Baekhyun's POV
"What's with the sudden reunion?" Tanong ni Luhan pagkapasok niya sa apartment ko. Nagkibit balikat naman ako, "Wala lang."
"Spaghetti is ready." Anunsyo ni Kyungsoo na nasa kusina.
"He's here?" Gulat na tanong ni Luhan. Tumango naman ako kaya dumiretso siya sa kusina.
Sakto namang dumating na si Dae at Tao. "Pahirap ka sa buhay." Reklamo ni Dae sa akin na hindi ko pinansin.
"Tao pili ka ng movie doon sa may sala." Sabi ko at tumango naman siya tapos sumunod.
Isinara ko na ang pinto at bigla namang may sumigaw sa labas, "Patulong po!"
Pagkabukas ko ng pinto, si Myeon ang sumalubong sa akin. May hawak siyang cake sa kanang kamay at milk tea naman sa kaliwa.
Agad kong kinuha ang cake at pinapasok siya. Dumiretso kami sa kusina. Inilapag ko ang cake sa counter at nginitian si Luhan at Kyungsoo.
"Ano 'to reunion ng mga buntis?" Tanong ni Myeon at inilapag ang milktea sa tabi ng cake.
"Tanga baka buntis kami." Dinig kong sigaw ni Jongdae mula sa sala.
"Hindi din naman ako buntis." Sabi ni Myeon.
"Musta na si... Anong pangalan no'n?" Tanong ko.
"Xiaomyeon. Ayos naman siya."
"Maliit din anak niyo." Sabi ni Zitao at pumasok sa kusina.
"Mas maganda ipapangalan ko sa anak ko." Pagmamayabang ni Kyungsoo.
"Kyungin gano'n?" Natatawang tanong ni Jongdae at kinuha ang milktea niya.
"Jisoo." Tipid na sagot ni Kyungsoo. Maganda naman. Unisex naman ang name na 'yon.
"Ikaw Luhan?" Tanong ni Myeon.
"Hindi pa namin napag-uusapan ni Sehun."
"Ikaw Baek?" Tanong ni Kyungsoo.
"Baekhee or Chanhyun."
BINABASA MO ANG
24/7 [Completed]
Short Story"You'll always be the one for me." "Promise?" "I promise." "24/7?" "24/7" Date started: November 13, 2019 Date ended: December 11, 2019