"Ang ganda pala nya."
"Totoo palang ngayon lang sya pumasok."
"Di sya mukang matalino. HAHA"
"Muka kaya syang flirt."
"I want to be like her."
"EX ko yan."
"kapal ng mukha mo pre."
"Liligawan ko yan."
"ANO?! Freshman ka lang. LUmayas ka nga."
Watdahek. kakapasok ko pa lang ganyan agad ang bungad?! Ugh -___- Yan pumasok sa isip ni TJ pag pasok pa lang nya ng school. Sya si Thea Joanna Calderon. Fourth year student ng St.Michael's. Maganda, sikat, mabait daw at matalino.
"Muka syang model hindi studyante."
"Diba bawal ang ganyang uniform?"
"Slut."
Sa simpleng salitang yun nagpanting ang tenga nya.. Slut?! She removed her sunglasses at hinarap lahat ng tao na nasa hallway at sinusundan sya ng tingin. At mukang nagulat naman sila.
"Hindi ba kayo tinuruan ang ng magulang nyo na bumulong?"Sabi nya with her cold voice and deadly stare.
Tahimik na nakayuko lang ang mga tao doon, mukang takot na takot sakanya.
"What? Di kayo maka-sagot? Kanina lang pinagbubulungan nyo ko, ay let me rephrase that. Kanina halos ipag sigawan nyo na ang comments nyo tungkol sakin tapos ngayon tameme kayo?"
Di sila sumagot. Walang nagtangkang sumagot. Subukan lang naman nilang sagutin ang isang TJ Calderon.
"Pssh. Pathetic people. Fuck off bitches." At tinalikuran na nya sila.
Badtrip na badtrip sya habang nglalakad sa hallway kaya kahit ang mga nakaka-kilala sakanya ay di sya pinanpansin. Muka syang papatay ng tao sa aura nya.
Tanghali na sya pumasok para di sya maka-attend ng morning assembly. Tapos ganito naman pala pagdating nya.
Bakit ba sya pinagtitinginan? Normal naman sya, Oo alam nyang maganda sya pero bakit ganun sila magsalita? Simply because she's wearing her typical uniform. Yeah, when she say typical, she's wearing her above the knee skirt and highheels na black. No biggie, she thought.
"Teeeeeejaaaaaay!" Halos mapa-talon sya ng dahil sa sigaw na yun. Bingi ba ko para sigawan? Naisip na lang nya.
"Ano ba bakla? hindi naman ako bingi!" Iritadong baling nya sa kaibigan nyang si Renee Nevalga. Isang bakla.
"Ano ba yan, kakapasok mo pa lang ang bitchy mo na smen." Sabi ni Naiana, Naiana Esquevel. ang bestfriend nya.
"Yeah, they're tama. You didn't make paramdam to us the whole vacation." At nagpout pa ang kaibigan nyang conyow na si Shana. Shana Marie Toleda.
"Pssh. Tigilan nyo nga ko, lagi naman akong bitchy what's new? Ikaw Rene---"
"Hey it's Ren-Ren." Pagsingit naman ng bakla nyang kaibigan.
"Whatever. As i was saying, kung makasigaw ka naman parang nasa kabilang bundok ako! At bes, sorry, d kpa ba sanay? At ikaw naman conyoww naririndi na ko sayo ha! Di ba nga umalis ako. Tssk" Tuloy tuloy nyang sabi at naglakad na papasok ng room nila.
Oo alam nya, dahil tinext skanya ng mga kaibigan nya yun kagabi pa.
"Oooh. Look who's back. St.Michael's Evil Queen. HAHAHA!"
Bungad sakanya ni Leah. Si Leah Babin na simula first year ay di nah sya tinigilan dahil lagi lang itong pangalawa saknaya. sa lahat ng bagay.
"Shut up Babin, baka di kita matantsa." Tipid nyang sagot pumunta na sa upuan nya. Oo alam nya dn kung san, salamat sa mga kaibigan nya at sa tita nya na may ari ng school. Pero syempre sila lang ng mga kaibigan nya ang may alam. Ang alam ng iba principal lang dati yung tita nya.
"Ang bitchy ng ating Evil Queen. HAHAHA!" Leah. Ganyan sya, ayaw nyang tigilan si TJ pero pag nagalit naman si TJ bumabaluktot din ang dila. Pathetic, naisip na lang nya.
Kesa makipagtalo, kinuha na lang nya ang iPhone at earphone nya, saka tumungo sa table nya. magsa-soundtrip na lang sya kesa patulan ang pathetic na si Babin. Tss.
"What the?!" naisigaw na lang nya sabay pag angat ng ulo nya. May bigla kasing humigit ng earphone sa tenga nya.
"Wala ka ata sa mood ha Calderon." Nakangising sabi sakanya ni Leah na nakatayo na sa gilid nya. Etong bitch na pala to ang humigit ng earphone nya.
"What do you want?" Walang ganang tanong nya kay Leah.
"Wow, kalmado ka. Ganyan ba ang epekto ng pagkikita nyo ng Papa mo?" sabay tawa pa nito ng malakas. That's it, napuno na talaga sya Nagtataka naman si TJ kung bakit wala pa masyadong tao sa room nila. Pero wala na syang paki-alam, napuno na ni Babin ang pasensya nya.
Dahan dahan syang tumayo at hinarap si Babin. Mas matangkad sya ng konti dito. Maliit lang naman sya, pero mas maliit si Babin sakanya. Eto na nga ba ang sinasabi nya, ang tapang tapang pero pag napuno na sya bigla naman titiklop. Halata naman sa mga mata ni leah na natatakot nah sya. Alam na alam nya kung anong kayang gawin ni Tj.
"Ha ha ha. Aatake ka na ba Evil Queen?" Ngs-stutter na sabi ni Leah at nagtatapang tapangan pa pero sa loob loob nya ay halos maihi na sya sa takot.
"You really don't know when to stop no?" Sa boses pa lang ni TJ talagang matatakot ka na. Kaya lalong nanginig ang tuhod ni Leah. Kita naman ni TJ sa peripheral vision nya na nasa may pinto ang mga kaibigan nya at halos lahat dn ng classmate nila ay nanunuod na at nagiintay ng gagawin nya.
Last year halos di naka-pasok ng one week si Leah ng sabunutan ito ni TJ. Kaya walang naglakas ng loob na awatin sila. Ang barkada naman ni TJ ay mga nakangisi nah. excited na nagaantay sa gagawin ng kaibigan.
_________________________________
3rd person's POV po ang gagamitin ko. Mehehe. Wala trip ko lang :3 Nahawa na ko kay Z. If you know her ;) Mas masarap kasi magsulat sa 3rd person. Parang sakop na lahat ng POV. So yun lang, nasabi ko lang. HAHAHA! Yung totoo di ko alam kung gaano kahaba to, kasi bigla ko lang to naisip tas yun, hehehe. kaya sorry guise, kung nabasa nyo yung iba kong story tamad akong mgtype. hahahah! Yun lang, support nyo ko, yun lang kelangan ko para sipagin ako :))))
Comment naman please? :))