• Chapter 4 •

10 1 0
                                    

                                                                                                      Caisy

Halos hindi kona malunok ang pancit canton sa bibig ko.

Si papa, nandito si papa sa harapan ko. Ang taong matagal kong kinamuhian, ang taong pumatay kay kuya.

Ngumiti ito saakin, ngunit tinignan ko lamang sya. I just stared right into his eyes, if he can just understand my stare, he probably asked me why am I mad at him.

"Anak, magaling ka na, kamusta ka na?"

Hindi ako makasagot kay papa, sadyang hindi matatanggal ang galit na meron ako sakanya.

"Caisy?"

Bumuntong hininga ako at tinignan siya ng deretso sa mata.

"Okay lang ako, pa."

Naglakad ako palabas ng kusina at umakyat sa kwarto, nagbihis ako ng simpleng jeans at hoodie. Gagala nalang siguro ako.

Nagpaalam ako kay kuya at lumabas na.

Hays. Pano ko ba mapapatawad si papa?

Naglakad lakad ako sa subdivison namin, di ko alam kung san ako pupunta.

Habang naglalakad nakita ko ang park na madalas kong tambayan noon.

Umupo ako sa swing at tumingin sa kalangitan.

Ang ganda ng sky.

Parang ako.

"Hays sayang pancit canton, bwisit ."

"Pancit canton?"

"Oo Pancit canton dumating kasi s--WAHHHHHHH punyeta."

"Makamura naman to, di ka ba nag-gwapuhan sakin?" sabi sa ni Clyde

"Nakakagulat ka naman kas--"

.

.

.

wait a damn minute..

Hoy wth si CLYDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE 

"C-Clyde?" I asked

"Oh bat ka nauutal dyan? Caisy?"

omg how to die without dying. 

"Kilala mo ko?!" 

"Aray, ano ba, wag kang sumigaw, malamang kilala kita no, Crush kaya kita."

Namula ako gagi, sasabihin ko na sana na bet ko din sya kaso...

"HAHAHAHA grabe mukha mo epic." tawa neto "Bat naman ako magkakagusto sayo? HAHAHAHA nako caisy yuhoo tulog ka ba? kaklase mo kaya ako." 

kung mukha akong kamatis kanina siguro ngayon mansanas na. Hiyang hiya ako. Nako Caisy assumera ka talaga ng taon!

"Sorry naman lutang lang." tugon ko "Bat ka nga pala andito?" i asked.

Tumigil siya sa pagtawa at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero parang nalungkot sya bigla.

"Ah, tumakas ako eh."sabi nya.

"Ha tumakas? Saan? Hoy wag mong sabihing criminal ka." I joked

"Gago to, hindi ako criminal noh." awch gagozoned "Nabored lang ako sa bahay, may party kasi ng mga matatanda."

Wow! ngayon ko lang na realize na naka tuxedo ang baby ko.

"Ahh, ano ginagawa mo dito?" tanong ko

"Dami mo namang tanong."

aray baby naman, nanahimik nalang ako mukhang na annoyed sya sakin huhu

--

Kanina pa kami nmandito siguro mag d-dalawang oras na rin, ni isa samin walang kumikibo hanggang sa 

*stomach growls*

Nanlaki mata ko, huhu lupa lamunin mo nako. Bat sa daming oras na pwede magwala tiyan ko nbat ngayon pang katabi ko si baby huhu

"Pft..HAHAHAA.. Gutom ka?" tanong nya

yumuko lang ako habang nakanguso.

"Sayang nga naman ung pancit canton HAHAHAHAHAAH" aghh caisy naman kasi bat kaba lutang kanina. "Tara kain."

"Omg inaaya mo ba ko makipagdate sayo?" 

"Ha? Gago talaga." awch gagozoned (2) "Pero sige dahil dyan ka masaya tara date." sabay kindat neto

"Playboy ka ba? nag bibiro lang ako ea, tsaka ngayon palang tayo nagusap date agad? Gago ka din times 2." times 2 kasi dalawang beses na nya kong sinabihan ng gago.

natawa ito at tumayo habang pinapagpagan ang pantalon nya.

"Saya mo naman pala kasama  haha." Yieee ako happiness nya. "Tara na."

At shempre aarte pa ba ko? Chance ko na to. Tumayo ako at sumunod sakanya. 

"Saan tayo pupuntya?" tanong ko

"Sa motel." rAwR ang wild.

"Punyeta seryoso na kasi." kunwareng iritado kong sabi para kunware pabebe.

"Alam mo bang pangit ang nagmumura sa babae." aba talagang binaliktad ako

"Wow, so kinagwapo mo yung pagtawag mo ng gago sakin kanina?" 

"Hindi, matagal nakong gwapo." yabang mo naman, pasalamat ka lab kita kahit jinontis mo bestfriend ko.

di nako sumagot humangin bigla eh. Sinundan ko nalang siya hanggang sa napunta kami sa isang kotse. 

"Sakay." sabi niya, sungit ah.

Sasakay na sana ko sa likod..."Dito sa harap, hindi mo ko driver." aba na ka mens ba to? bat naging masungit bigla, ang ayos naman neto kanina. 

Umandar na ang kotse at dahil super tahimik pinindot ko ung radyo sa kotse nya kasi feeling close ako.

"Ano gusto mo kainin?" tanong niya

"Ikaw." nabigla ata biglang prineno sasakyan nauntog pa nga ko. "Hoy dahan-dahan naman bwisit."

"Caisy ang bastos naman kasi ng bunganga mo." 

"Ano bang bastos sa sinabi ko? Tinanong mo ko kung ano gusto kainin, edi ko din alam kaya tinanong kita kung ano gusto mo." HAHAHAH baka ikaw bastos baby, ano ano kasi iniisip mo.

Nagprocess ata sinabi ko sakanya, kaya biglang namula.

"Hoy teka nga ano bang akala mong sinabi ko?" nang aasar kong tanong.

umiling lang toh at kalaunan ay lumiko sa isang mcdo drive thru. 

"One piece chicken with rice, coke ang drinks." sabi nya

"Ano sayo?"

"Ahm ganon nalang din." 

After mabigay yung order namin, nag drive si clyde papuntang parking lot. 

Kumakain kami ng matiwasay. Halatng gutom kami parehas to the point na bumili pa ko ng 5 extra rice, oo AKO umorder, bwisit kasi tong clyde nato manglilibre nalang di pa lubusin, kesyo di daw ako mahiya nilibre nako tapos wala pa daw ako kwenta.

--

Pagkatapos namin kumain bumalik kami sa subdividion kung asan kami kanina, tinanong nya kung saan ako nakatira.

"Sa puso mo yieee." :>

"Pilosopo naman nito, bahala ka iwanan kita dito."

"Di naman mabiro to." sabi ko

Tinuro ko bahay namin tapos pababa na sana ko at mag t-thank you nung may tinanong sya sakin na talagang kinakaba ko very very big.

"Kilala mo ba ung matandang manghuhula na nagtatanong kung anong kahilingin mo?"

__

short update hshshs




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's dying.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon