2. Raket Queen

26 3 1
                                    

“ Ma you need to rest, ilang araw na yang lagnat mo” dinig sa boses ng dalaga ang pag aalala.
“ ok lang ako ‘nak alam mo naming di ako pwedeng umabsent sa trabaho, baka ma-short tayo sa budget” mahinang sagot ng ginang na halatang naghihina.

“ don’t worry ma, may isa pa akong raket mamaya after my regular work, ok lang na umabsent ka” malambing na sagot nito.

And in this corner meet Yuuki Maleficent Park, Chinita, Boyish, Honor Student, Reyna ng mga raket, kahit ano papasukin kahit na mag clown pa sa perya matulungan lang ang mama niya.

Only daughter ni Annalise Park at sperm donor neto kasi eversince nabuntis to kay Yuuki missing in action na ang nakabuntis sa kanya. Isang Hotel Supervisor si Ms. Park sa Montecristo Hills, pero baon sila sa utang . Kaya lahat ginagawa ni Yuuki para matulungan mama niya. Kawawang bata at a very young age pasan na ang daigdig, di tulad ng isa jan *eye rolls*

“Ma, aalis na po ako, call me if may papabili ka! Pahinga ka!” sabay yakap kay Ms. Park.

“ Yes Boss! Magpapahinga na po” malambing na sagot neto.

*School Bell Rings*

“Late ka na naman? Last year ganyan ka din” sabi ni Yuuki sa bagong dating
“ Huli man ang dating, atleast dramatic ang entrance” natatawang sagot nito.

Si Elvis Alexander Choi but she prefers to be called Eve, Kikay, Friendly, Maganda according sa dictionary niya ay bestfriend ni Yuuki since kinder, Youngest daughter ng music at history buffs na sina Arthur at Marceline Choi. Bullying- victim si Eve dati dahil sa weight neto, kaya kahit fit and healthy na to ngayon over protective si Yuuki dito. Paano naman kasi lagi siyang napapaaway if may tumutukso kay Eve. A bullying incidence bought made their paths cross, but love and laughter kept them together.

“Oi bata may chika ako sayo” maarteng sabi ni Eve
“Ano yun? Importante ba yan? Bagong raket?” habang naghahanap ng pwedeng aplayan na raket sa internet.

“ May Transferee student daw na nag enroll today, at according sa chismis pogi raw”
“ So? Kanino mo naman narinig yan?napaka-chismosa mo talaga” medyo iritableng tanong ni Yuuki.
“ Sa mga tumitiling Babae sa Hallway, sana maging classmate natin siya ng magkaroon ng partner ang kagandahan ko, sigh!” may pagka drama queen na sambit nito na nagging dahilan para medyo ngumiti si Yuuki.


‘Di naman man-hater si Yuuki, Pero as of the moment di niya priority ang lovelife sa dami ng responsibility niya. And to quote her “ aanhin mo pa ang lovelife at crushes kung di naman to convertible to cash”.

“Speaking of raket, kelangan ni Kuya Damian ng extra waiters para sa catering event niya mamaya ano game ka?”

“ oo naman, alam mo naman basta sa pera go ako diyan, anong oras ba?kasi may shift pa ako sa Bakeshop after class”

“ Around 8 pm to  10 pm sa Montecristo Hills, ano text ko na si Kuya?”
“ Yes, thank you so much bata, alam mo namang kelangan ko ng pera”

“ You’re always welcome, pero please naman mag pahinga ka din, baka magkasakit ka pa. Kung ‘di mo lang sana binasted si kuya sana di ka kayod kalabaw ngayon”

“Eve, please! Alam mong di ako ganyang klaseng tao”

“alam ko, kaya nga bilib ako sa’yo eh” . At biglang niyakap si Yuuki, which only Eve and Ms. Park can do, kasi ayaw niya ng cheesy scenes


The Story of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon