Popay's POV
"Popay!! Gumising ka na dyan at magtatanghali na!". Sigaw nang nanay ko. Ke aga-aga ang ingay ang ingay na nga ng mga kapit-bahay ang ingay rin talaga nang nanay mo. Inggit na naman siguro si mama sa mga kapit-bahay nako naman
Nagtakip na lang ako ng unan sa aking mukha para naman kahit paano mabawasan ang ingay na naririnig ko kasalukuyan pa kasi ako sa kwarto hanggang ngayon, nakakatamad kayang pumasok ang aga-aga pa tulog pa yung manok ng kapit bahay namin Pero yung mga kapit bahay ang iingay. 'kala mo may fiesta tinalo pa yung manok nila na hindi pa tumitilaok.
"Popay! Tatayo ka dyan o bubuhusan kita nang kumukulong tubig?!" pagbabanta pa ni mama "Pag ako nakarating dyan popay! Sinasabi ko sayo!". Nabalikwas na talaga ako nang bangon sa higaan.
Alam ko kasi ang mga banta ni mama. Siguradong mayayari na talaga ako kapag 'di pa ako nagtino lalo na kapag nakarating sya sa kwarto ko.
"Anong oras na ba? At madaling madali si mama?" pupungas pungas pa ako 'saka tinignan ang cellphone kong nakapatong sa gilid ng kama.
"5:30 pa lang grabe makasigaw si mader, hays excited masyado tsk!" kaya naman nag-unat ako sandali atsaka ginawa ang mga dapat kong gawin.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na ako nang kwarto, naabutan ko si mama sa lamesa na kumakain ng pandesal na sinasawsaw nya sa mainit na kape. Ansarap naman ng almusal ko ngayon.
"Popay ito na ang kape habang mainit pa at kumain ka na" Sabi ni mama habang sumasawsaw nang tinapay sa kape "bilisan mo na rin ang kilos at baka malate ka pa".
Tumango na lang ako kay mama sabay uminom sa kape na tinimpla nya. " 'Ma sigurado ka ba na dun ako mag aaral?" Kinakabahang tanong ko kay mama.
Sabi kasi nila mama 'nun na matalino daw ako at pwedeng makapasok sa pangmayaman na university. Pwede akong pumasa sa university scholarship program nila pero limited lang ang scholarship na binibigay nila at kapag nahuli ako sa pagtake nang exam. Siguradong wala ka nang habol pa.
Bukod dun ang university kasi na 'yun ay isa sa mga magaganda ang standards ng pagturo. Kaya kapag nalaman nang ibang kumpanya o nang pag 't-trabahuan mo na dun ka nag aral 'nung college. Siguradong tanggap ka agad.
"Oo naman 'nak, akala ko ba 'dun mo gustong mag aral? Bakit ngayon parang aatras ka na ata?". Nanghihinayang na tanong sakin ni mama.
"Pero kasi 'ma" Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi dapat ako panghinaan nang loob!, ito ang pangarap ko at ang pangarap ng mama ko. Kaya kailangan kong galingan para naman maka alis na kami sa kinalulugaran namin.
"May problema ka ba 'nak?" nag-aalalang tanong sakin ni mama "kung ayaw mo na tumuloy ayos lang naman sa amin ng tatay mo. Hindi ka rin naman namin pipilitin kung talagang di mo kaya." Nginitian ako ni mama na parang ayos lang sa kanya kahit di ako mag-aral kahit ang totoo gusto nya talaga akong makapagtapos.
"Wala 'ma tutuloy po ako ngayon, kaya nga papasok na po ako" Nakangiti kong tugon kay mama. Ngiti na 'di umaabot hanggang sa mata.
" 'o sige basta galingan mo 'huh? Para naman maging maginhawa na rin ang buhay natin kahit papaano". dagdag pa ni mama "bilisan na ang kilos mo Popay wag kang pa V.I.P 'dun ok? Sige na"
"V.I.P talaga 'ma?" natatawang sagot ko sa kanya "Medyo pa important lang ako 'no".
Sabay lang kami tumayo ni mama sa lamesa. "Oo na basta bilisan mo na. Pa important ka pa". Ngumiti na lang sakin si mama sabay lagay nya nang mga baso sa lababo para hugasan.
"Opo" magalang kong sagot sa kanya.
Kinuha ko na ang bag ko at 'saka nag sapatos para pumasok na rin sa university. Kailangan ko na rin talagang bilisan ang kilos para makahabol ako sa ibibigay nilang slots ngayon na University Scholarship Program.
"Bye 'ma! Uuna na po ako" Nakangiti akong humalik sa pisngi ni mama 'saka umalis.
" 'O sige mag ingat ka 'huh!" narinig kong sigaw pa ni mama. Tumango na lang ako habang naglalakad.
Lakad-takbo na ang ginawa ko makasakay lang sa jeep nang mabilis. Dahil baka malate pa ako at hindi makahabol sa limited scholarship nila.
Hindi rin nagtagal at nakasakay na rin ako. Nang makarating ako sa University na papasukan 'ko, nagtanong na agad ako sa guard kung saan ako pwedeng mag take nang scholarship program nila. Nung una parang ayaw pa nyang sabihin sa'kin ang sama ng tingin sa'kin 'kala mo naman may gagawin akong 'di maganda pero tinuro naman din 'nya sa'kin kung saan. Akala mo naman kanya yung university na 'toh.
Nagpasalamat na lang ako kahit 'di bukal sa kalooban ko na sabihin yun sa kanya. Nakakabwisit talaga yung guard ng school 'kala mo naman kanya pag aari 'to. Sunugin ko yung university na 'to tignan natin. Tandaan nya may-ari lang sya pero hindi sya ang may ari ng university.
Natawa na lang ako sa pinag iisip ko. Nako Popay medyo landi ka rin talaga.
"Are you here to take the scholarship?" tanong sa'kin nang isang teacher na nag babantay sa tapat ng isang room.
Di ko namalayan nakarating na pala ako sa tinuro ni kuyang guard na room kaya naman ito ako at tinatanong na. Ikaw kasi Popay kung ano ano pinag-iisip.
"Yes ma'am" Napatango-tango kong sagot sa kanya. Kahit deep inside kinakabahan na nang bongga ang lola nyo. Bigla kasi akong kinabahan. Kung ano ano kasi pumasok sa isip ko na what if's.
Halimbawa na lang 'what if di ako nakatae ngayon? Matatae kaya ako kapag nag exam?' charot lang! Pero walang halong biro, what if di ako nakatae ngayon bago pumasok?.
Medyo nawala lang ang kaba na nararamdama 'ko at nagising na lang ako muli sa katotohanan ng magsalita si ma'am na kaharap ko nakalimutan kong magkausap pala kami he he.
"Ok". Sagot nya sakin sabay bukas nya ng pintong na sa likod nya. "Here" inabot nya sakin ang dalawang piraso ng papel.
Kinuha ko naman ito "Ano pong gagawin ko rito?". Nagtatakhang tanong ko sa kanya.
"What do you think?" masungit nyang sagot sa'kin. Menopause na siguro 'to.
"Ahh he he he dito po ako kakain" pilosopong sagot ko sa kanya. Kainis kasi nagtatanong nang maayos. Parang tanga sumagot. Magalang naman talaga ako. Minsan lang din talaga may topak.
Kahit teacher 'to papatulan ko 'to joke!. Bwisitin ko lang siguro he he he. Bwisit rin naman sya.
Tinitigan nya lang ako na parang isa ako walang kwentang bagay. Na para akong isang tae na nagsasalita. At hindi yun kamangha-mangha para sa kanya.
Siguro kung ako man ang makakita nang taeng nagsasalita baka matuwa pa ako at bumilib sa taong nakatae ng marunong magsalita. Natawa na lang ako sa pinag-iisip ko 'saka tumingin sa kaharap ko.
Ganun pa rin ang reaksyon nya napalunok na lang ako ng sariling laway, Pahiya tayo konti. Tsk! Malamang popay! Kaya nga binigay sayo yan para dyan ka magsagot.
"Salamat po" nakayukong pasasalamat ko sa kanya. Kahit na pinahiya ko lang ang sarili ko sa harap nya. Attitude kasi Popay! Nako!. Uma-attitude.
Pag pasok ko sa room kung alin ang unang upuan ang nakita ko 'dun agad ako umupo at 'saka nag-umpisa nang mag sagot.
Kailangan kong galingan dito! Para naman makapasa ako. At kapag nangyari yun, makaka-graduate ako rito pagkatapos maiaangat ko na rin ang buhay namin. Tama! Ganun nga dapat.
"Kaya mo yan popay!" bulong ko sa sarili. Para naman lumakas ang loob ko kahit paano. Kahit na korni ang joke ko kanina kay ma'am menopause yun na ang tawag ko sa kanya simula ngayon. 'Di sya tumawa sa joke ko kaya bahala sya dyan.
Wag na nga lang isipin yun stress na ang lola n'yo.
BINABASA MO ANG
My Skuwater Girl
HumorSa isang komunidad may mga tao talaga na pinagpala sa lahat nang bagay. Sa panlabas na kaanyuan, Sa pag-ibig, Sa estado nang buhay, Sa mga kaibigan at kung ano-ano pa. Yung isang kumpas lang ng iyong kamay nandyan na agad ang gusto mo. Isang salita...