// John ;
"Grabe! Masasarap yata lahat 'to, hindi ko alam kung anong pipiliin ko!" sigaw ni Shane, ang kapatid ko, habang nakatingin sa menu. "Ano sayo, Kuya John?"
"Kung ano sayo, 'yun na rin sa'kin," sabi ko sa kanya.
Nalipat bigla ang tingin ko sa pinto nang may pumasok na tila magbabarkada. Apat sila. Dalawang lalaki at dalawang babae. The fat one keeps on complaining that he's hungry while the girl beside him keeps throwing him glares jokingly. Ang dalawa naman nilang kasama ay kapwa may hawak na cellphone. I simply watched them habang natatakpan ng menu ang mukha ko. Ewan, something's odd.
Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin ni Shane. We are almost finished nang biglang may sumigaw sa table na halos katabi lang namin. Nang lingunin ko iyon ay nakita kong mula iyon sa grupo na sinundan ko ng tingin kanina. Biglang natumba sa sahig ang lalaki at bumula ang bibig. Nanlaki ang mata ko. I immediately ran towards their direction. Wala nang pulso ang biktima.
"Call the cops!" sigaw ko. Halatang nataranta silang lahat at agad na nilabas ang mga telepono nila. Inilapit ko ang mukha ko sa biktima at may na-amoy akong almond. No doubt, it's a case of cyanide poisoning.
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pulis. Agad na kinuwestiyon ang tatlong kasama ng biktima. Mataman kong pinakinggan ang mga alibi nila.
The victim is Louis Soriano. Nalamang may lason sa cake na pinaghati-hatian nila pati sa kamay ng biktima. Ngunit nang tignan ang iba pang piraso ng cake ay wala doon ang lasonㅡ tanging ang piraso ng cake lang na kinain ng biktima ang meron.
The first to introduce is Kristine Bacsal, who introduced herself as Louis' girlfriend at sinabi rin niyang isa siyang psychologist. She was the one who sliced the cake. The second one is Alfred Alonzo, college bestfriend ni Louis who now works as an architect. He didn't touch the cake. The third one is Hana Lopez, a nurse at kaibigan din siya ni Louis. Siya ang bumili ng cake.
Lumapit ako para mas matignan nang maigi ang lamesa nila. Kung muling bubuuin ang cake, makikitang may butas ito sa gitna. Nababalot ng whipped cream ang buong cake. Si Kristine daw ang nagsabi na hatiin sa apat ang cake. The only pieces left ay ang parte ni Alfred at ni Louis. Ang hirap isipin kung paano nagawang sadyang kainin ni Louis ang cake. Hindi pa raw kinuha ni Alfred ang parte niya dahil naglalaro pa siya ng mobile game. Samantalang si Louis naman ay galing sa banyo at agad na kinuha ang cake na mas malayo sa kanya. The only piece left is Alfred's. Hindi pa niya iyon nakukuha nang nalason si Louis.
Waitㅡ kung nanggaling siya sa banyo, it means he washed his hands. Kung gayon, wala sa kamay niya ang lason. Sinadya talaga para sa kanya iyon. The culprit is clever enough.
But... I remember 'that' thing. Knowing that he's fat and he complains that he really is hungry. The culprit could really be that person. But how did she do it? I looked at the suspect at nang tignan niya rin ako ay bigla niyang hinawi ang buhok niya. Then I saw her ring. That's it. That is the evidence.
"Inspector, this is a case of suicide," rinig kong sabi ng isang pulis sa gilid. I immediately made my way there.
"Wait, inspector. It's not. Let me expose the culprit's crime for a while."
Napataas ang kilay ng pulis. "Bata, hindi ito seatwork lang sa school. This is murder."
"I know, it's obvious. Just let me speak tutal wala namang usad ang imbestigasyon niyo." Nanlaki ang mga mata nila. Hindi sa pagmamayabang pero nauna ko pang ma-analisa ang krimen kahit nanonood lang ako.
"Okay, get it done."
"Let's first talk about the victim. He keeps on complaining that he's hungry magmula nang makapasok sila rito. He got to the bathroom and washed his hands, then ate the remaining part. Inspector, can I touch the cake?" Um-oo ang inspector at binigyan ako ng gloves. I arranged two pieces of cake vertically na tila parehong nakabaliktad na pamaypay. "Inspector, if you're so hungry, alin sa dalawang ito ang kukunin mo?"
Lumapit ang inspector. He was about to get the cake na mas malayo but he stopped. "Teka, diba equal naman ang pagkakahati? Bakit parang mas malaki 'tong mas malayo?" tanong niya.
"That's what you call 'Jastrow Illusion'. Kapag nagco-compare tayo ng sizes visually, we end up comparing the length of the closest adjacent parts. Dahil nga tila pamaypay ang pagkakaayos ng cake, naikumpara ang maliit na bahagi sa mahabang bahagi. Even though they are equal, we would mistakenly thought that the other one is bigger. Of course, our very own psychologist know that from the very start kaya iyon ang naisip niyang paraan, right, Ms. Kristine?"
Nanlaki ang mga mata ni Kristine. She stood up, throwing deadly glares at me.
"Is this kid accusing me for killing my own boyfriend?! How dare you sneak into cases that you're not part of!"
"Shut it. Hindi ba ikaw ang humati ng cake? Hindi napansin ng mga kasama mo na inilagay mo ang lason dahil parehas silang busy sa cellphones nila, while Louis is in the bathroom. Nasa gilid ang pwesto niyo kaya walang nakakita na ikaw ang naglagay."
"Wala kang ebidensya!"
"Then let me look at your hand," itinaas niya ang kanang kamay niya. "Not that, the other one," rumehistro ang takot sa mukha niya. Ako na ang lumapit at nagtaas ng kaliwang kamay niya.
Doon na nasilayan ng lahat ang gold ring niya na hindi na pantay ang kulay. Mukha nang kupas ang ilang bahagi nito.
"Cyanide is also used for gold gilding and buffing. Natapunan ng lason ang ilang parte ng singsing mo habang inilalagay mo iyon, tama?"
She ended up crying. Naglumpasay siya sa sahig at nagwala.
"Ginawa ko lang iyon dahil nalaman kong balak niyang makipaghiwalay sa akin para kay Hana! Gusto niya si Hana kahit hindi siya gusto nito! Hindi ko matanggap! Ayoko..."
Looks like the psychologist will be the one who's needing a theraphy treatment for now. Love is really something. Love really kills.
***