MSG: 6

2 0 0
                                    

Popay's POV.

"So, Drex Kael Fobilla is the most handsome of them all. He's the best of all the best! Aside from that he's the smartest and the most loyal person you'll ever know!". Sabay turo n'ya sa lalaking masasabi kong gwapo nga.

Kasalukuyan na kaming nag uusap ni Kimmy about sa lalaking pinakamamahal nya. Nakaupo kami na malapit sa lamesa ng tatlong lalaking masasabi kong 'Famous', ganto ba talaga kapag mga rich kid? Tsk tsk masyadong mga agaw pansin.

"You know what Hea? Everyone knows na he got a girlfriend for once! But niloko lang sya nito. Because daw he's not pogi like nang hinahanap n'ya, that's why I'm so inis to that girl! How dare she to hurt my only loves?". Maarteng lintanya nitong kausap ko. Grabe seryoso yung ex ng lalaking 'to? Hindi pa ba sya gwapo sa lagay na yan?.

Para sa'kin kung tutuusin gwapo sya, tinalo pa nga n'ya ang mga artista sa totoo lang maputi kasi ito at matangkad bukod pa 'dun ang pangangatawan nito ay parang sa isang model, hindi nakakasawang tignan na parang sexy kung tutuusin. Nakaagaw lang naman sa aking pansin ay ang haba ng kanyang pilikmata tinalo pa ako sa pagiging bongga n'ya.

'Yung kanyang buhok naman ay may pagka hazel brown pag natatamaan ng sinag ng araw medyo may kahabaan ito at masasabi kong may style hindi ko lang masabi kung ano dahil wala ako masyadong alam sa style nang mga buhok lalo na kapag sa mga lalaki bukod pa 'dun wala akong paki sa kanya

Ang tangos ng ilong na parang masasabi kong parang hintuturo dahil sa haba echos lang, napaka pointed lang kasi nito bukod pa 'dun mapula ang kanyang manipis na labi.

Mahahalata rin na alagang belo dahil hindi ko makitaan nang kahit anong pimple marks kahit nga ata black heads o white heads wala s'ya.

"Grabe, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi mo".

"Yeah! Don't worry Hea I feel you! I dunno kung ano pang hinahanap nung girl. She's so tanga!"

Tumango na lang ako bilang sang-ayon sa sinabi n'ya sakin, kasi totoo naman tanga yung ex nung Kael dahil hindi nakikita ng babaeng yun ang halaga nang iniwan n'ya para lang sa gwapo. Nakakastress talaga kapag hindi ka makuntento sa isang bagay.

"I know right! Anyways next is Blue Spade Hemmington". Tumigil muna s'ya saglit para kunyaring mangisay sa maarteng paraan. In short parang diring diri sya kapag nababanggit ang pangalan nito. "The most nakakairita of all time! He's the most papansin of them all. He's not loyal and he's a babaero, in short he's a jerk!"

Napangiti na lang ako at napailing sa inaasta nya na parang ayaw na ayaw nya rito.

"I'll share a secret Hea, I trust you naman so it's ok na i share ko this." tumingin muna s'ya nang masama sa lalaking nagngangalang Spade. "He stole my first kiss when we're still a junior. And I really do hate him because of that! He's so gross and nakakasuka! Eeww!"

Natawa na lang ako sa sinabi n'ya kung kaya naman ay napatingin ako sa lalaking tinutukoy nito.

Sya yung masasabi kong crush ko kung sakali dahil sa cute itong ngumiti, parang pag ngumiti s'ya pati mata n'ya ngumingiti na rin.

Moreno ito pero hindi yun sapat na dahilan para mapag iwanan s'ya nang mga kaibigan n'ya dahil kung iisipin parang ang kulay n'ya ang nagpapagwapo sa kanya lalo.

May kalakihan nang kaunti ang kanyang katawan na masasabi kong halatang may abs pero hindi ko naman masasabing kadiri tignan parang ang hot pa nga n'ya kung tutuusin.

Mapaghahalataan din na alagang belo rin s'ya dahil sa ang kinis kinis n'ya, na parang hindi pa s'ya nagkatigyawat man lang mapapasabi na lang ako na sana all.

My Skuwater GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon