Postponed Death Day

7 1 0
                                    

// Bryle ;

Nag-log out ako sa Facebook dahil sa nakakasawang mga posts na puro pagbati. Eh ano naman kung bagong taon? Karaniwang araw lang naman iyon na umulit lang sa buwan ng Enero. Walang bago.

: Bryle!

Napasimangot ako sa nag-message sa akin. Uh. Siya na naman.

; Bakit?

: Shot!

Sineen ko na lang ang message niya. Wala akong panahon doon. Hindi ako masaya at walang makakapagpasaya sa akin ngayon kundi kamatayan.

: Luh gago seen?! Otw na ko d'yan!

Napasabunot ako sa buhok ko. Bwisit naman talaga. Kapit-bahay ko lang si Leigh, magkatapat lang ang bahay namin sa subdivision. At wala pang isang minuto nang marinig ko na ang doorbell niya. Tsk. Hindi ko siya pinansin.

Pero hindi nagtagal, may narinig akong katok sa glass wall ng terrace. Hinawi ko ang kurtina at nakita ang nakangising mukha ni Leigh. Napakakulit talaga. Napilitan akong buksan ang pinto. Maingat niyang nilapag ang mga alak na dala niya pati pulutan sa bedside table at umupo sa sahigㅡ nakasandal sa kama ko.

"Yow, happy new year at happy birthday, bespren! Pa-kiss nga! Tanda mo na ah!" Pabiro niyang sambit. Tinignan ko siya nang masama pero tinawanan niya lang ako.

Umupo ako sa tabi niya at tahimik naming tinungga ang mga alak na binili niya. Nakatitig lang kami sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang kalangitan.

"Nakaka-puta ang mundo 'no? Hindi ko nga makita ang dahilan kung bakit pa ako buhay. Napakalaki siguro ng kasalanan ko sa past life ko kaya grabe ang pagdurusa ko ngayon." Natahimik lang siya. "Leigh," tawag ko sa kanya.

"Ano?"

"Saksakin mo nga ako. Laslasin mo 'yung balat ko hanggang sa maubusan ako ng dugㅡ aray!" Napahawak ako sa batok ko dahil sa sobrang lakas ng hampas niya. Nawala nga yata ang tama ko. "Ano bang probleㅡ teka. Leigh? Umiiyak ka? Anong meron?!"

"Ikaw! Bakit ganyan ka magsalita?! Kung pwede lang, kanina pa kita nabugbog dahil sa pinagsasabi mo! Masakit kaya! Wala ka man lang konsiderasyong siraulo ka! Nasasaktan ako!"

"B-bakit naman ikaw 'yung nasasaktan eh ako 'yung binatukan?"

"Aish! Bwisit ka talaga! Nakakainis ka! Gusto ko ngang tumanda kasama ka tapos haharapin natin lahat ng problema tapos ikaw naman gusto nang mamatay! Iwan mo na 'ko! Mamatay ka na!"

Nagulat ako nang bigla siyang napahiga sa dibdib ko. Humihilik na siya. Malakas din talaga ang tama nito. Hiniga ko na siya sa kama ko at kinumutan. Umupo ulit ako sa pwesto ko para ipagpatuloy ang pag-inom. Tinitigan ko siya habang nakasandal sa gilid ng kama.

"Tss. Sige na nga, postponed na muna ang death day ko para sayo. Pasalamat ka at gusto rin kitang kasama tumanda."

***

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon