MSG: 3

3 0 0
                                    

Popay's POV.

Nandito na ako ngayon sa tapat nang University kung saan ako papasok. Dahil sadyang pasukan na ngayon at ang aga-aga ko. Wala pa akong uniform kaya naman naka civilian lang ako. Black T-shirt at black leggings feeling emo ako ngayon dahil ang aga-aga ako ginising ni Mama.

After 2 months kong bakasyon nandito na ako ngayon sa college life. Hays. Nakakaloka naman. Stress na ako nito pero sana naman wag maging stress ang taon ko dito.

"Ano? Tutunganga ka na lang dyan?" masungit na tanong sakin ni kuyang guard. 'kala mo naman kanya 'tong school. Di ko na lang sya pinansin at 'saka pumasok na sa loob nang university pero hindi nakalagpas sakin yung pasimple nyang pag-irap sakin. Aba naman! Tinarayan ako? Paking tape ka kuyang guard.

Syempre lintik lang ang walang ganti. Kaya naman humarap ako sa kanya saka nagkamot sa ilong ko na kunyari makati habang naka bad finger sa kanya. 'saka ko sinabi sa kanya na 'pak yu ka' ng walang sound at nakangiti pa. Mukhang nakuha naman nya ang sinabi ko at ginagawa ko. Tinalikuran ko na lang sya agad 'saka tumakbo paalis baka mamaya sugurin pa ako 'nun. Laking tae este tao pa naman nya.

Alam kong nakakalayo na ako kay kuyang guard kaya naman hinanap ko na yung headmaster's office para naman malaman ko na kung saan ang room ko at kung ano-ano ang nga units ko.

Medyo mahirap hanapin ang headmaster's office dahil nakapakalaki kasi nang school na 'to. Mas malaki pa sa dati kong school. Walang wala pa nga ang dati kong school dito sa totoo lang.

Hindi rin nagtagal at nahanap ko na ang office ni headmaster. Mabait naman sya sa'kin kaya naman mabait rin ako sa kanya. Nang ibigay nya sakin ang room number ko at schedule ko nagpasalamat na agad ako 'saka umalis. Di na kasi ako nagtagal 'dun dahil baka malate pa ako sa first class ko.

Sinabi nya sa'kin na sa susunod pang tatlong araw makukuha ang uniform namin. Tutal scholar naman daw ako nang school kaya hindi ko na daw kailangan pang problemahin ang bayad sa uniform ko. Magkaiba daw kasi ang uniform nang scholar sa mga hindi. Kaya pala wala pa akong uniform pero yung ibang mga estudyante dito karamihan nakauniform na.

Bukod pa doon ay may allowance pa akong matatanggap mula sa school every month. Pero matatanggap ko lang ito kapag nakita nila na ang grades ko ay flat 1.

Sa ngayon pala sa uniform lang muna ako walang problema patutunayan ko pa pala talagang mabuti kung karapat-dapat ako sa allowance nila kung kaya naman dapat kong paghusayan 'to. Kaya mo yan Popay!.

Nang makalabas ako ng office ni headmaster ay agad ko ng hinanap kung saan ang room ko. Nakakaligaw naman dito. Napakaraming estudyante ang pakalat-kalat at lahat sila mga nakauniform na. Kung kaya naman ako ay agaw pansin sa kanila.

Ako lang kasi ang naka all black na estudyante dito na naglalakad. Na sa field na ako ngayon kaya naman mas lalo nila akong pinagtitinginan at pinagbubulungan. Tinignan ko naman ang damit ko. Ok naman at hindi baduy tignan. Palibhasa mga Rich kid kasi sila kaya may mga uniform na agad.

Naramdaman ko na lang na tumama ang ulo ko sa kung saan. Nakayuko kasi ako tinitignan ko lang naman kung ok ang damit ko pero mukhang may nabunggo ako na hindi inaasahan.

"Ouch! Watch where you going!".  Sigaw sa'kin nang kung sino kaya naman agad agad akong napatingin sa nabunggo ko 'saka mag sorry na para matapos na ang problema ko dito.

Umpisa pa lang nang araw ko problema agad hay nako popay di ka kasi nag iingat.

"So-" . Wow. Nakaka speechless ang ganda nya, sobrang ganda nya. Napaka-kinis nang balat at ang puti parang labanos na sabi ko na ba na sobrang ganda nya?.

Medyo ma alon ang buhok nya na color brown. Kahit naka kunot ang noo nya dahil sa nabunggo ko ang balikat nya. Ang ganda pa rin talaga nya hinding-hindi ako mag sasawa na sabihan s'ya na maganda.

Para s'yang dyosa na masasabi kong totoo at hindi lang basta sabi sabi.

"What?" Mataray nyang tanong sakin na nagpagising sa diwa ko. Masyado kasi akong nalutang sa pag iisip ang ang ganda nya.

Ok Popay tama na ang pag puri sa kanya masyado na s'yang puring-puri kahit na bagay sa kanyang puriin. Ang ganda kasi ok last na talaga mga beh.

"Sorry po ulit" sagot ko na lang sa kanya sabay yuko. Pero di ko mapigilan ang sarili ko na tignan ulit sya dahil sa ganda nya. Bumagay sa kanya ang uniform na suot nya. Naka heels pa. Ang ganda nya nakapanliliit.

Parang saglit nakalimutan ko kung gaano ako katapang sa ganda ba naman nya kasi parang gugustuhin mo na lang na magpaalipin sa kanya.

"Tsk! Next time be careful! Argh!" naiirita nyang sabat sa'kin 'saka na ako tinalikuran paalis. Ako naman napatitig na lang sa perpekto nyang katawan kahit pala ang mga nakakasalubong sa kanya pinagtitinginan rin sya. Ang ganda ganda ba naman kasi nya.

Tama na yan Popay! Masyado ka nang nahumaling sa kagandahan nya kailangan mo nang pumasok at baka malate ka pa.

Nang maalala ko na may pasok pa ako 'saka na ako nagmadali para hanapin ang room ko.

Medyo nagtagal ako nang kaunti kakakahanap sa room number ko. Kasi naman napakalaki nang University na 'to mabuti na lang at nakita ko rin ang room ko.

Sa ngayon nandito na ako sa tapat nang room ko C-A1 ang name nang room ko. Mukhang ang ibig sabihin ay college ang C at ang 1 ay para sa mga first year. Kinakabahan na ako ngayon kaya napadasal ako agad na sana maging maayos ang takbo nang buhay ko sa unang araw nang pasukan.

Kumatok na ako nang tatlong beses 'saka pumasok sa loob nang room. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Parang nakikipag karera ang puso ko sa bilis nang pintig nito.

"Name?" Tanong sa'kin nang professor na sa harap ko. Halatang masungit.

"Sanchez po ma'am" Magalang kong sagot sa kanya. Kabado kasi ako kung kaya naman ang bait bait ko. Bukod dun pinagbubulungan ako nang mga stupidents dito. Akala mo naman sila lang ang mga tao dito sa room. Tsk! Makabulong tungkol sa'kin 'kala mo ang gaganda nila. Gaga lang sila walang ganda.

"What? Pardon?" Pag uulit nang professor na 'to sa'kin.

"Althea Samantha P. Sanchez po ma'am" Medyo nilakasan ko na rin ang boses ko. Para naman marinig nya ang sinabi ko.

"Oh! Alright you may take your seat" Sagot nya sa'kin habang nakatingin sa papel na hawak nya. Mukhang attendance sheet.

Nagpasalamat na lang ako sa kanya 'saka naghanap nang mauupuan. May nakita ako sa pangatlong row nang upuan. May isang babae kasi na kumakaway sakin para dun ako umupo sa tabi nya. Kaya naman nang makaupo ako.

"Hi!! Ako nga pala si Kimmy! Kimmy Anne Vasquez ang name ko! Kumusta ka?" Ngiting ngiti na pakilala sa'kin nang katabi ko. Mukhang madaldal sya at maingay pero approaching naman ang aura nya.

Ngumiti lang ako sa kanya 'saka nagpakilala "Ok lang naman. Ako si Althea Samantha Sanchez." mukhang ito ang di ko magiging kaaway ah. Pero sa totoo lang nahihiya ako sa kanya.

Ang ganda-ganda kasi n'ya bukod dun ang puti nya halatang anak mayaman yung alagang Belo lang ang peg nang kutis nya. Nakakahiyang hawakan nang magaspang kong kamay yung balat nya.

"Don't be shy! Okie? I'm a kind person so don't worry okie?" nakangiti n'yang sabi sakin. Halatang may accent pa ang pagkakasabi nya nang mga salita na yun. "I can speak tagalog naman but more on taglish ang sinasabi ko everytime I talk to my best friends". Halatang mayaman nga sya pero at least kahit anak mayaman sya 'di sya katulad ng ibang anak mayaman na napaka spoiled.

Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot ko. Nakakahiya kasi na makipag friends agad sa kanya kahit na medyo feeling close sya. Ayos lang kasi hindi naman nakakairita ang pagiging feeling close nya.

"Mabuti naman! From now on we're best friends! Okie?" Sabi nya sa'kin 'saka ako inakbayan na 'kala mo naman sobrang close namin.

"Ahm ok" Nakangiti kong sagot sa kanya sumagot na ako sa kanya baka isipin pa nya na ang sungit sungit ko kahit di naman talaga. Medyo matapang lang talaga.

"Yey!" natutuwa akong niyakap ni Kimmy na 'kala mo bata pero hindi naman talaga. Pero ang itsura ni Kimmy mukhang bata. Baby face kasi sya. Ilang taon na kaya s'ya?.

Mukhang ngayon na mag u-umpisa ang buhay kolehiyo ko. Pero sana naman maging maayos rin ang takbo nang araw na 'to. Mabait si Kimmy kaya sana pati ang tadhana ko rito maging mabait rin sa'kin. Hays. College life here I come.

My Skuwater GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon