Dedicted to xMillktae
Caisy
Nanlalamig ako sa kaba, Hindi ko alam ang gagawin ko. But one thing's for sure. Natatakot ako.
Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari...What if humiling si Clyde?
Kinakabahan ako, nakatitig lamang ako sa matanda at nangungusap ang mga mata ko na wag nyang tuparin ang hiling ni clyde lalo na kung tungkol ito sa pag-big.
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko.
"O bunso, tulala ka dyan?" si kuya herbert pala.
Lumingon akong muli sa lugar kung nasan sila clyde at laking gulat ko ng wala na ang mga ito.
Nakaalis na ba sila? Pero bakit parang ang bilis naman ata or maybe I'm just imagining things?
"Hoy! Caisy! Okay ka lang?" alaladong tanong ni kuya.
"Okay lang ako kuya, medyo pagod lang siguro."
"Sige na pumasok ka na sa loob, ako na magwawalis dyan."
Sinunod ko ang sinabi ni kuya, umakyat ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko at nagisip.
Ngayon ko lang na realize na hindi dapat ako maging kampante. Maraming bagay ang gusto kong baguhin kaya hindi lang dapat ako mag chill chill.
Una, si Lea.
Siya ang bestfriend ko. Ipinakilala ko siya kay Clyde noong nag 4th year kami, at nabuntis ito noong college na kami. Hindi nya dapat makilala si Clyde.
Pangalawa, si Clyde.
Mahal na mahal ko si Clyde. Hindi pwedeng maglandas sila ni Lea. Dahil ito na ang huling pagkakataon upang makagawa ako ng paraan para saming dalawa.
At pangatlo, si kuya herbert......
Mamatay si kuya. Kelangan ko syang protektahan. Ayokong mawala muli ang pinaka mamahal kong kuya. Hindi ko kakayanin.
Unti unting tumulo ang mga luha ko. Masakit parin talagang isipin na namatay ang kuya ko. Kelangan ko syang protektahan, lalo na sa gabi ng pagkamatay niya.
--
*flashback*Halos himatayin na si mama dahil sa pag alala kay kuya. Gabi na at wala parin ito, kahit kaylan hindi pa ginabi ng gantong dis oras si kuya.
"Ma, kalma ka lang, darating din si kuya, siguro nag ka emergency lang." pagpapakalma ko kay mama.
Kahit na sa kaloob looban ko ay kinakabahan na din ako, pilit akong nag la lakas lakasan dahil hindi ko ugaling umiyak sa harapan ni mama.
12:30am
Nakatulog na si mama, at tanging ako nalang ang gising, hinihintay ko si kuya herbert.
Malakas ang kutob ko na mangyaring masama sakanya dahil hindi pa sya inabot ng ganto na hindi pa umuuwi.
4:29am
Pilit kong nilalabanan ang antok, nandito parin ako sa sala hinihintay si kuya. Halos maiyak nako dahil umaga na wala pa rin sya.
5:48am
Nagising ako sa hagulgol na narinig ko. Napatayo ako ng marinig kong umiiyak si mama.
"Ma! Anong nangyari?! Dumating na ba si kuya?" nag aalalang tanong ko kay mama.
"Anak..."
"Ang kuya herbert mo...wala na."
Hindi ako agad nakapagsalita.
Tila pinagsuklaban ako ng langit at lupa. Hindi ko inaakalang sa isang iglap mawawala na nga si kuya.
Kuya...
Kuya bakit mo ko agad iniwan?
"Base, sa r-report ng p-pulis natagpuan ang k-kapatid mong wala ng m-malay, b-binaril d-daw sya sakto sa p-puso."
Napahagulgol na lamang ako.
"SINO ANG PUMATAY KAY KUYA MA?! SINO?!"
At mas lalo akong nanghina ng malaman ang tao sa likod ng pagkamatay ni kuya.
Si papa.....
*end of flashback*
--
Hagulgol lang ako hagulgol dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
Oo si papa ang pumatay kay kuya.
Natigilan ako ng makitang pumasok sa loob ng kwarto ko si kuya. Nanlaki ang mga mata nito ng makitang umiiyak ako.
"SINONG NANG AWAY SAYO BUNSO?! IPAPA SALVAGE KO!!"
Umiling lang ako at pinunasan ang mga luha ko.
"Masakit lang ang puson ko kuya."
Napahalakhak naman si kuya sa palusot ko.
"AHHHAAHHAH bunso kaya pala ang drama mo! HAHAHHAAH"
Binato ko ng tsinelas si kuya at nagtatakbo ito palabas. Isip bata talaga.
Hay kuya kung alam mo lang na ikaw ang iniiyakan ko. Edi pina salvage mo sarili mo? Natawa ako sa naisip ko.
Tumayo na ako at kumuha ng twalya atsaka nag decide na maligo.
--
Pagkatapos gumawa ng ritual sa banyo joke, pagkatapos kong maligo bumaba ako sa kwarto ko at naghanap ng pagkain sa ref.
Eh sa gutom ako eh.
Agh walang pagkain dito.
Naghalungkat ako sa mga kabinet at tadahhhhh! May pancit cantonnnnn!
Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling ako magluto...
Ng pancit canton hehehehe
Gusto nyo bang malaman ang steps ng pagluto nito?
Una magpakulo ng tubig.
Pangalawa kunin ang noodles at ilagay sa mainit tubig.
Maghintay ng ilang minuto at tadahhhh may noodles ka na!
Pang apat kumuha ng plato, alangan namang kumuha ka chopping board e lalagyanan mo ng noodles kelangan mo.
Pang lima ilagay ang spices na kasama sa pack neto.
At charannnn may pancit cantonn kanaaaaaa!
At shempre ang pinakahuling step kainin ito, malamang.
Sarap na sarap ako sa pagkain ko ng nakarinig ako ng yapak ng paa, alangan namang kamay.
Pagharap ko sa taong yon natigilan ako.
Si papa.
--
So ayun hope you enjoy this chapter!
Sana may natutunan kayo sa pancit canton HAHAHAHHAA love u all!.❤
BINABASA MO ANG
He's dying.
Science FictionIt's a story about a girl who trusted cupid and his death games. She tries to save him....Would fate be on her side? Or the man she loves will die? -------- Ps: this is a taglish story :))