na lang bumaba si Jaehyun.

"J-Jae!" Tawag sa kanya ni Taeyong. "S-sorry po." Bulong ni Taeyong sa amin at bumaba na din.

Nagulat naman ako nang bumukas 'yung pinto sa side ko. Si Yeol ang sumalubong sa akin. "Tara na babe?" Tanong niya tapos inalalayan akong bumaba.

Naglalakad kami papasok sa building nang makita namin si Taeyong na yakap si Jaehyun mula sa likod.

"Sorry na Jae... I didn't have sex with him... Yes, I'm with him yesterday kasi.."

"I don't need to hear your explanations Taeyong."

Lalapit sana ako sa kanila para kausapin niya pero hinawakan ni Yeol ang bewang ko.

"Go get a room." Napakunot naman ang noo ko sa nagsalita.

Teka... Familiar siya.

24/7 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon