// Sheena ;
F.L.A.M.E.S
= Friends, Lovers, Anger, Marriage, Engagement, Soulmates.Nakangiti kong sinulat ang mga salitang iyon sa likod ng notebook ko. Hihi. Ano kayang lalabas?
Sheena Joy Peralta
Kenjie BelarminoE - 3, N - 1, A - 1, J - 1, O - 1, R - 1, L - 1
Uy, 9 ang letters sa pangalan namin na magkakaparehas!Hihi, ang dami naman! Tumingin ako sa salitang flames at bumilang ng siyam. Hanggang sa tumapat sa letrang A. Teka, A?! ANGER?! Ayoko nun! Panget ang flames!
Inis kong sinara ang notebook ko at kinuha ang phone ko. Binuksan ko ang app na Love Calculator. Ha! Nag-try ako dito nung nakaraan at 98% ang naging resulta.
"Sheena, pahiram ng notebook mo ha? Pakopya ng notes." Tumango lang ako sa kaklase ko habang nagta-type ng pangalan namin ni Kenjie. Hinintay ko ang resulta at...
Takte! Bakit 79% nalang! Fake na app! Fake!
In-uninstall ko ang app na yun at hinagis ang phone ko sa bag. Kunot noo akong tumayo at lalabas na sana sa classroom nang mapansing nagkukumpulan sila sa board. Naki-usyoso ako at pilit na siniksik ang sarili ko sa kanila tutal maliit naman ako.
At nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pahinang pinagsulatan ko kanina. Kung saan ako nag-flames! At mas nagulat pa ako nang makita kung sino ang nasa unahan at nakatitig doon.
Lumipat ang tingin sa akin ni Kenjie at kumunot ang noo. Sht! Sino ba kasing nagdikit nito sa board! Nagulat ako nang hilain ni Kenjie ang papel saka nilukot. Nanlumo naman ako. Sabi na nga ba, wala akong pag-asa eh.
"Tigilan mo nga yang ganyang kalokohan. Hindi ako papayag na letter A lang ang lalabas na resulta. Kung pwede lang, magpapapalit ako ng pangalan para letter M ang maging resulta."
Natulala ako sa kanya. Teka... M? As in Marriage?!
"You know what exactly that freaking flames mean for me?"
Nanatili akong tulala. May nilabas siyang lukot na papel mula sa bulsa niya at inabot iyon sa akin. Nanginginig ko iyong kinuha at binasa.
F - orever, I'll be
L - oving you.
A - lways remember that
M - y love
E - xceeds longer than the distance of the farthest
S - tar from here.
At tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko matapos kong basahin iyon.
***