• Chapter 1 •

25 2 0
                                    

                              Caisy

"My name is Caisy Lee Hilton, I'am a fresh graduate from Saint Nicholas University, I will be your English teacher this year."

I faked a smile at my students here in Villanueva University, As expected hindi sila bumati pabalik.

It's their first day of class, grade 10 na ang mga tinuturuan ko pero mga immature pa din sila, and yes sa kasamaang palad lowest sections ang napunta sakin porket kaka graduate ko palang daw.

"Any questions?" I asked.

A student at the back raised his hand, sa itsura nito mukha siyang nakikipagbugbugan dahil first day palang may pasa na agad sa mukha.

"Yes Mr. Alonzo?"

Isang ngiti na nakakairita ang lumabas sa labi niya.

"Are you still single?" nagulat ako sa klase ng tanong na binato nya sakin, pero di ko pinahalata. Laughter was filled inside the classroom.

Instead of being mad at him like what teachers usually do, I smiled devilish at him and said..

"Well, I'am."

Sa mga reactions nila halatang di nila gusto na di ako nagalit.

"Since its the first day of class I will be giving my time as your free time."

I smiled and turn my way to the door. Kasaradong kasarado ng pintuan agad akong napabuntong hininga.

First day palang pero mukhang mahihirapan nako magturo sa mga estudyante ko.

After 5 minutes na pagmumuni muni ko sa labas ng pintuan napag desisyonan kong pumunta sa facaulty room.

I opened the door, and as expected walang tao, malamang nagtuturo pa ang mg co-teachers ko.

I grabed my phone at nag social media na muna ko, siguro babalik nalang ako sa room pag malapit na ang dissmisal nila, 20 minutes nalang naman ang hihintayin ko bago lumipat sa kabilang section.

Hays naalala ko nanaman yung tanong nung bata kanina.

Oo single pa din ako, at the age 22 never pa kong nag ka boyfriend.

Meron pa ding isang lalaki na simula 3rd year highschool ako ay mahal ko na hanggang sa ngayon. Ngunit sa kasamaang palad may asawa at anak na sya.

Martyr na kung martyr pero mahal ko pa din siya. Napakasakit lang na kay Lea pa sya napunta, sa bestfriend ko...

Hindi ko namalayan na unti unti na palang pumapatak ang mga luha ko. Napagdesisyonan kong bumalik na sa classroom.

Kapasok ko palang parang may rambulan na nangyari sa loob, gulo gulong upuan at kanya kanyang mundo ang ginagawa ng mga studyante ko.

"Class dissmised." sabi ko at umalis na ng classroom patungo sa 2nd floor ng building na to para magpakilala ulit sa ibang section.

--

Hays anim na section ang pinasukan ko ngayong araw at lowest sections pa ang mga ito, nakakapagod din pala ngumiti ng peke.

Habang naglalakad ako pauwi para pumara ng jeep isang babae ang nakakuha bg atensyon ko.

Si Lea, ang bestfriend ko.

Nagkatitigan kami hanggang sa ako na mismo ang lumayo at naglakad. Halata sa mga mata niya na gusto niya kong makausap.

Hindi naka graduate si Lea dahil nabuntis ito noong 4th year highschool palang kami. Nabuntis sya ng pinaka mamahal kong si Clyde Villarel.

Mayaman ang pamilya ni Clyde ngunit tinakwil sya ng kanyang mga magulang ng malamang nakabuntis ito.

Pumara ako ng jeep at nagbayad. Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang isipin si Clyde at Lea. Kahit papano ay tinatablan pa din pala ang puso kong bato.

Mapait akong napangiti ng maalala ang isang memoryang pilit kong kinakalimutan.

-----

*flashback*

"Caisy Magusap tayo.." pakiusap ni Lea.

"Magusap?! Lea alam mong matagal ko ng gusto si Clyde!" galit na saad ko.

"Caisy hindi ko sinasadya....hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya..." hagulgol nito.

Unti unting pumatak ang mga luha ko habang tinitignan ang bestfriend ko. Buntis sya....at si Clyde ang ama.

"Lea pano mo nagawa sakin to... Pinagkatiwalaan kita."

"Caisy patawad.."

Tumalikod ako at direderetsong naglakad. Napakasakit na sarili mong kaibigan ang napiling ibigin ng taong mahal mo. Hindi kita mapapatawad Lea.

*end of flashback*

----

Lihim kong pinunasan ang mga luhang umagos saking mga mata.

Masama ba kong tao?

Sabi nila kailangan mo lang hintayin ang puso mong maghilom pero bakit?

Bakit hanggang ngayon ang sugat sa puso ko ay hindi pa din mawala wala.

--

Agad akong humiga sa kama pagdating ko sa apartment na tinitirhan ko.

Eto nanaman ako, magisang nakatulala sa bintana.

Hindi ako mahilig magbasa ng libro pero eto ako may hawak na libro.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang magbasa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbasa ng marinig ko ang cellphone ko.

Mommy calling...

Sinagot ko ang tawag ni mama.

"Hello mommy?"

"Anak, kamusta ka na dyan?"

"Okay lang naman po eto ma nakapasok na po ako sa eskwelahan na pinag aplayan ko nung isang araw.''

"Naku! Salamat naman natanggap ka! Kelan ka nga pala uuwi dito sa pampanga?"

Don ako natigilan, ayaw kong umuwi doon. Dahil bumabalik sakin ang mapait na nakaraan.

4th year highschool pa lamang ako namatay na ang pinaka idol kong tao sa mundo. Si kuya herbert. Ang kuya ko.

Unti unting pumatak muli ang aking mga luha. Letseng araw na to bat bako iyak ng iyak? *sigh*

"Hindi ko pa po alam ma."

Narinig kong bumuntong hininga si mama, alam kong alam nya na ayaw kong umuwi.

"Sige anak magiingat ka dyan ah."

Pinatay ko ang tawag at nahiga nalang sa sofa, sumasakit ang ulo ko sa kadramahang nangyayari sa buhay ko.

Kung mababalik ko lang sana ang nakaraan upang maitama ang nangyari noon....

--

Haiii guys! Nakuha ko yung mga names ng characters  kay wade hiltonnn hai ateeee kung mababasa mo man to!

So ayun sana guys na enjoy nyo yung 1st chapter!

Medj madrama HAHAHHAAH pero its not that deep as you think it is!

On to the next chapter love you all!

He's dying.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon