*Chapter 5*
Andee’s POV
After ng dinner appointment, napagdesisyunan kong imeet muna si Gia bago umuwi. She can’t miss this much news kaya kailangan ko talagang sabihin ‘to sa kanya.
“Andee, uuwi ka na? Charry, anak, hatid mo na si Andee.” Patweetums na sabi ni tita Shain.
“Yes, Mom.” Sagot ng kunwari ay butihing si Clyde.
Yuck ha. Ang galing galing nyang umarte! Kala mo sinong gwapo!
Pero, gwapo naman talaga sya. ^____^
“Sige Mommy, Tita Shain, mauna na po ako. Goodnight!” sabi ko sa mga mommies.
“Good luck dear!” sigaw ni Mommy sa akin.
So what’s with the good luck? Mamamatay-tao ba ‘tong si Clyde? My gosh! Hindi kaya, KUMAKAIN SYA NG TAO? Cannibal lang ang peg! Waaaaaaa~
“I’m not a cannibal.” Sabi nya sa akin.
Nasa labas na pala kami ng restaurant ng mga oras na ‘yun. Teka, nabasa nya yung iniisip ko?
“Mind-reader ka ba? How come nalaman mo ang iniisip ko, ha, CHARRY???” tanong ko na may halong pambu-bully.
“Stop calling me that irritating name! At hindi ako mind reader. Mabunganga ka lang kaya pati iniisip mo, nasasabi mo na unconsciously!” tss. YABANG!
“Whatever! For your information, I don’t need you! Kaya kong pumunta sa bahay nila Gia nang mag-isa!” sabay talikod sa kanya.
*LAKAD*
*LAKAD*
1..
2…
3….
Bakit hindi nya ako sinundan?
Humarap ako sa kinaroroonan namin kanina only to find out na wala na si Clyde.
Pinatulan nya yung sinabi ko?? Sheez. No choice but to take a cab. Hindi na ako magpapasundo kay manong driver dahil ang alam ni Mommy, hinatid ako pauwi ng malditong lalaking ‘yun! Shet sya, SHET!
“He left you? Grabe, Dee, mukhang nahanap mo na ang katapat mo ah!” tawa ni Gia sabay kuha ng chips sa bowl.
“Then, nahanap nya na rin ang katapat nya. But Gia! I think I can’t live with that dummy! Nakakainis ang ugali nya.” Naghuhurumentado na yata ako sa upuan ko sa sobrang inis!
“Opposites attract, Dee! Malay mo, magkagustuhan kayo. I thought you want him to like you?”
“Gi, that was my first plan. Saka I didn’t know na ganto pala ang connection namin. I mean, I never thought of having him as my housemate, like duh! Ang ugali, supeeeeer panget!” buti nalang maganda ako.
“Easy. Alam mo, ikaw lang ang nagpapalala ng sitwasyon. I guess he’s nice kaso nagkakaroon ng friction pag ugali nyo ang nagsama.” Sabay irap. So, what does she mean?
“Anong ibig mong sabihin ha?” curious ako. Minsan bugak lang talaga yang kaibigan ko, mana sa akin. Pero mas maganda ako.
“Friend, be good. Minsan kasi umiiral yang kamalditahan mo at pagiging primadonna! Wait, is this Resty?” nakaturo sya sa screen ng laptop nya. Nagfe-facebook ang bruha.
“Yeah. Girl na sya Gi. HAHAHA~ I remember the days!” alam kong alam ni Gia ang tinutukoy ko.
FLASHBACK
“I like you! Hindi, mali pala. Uhm.. I LOVE YOU!” sigaw ng batang babae na may hawak na rose. Pilit nyang pinipigilan ang parang natataeng feeling nya dahil naghahalo ang kaba, kilig at excitement nya.
BINABASA MO ANG
Beki ka ba? (HIATUS)
Teen FictionDaming gwapo sa mundo at totoo yun. Kaya lang, sure ka bang true blooded guys sila? Baka naman pink colored gays ang mga yan? Kaya nga ako, naninigurado na. :)