Caisy
Kasulukuyan kong sinusuklay ang buhok ko. 7:09am na at magsisimula ang klase ko ng 8am, tiyak kong ma l-late ako.
Nagmamadaling lumabas ako ng bahay at pumara ng tricycle.
Nako naman caisy kung kelan nakakuha ka na ng trabaho tsaka ka pa ma le late.
--
7:49
Hays! Buti nalang umabot ako! Medyo nagugutom ako kaya bago pumunta sa classroom bumili muna ko ng latte sa coffee shop malapit dito.
Hawak hawak ko ang kape ko ng tatawid nako papuntang school ng mamataan ko ang matanda.
Sira sira ang damit neto at namamalimos sa daan, na antig ang puso ko kaya't nilapitan ko to at naglagay ng 100 pesos sa kanyang baso na pinaglalagyan ng mga nalimos nya.
"Nako, apo maraming salamat.'' ngumiti ako at akmang aalis na sana ng tawagin nya ako.
"Caisy."
Medyo nagulat ako ng tawagin nya ko sa pangalan ko.
"Po? Pano nyo po nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang sambit ko.
"Halika dito iha." lumapit ako kay lola kahit na medyo nag aalangan ako, kinuha nya ang palad ko. "Caisy ano ang iyong kahilingan sa buhay?"
Kahit na litong lito nako kay lola sinambit ko ang kahilingan ko.
"Gusto ko pong bumalik sa nakaraan upang maging masaya sa piling ng taong mahal ko."
Ngumiti ang matanda "Mag iingat ka sa mga hinihiling mo iha."
"Ang iyong kahilingan ay aking tinutupad."
Nag snap si lola at sa isang iglap pinagsisihan ko ang aking kahilingan.
--
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang aking sarili sa isang puting kwarto.
Teka, nasan ako?
Dinukot ba ko ng puting van?! Kinuha ba nila ang kidney ko?! Hala lord wag naman po!
Sisigaw na sana ako ng tulong ng makita si mama pumasok sa kwarto.
"Anak? Gising ka na?!" maluha luhang sambit nito.
"Ma? Nasan ho ako? Naguguluhang tanong ko.
"Anak nasa Hospital ka! Na-aksidente ka noong nakaraang buwan."
Nanlaki ang mga mata ko, pamilyar itong pangyayaring ito! Parang nangyari na ito noon.
Nag iisip ako ngunit natigilan ako ng makita ang pamilyar na lalaki sa harapan ko.
Si kuya.....SI KUYA HERBERT!
"KUYA?!"
ngumiti ito "Oh, bunso gising ka na pala."
"KUYA BUHAY KA?!"
Tila nagulat si mama at kuya sa klase ng tanong na binigay ko.
"Caisy, ano bang pinagsasabi mong bata ka? Malamang buhay ang kuya mo!"
Papanong...
"Ma anong petsa na?"
Tila naguguluhan sila sa pinagsasabi ko. Ngunit mas lalo akong nagulat ng sabihin ni mama ang petsa ngayon.
June 5, 2013.
2013?!
Ibigsabihin...
Si lola! Yung matanda!
Nagkatotoo ang kahilingan ko?!
Mababago ko ang tadhana?!
Maari akong mahalin ni Clyde...
Ito ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko!
--
Isang linggo na ang lumipas simula ng mapadpad akong sa taong 2013.
Ibigsabihin ako'y 16 years old palang.
Ibigsabihin grade 10 palang ako.
Ibigsabihin... Teka bat kanina pako ibigsabihin ng ibigsabihin?
Buti na lang naaksidente ako bago ako pumasok.
Excited nako pumasok ulit! Pero teka kung 2013 ito... Kaibigan ko pa rin si Lea..
Alam ko na! Hindi ko papakilala kay lea si clyde! Upang hindi sya mahulog dito at matuloy ang pagkakaibigan naming dalawa.
Napangiti ako sa naisip kong plano.
Sa wakas mag kakaroon na din ako ng masayang buhay sa hinaharap.
Ngunit bago ang lahat aayusin ko muna ang aking nakaraan.
Maraming salamat talaga sayo lola sa pagbibigay ng pagkakataon sa aking mabago ang nakaraan.
Lumabas ako ng kwarto dahil na rin sa pagkabagot, pumunta akong kitchen at saktong nakita ko si mama na nag b-bake ng brownies. Ang aking paborito.
"Wahhh, maaaa pengeee!"
Akmang dadampot na ko ng paluin ni mama ang kamay ko.
"Ouch! Mama naman eh!"
"Hintayin natin ang kuya herbert mo! Pinabilhan ko ng kape saglit!"
Nag make face ako at pumunta sa sala. Binuksan ko ang tv at nanood na lamang doon.
Grabe hanggang ngayon namamangha pa din ako tuwing naiisip ko na nang galing ako future.
Matatawag na ba kong alien? Wag naman sana HAHAHAHA
Dahil walang mapanood ng maayos bumalik ako sa kusina.
"Maaaaa! Wala pa ba si kuyaaaa? Gutommmmm na kooooo!"
"Wag ka ngang sumigaw, naririnig kita!"
Tinawanan ko lang si mama tsaka dumampot ng isang brownies sa lamesa. Sinamaan ako ng tingin ni mama pero ngumiti pang ako HHAHAHAHAHHA bleeee
Ilang minutong nakalipas dumating na si kuya at kumain na kami ng brownies ni mama at kape.
Kaya pala natagalan si kuya, sa mall pa sya bumili ng kape. Sosyal talaga neto HHAAHHA 3 in 1 lang pinapabili ni mama bumili pa ng kape sa JCO.
Masaya kaming kumakain at nagbibiruan ng inutusan ako ni mama magwalis sa harap ng bahay.
Nakasimangot naman akong sumunod, habang nagwawalis ako naramdaman kong may nakatingin sakin kaya lumingon lingon ako at nagulat sa nakita ko.
Si Lola nakatitig sakin... Yung nagbigay ng kahilingan ko!
Pero ang mas kinagulat ko ng makita ko ang kausap nya.
Its Clyde...
And his talking to the old woman...
Kausap nya si Lola!
--
Any thoughts? HHAHAHAH
Humiling din ba kaya si Clyde kay lola?Abangan sa susunod na chapter!
Thanks for readingggg
BINABASA MO ANG
He's dying.
Science FictionIt's a story about a girl who trusted cupid and his death games. She tries to save him....Would fate be on her side? Or the man she loves will die? -------- Ps: this is a taglish story :))